Sophia's POVm
*
Inilabas ko yung singsing na bigay saakin ni Gelo. Itinago ko ito kahit na napakatagal ng panahon. Lagi ko itong dala kahit san ako magpunta. Dahil galing sa kanya ito. Lahat ng binibigay niya sakin nakatago pa rin hanggang ngayon. Kasi mahalaga si Gelo saakin. Mahal na mahal ko siya noon. Hanggang ngayon pa rin naman eh. Naalala ko tuloy yung mga pangyayareFlashback
-----
Nagising ako at bumungad sakin ang isang hindi pamilyar na kuwarto. Teka? Bakit maliwanag? Nasa langit naba ako? Naramdaman ko may nakahawak sa kamay ko pagtingin ko si Gelo pala natutulog. Teka? Bakit mayroon akong swero at kung ano ano pang tube sa katawan ko? Ano bang nangyare sakin? Bigla naman nagising si Gelo. Namiss ko siya. Yinakap ko agad si Gelo. Parang gulat siya nung niyakap ko siya.
"Sop..so-phia gising ka na. Sandali lang tatawag lang ako ng doktor" nag aalala niyang sabi
"Wag ka munang maggagagalaw sophia. Sandali lang toh. Tsaka tatawagan ko na rin sila tita"
"Okay" malakas naman ako ah. Kahit kelan talaga ang OA ni Gelo.
Bumukas ang pinto at inuluwa nito sina mommy,Gelo at yung doktor
"Buti naman nagising ka na iha." Chineck ako nung doktor. Then tinanggal na nila ang mga nakakabit na tube sa katawan ko.
Lumapit agad si mommy at yinakap ako ng mahigpit."Anak buti na lang gumising kana. Ang tagal mo ng nakahiga dito eh. Buti pinakinggan ni Lord ang panalangin ko" mangiyakngiyak na sambit ni mom
"But mom kahapon lang magkasama tayo ah. Tsaka nagtatalo lang tayo kahapon so that's impossible na matagal nakong nakahiga dito sa kama"
"Ah mrs. De los Reyes. Sophia is su-"
"Ahm dok sa labas na lang po tayo mag usap." Putol ni mommy sa doctor
Habang wala si mommy nagkwentuhan muna kami ni Gelo
"Gelo!"
"Penge naman ako ng pagkain. Kanina pa ako nagugutom eh!"
"Ikaw talaga kahit kelan ang takaw takaw mo!" Pang aasar sakin ni Gelo
"Ah ganun. Sige di na lang ako kakain" sabay irap ko sa kanya
"Eto naman di mabiro oh eto paborito mong sisig,lomi, kare-kare,bacon tsaka durian pinaghandaan ko talaga yan" nagningning ang mga mata ko at nilantakan kaagad ang mga pagkain na nasa harapan ko. Pakiramdam ko 3days akong di nakakain
"Oy Iya dahan dahan lang! Tsaka dika man lang ba magpapasalamat sakin?" Sabi nitong si Gelo. Siya lang ang tumatawag saking Iya wala ng iba
"Shalabat" sabi ko kahit punong puno ang bunganga ko.
"Iya sure kang yun lang ang huli mong naaalala,yung nag away kayo ni tita?" Sambit ni Gelo na parang may itinatago
"Oo. Bakit may huli pa bang nangyare?" Tanong ko kay Gelo
"Ah-eh wala naman." Gulat na sagot niya
"Oy ikaw ah may tinatago ka saken. Ano ba yun? Sabihin mo na bestfriend naman tayo eh" kulit ko kay Gelo
"Honey! How's your feeling?" Bigla namang pasok ni mommy
"Feel great mom after eating those food" natawa naman si mom sa sinabi ko
"Ang takaw mo pa rin talaga sophia" she chuckled
"Mommy!"
"Totoo naman ah! Diba Gelo?" Tingin naman si Gelo samin
"Yes tita. Pero nagtataka nga ako kung saan napupunta kinakain niyan eh kase hanggang ngayon payat pa rin." Pinagkaisahan na naman ako
"Excuse me hindi ako payat. Sexy ang tawag dito" sambit ko
"Woshooooooo~~~~ ang lakas ng hangin tita hold me baka tangayin ako" pang aasar ni Gelo sakin
"Sus aminin mo na kase Gelo na I have a hot-dead-gorgeous and sexy body!" Pagmamayabang ko pa. Kita ko naman si mommy natatawa na lang samin
"Tita ilan po bang electricfan ang pinakain niyo kay Sophia? Sobrang hangin napo eh. Iya! Pwedeng pakihinaan nilalamig nako eh tsaka baka tangayin na talaga ako" asar pa rin na sabi ni Gelo. Aba di ako magpapatalo
"Excuse me Gelo hindi ako poor para lumunok ng electricfan kaya kong bumili ng aircon" sabat ko uli kay Gelo. How I miss this guy
"Oy mga bagets tumigil na kayo. Tsaka ikaw sophia kagagaling mo lang eh daldal ka ng daldal. Pero okay lang namiss namin yang kaingayan mo eh"
"Mommy di naman ako madaldal eh" -ako
"Oo na sige na. Hindi ka na madaldal. Ikaw talagang bata ka. Osya magpahinga ka na dahil bukas makakauwi na tayo. Excited na si Andrew na makita ka."
"Oo nga pala si Andrew. Namimiss ko na siya." Si dad namimiss na kaya niya ako wala kase siya ngayon sa tabi ko eh. Bakit kaya? Ahy! Oo nga pala. Shizzzzzz* naatake pala sa puso si dad ng mag away kami ni mom.
"Mom! Asan na po si daddy? Kumusta po siya? Diba po inatake po siya nung mag away tayo?" Sunod sunod na tanong ko
"Ahm sophie....... Baby..... Wala na.... Wa-la na ang daddy mo. " nagunahang pumatak ang aking mga luha at tuloy tuloy ang agos nito. Kasalanan ko ito! It's all my fault! Pero diko maalala kung ano ang pinagawayan namin ni mommy basta ang gusto ko ay lumayo na sa kanila pero ewan ko kung ano ang dahilan kung bakit gusto kong maglayas.
"Mo---mmy i-is i-t ...my fa-ult? Kung bakit namatay si da----ddy?" Humihikbing sabi ko
"No baby its not your fault okay?. I told you earlier na matagal ka ng nakahiga sa kama na yan kaya maraming nangyare sa loob ng 1yr na pagtulog mo" naiiyak na sabi ni mommy
" 1year? Ganun ba katagal yun? Ano pong nangyare?" Tinignan ko si mom at si Gelo. Nakita kong parang naguguluhan rin si Gelo habang naririnig ang pag uusap namin ni mom
"After we argued that time you went away. Hindi ko alam gagawin ko kase inatake na rin ang dad mo nun pero tinignan mo lang kami at umalis ka ng tuluyan pero nabalitaan na lang namin na nasa hospital ka at nag aagaw buhay kaya imbis na magalit ako sayo dahil iniwan mo kami ng dad mo nung araw na yun pinatawad na rin kita dahil hindi ko makaya na makita na ganun ang kalagayan mo. Hindi ko alam ang gagawin sa mga panahong yun dahil pareho kayo ng dad mong nasa hospital. Ilang araw ang dumaan at nagising na ang dad mo. Thank God dahil may kasama nakong mag aalaga sayo. Kaya hindi mo kasalanan kung bakit namatay ang dad mo. Pe....ro"matagal na nahinto si mommy sa pagsasalita at parang nag aalinlangan siya sabihin sakin kung ano ang sunod na nangyare
"Pero isang araw pabalik kami ng dad mo dito sa hospital ay nabunggo ang aming sinasakyan. Napuruhan ang dad mo nun kaya........kaya namatay siya. " humagulgol si mommy at napayakap sakin. Tiningnan ko si Gelo at kita ko ang gulat na reaksyon niya. Naguguluhan ba siya? Pero bakit siya maguguluhan dapat alam niya ang lahat ng pangyayare sa buhay namin dahil lagi siyang nasa bahay. At lagi rin siyang nandito sa ospital. Hays.