***
"Hindi ako papayag na malayo ka sakin Sophia." Mangiyakngiyak na sabi niya
"Ako rin naman eh. God knows how much I love you Lance. Im willing to go with you. Take me away,nahihirapan na rin ako Lance." Nagulat ata siya sa sinabi ko. Yes I will go with him no matter what. We loved each other. Marami ng na sakripisyo si Lance para sakin,ngayon panahon na para ako naman ang lalaban para saamin.
"Okay. And I'll promise you that I will take care of you. I'll wait you here at 3am baby. Iloveyou too."
Minulat ko ang aking mga mata. Panaginip lang pala. Pero parang totoo ang lahat ng yon. Si Lance? Sasama ako sa kanya? Pero bakit? Arghhhhhhh!!!!! Ang sakit. Ang sakit ng ulo ko.
"Ahhhhhhhhhhhhhh" napasigaw ako dahil nga sobrang sakit ng ulo ko tapos parang may nag fla-flashback sa utak ko. Pero ang bilis. Ang natatandaan ko lang ay may kasama akong lalaki. Mahal namin ang isat isa. Ngunit diko maaninag yung mukha niya. Bakit nagkakaganito ako? Hindi naman ako nagka amnesia pagkatapos ng insidenteng nangyare sakin dati. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si mama
"Sophia! What's happening? Narinig kita sa baba na sumisigaw ka." Nag aalalang tanong ni mama
"Sobrang sakit lang ng ulo ko ma. Parang may nag flashback sa utak ko kanina."parang nagulat si mama nung pagkatapos kong sabihin iyon
"Anak may naaalala ka ba?" Naguluhan ako kay mama
"May dapat po ba akong maalala?"
"Ah-ang ibig kong sabihin may naaalala ka bang nangyari kagabi?" Sambit niya
"Ah hmmm.-----(biglang nag init yung mga pisngi ko dahil sa nangyari kagabi nung hinalikan ni Lance ang kamay ko). Kagabi po ma? Ah---opo naaalala ko po yun"nahihiyang sabi ko kay mama.
"Sorry kagabi anak ha."
"Okay lang ma. Pero ma please this time,ako naman,ako naman ang pakinggan niyo."
"Bumaba ka na may naghihintay sayo sa baba."hindi umimik si mama sa sinabi ko at alam kong ayw pa rin talaga niya kay Lance. Wala namang mali kay Lance eh.
"Huh sino?"
"Si Lance at si Angelo"
O_____________O
Ohkayyyyyyyyyyyy
Nadatnan ko nga sila sa sala. Tahimik naman ang dalawa. Ano bang ginagawa ng dalawang ito. Kay aga aga. Opps I forgot. Suitor nga DAW sila!
Oy!edi ikaw na ang may mahabang buhok --author
Inggit ka na naman author!
Tse! O sige na itutuloy ko pa ang storya niyo-- author
"Goodmorning!" May sabayang pagbigkas ba ngayon?
"Goodmorning?"saad ko. Diko alam kung tama ang ginagawa ko kasi wala naman na talagang chance si angelo. Sinabi ko na sa kanyang tama na. Pero mapilit siya eh. Kaya hinahayaan ko na lang siya kung anong gusto niya. Manligaw siya edi manligaw.
"Sophia! Kumain muna tayo. Pakainin mo na rin yang mga bisita mo mukang hindi pa ata sila nag aagahan."sigaw ni momsi.
"Kain tayo?" Hindi ako sanay na may nanliligaw sakin though nanligaw sakin dati si Gelo pero kasi yung sabay na nandito yung manliligaw KO. I feel like ewan.
Papunta na kami sa dining ng biglang-----
"Goodmorninggggg titaaaa!!!-------nasa labas palang siya ng pinto alam ko na kung sino) Goodmorninggggggg bes------" di na natuloy ni ella yung word na "bessy"ng makapasok siya dahil nakita niya ang mga bisita. Pero ng makita niya kung sino ang isa sa mga bisita namin medyo kumunot ang noo niya. Malamang si Gelo alam niya kung gano ako nasaktan noon kaya siguro nagtataka siya kung bakit nandito yan. Maski ako ay nagtataka kasi pinapasok siya ni mama. Hindi ba dapat galit siya? Dahil sinaktan niya ako. Pero siguro naka move on na si mama pero dapat hindi na dapat bigyan pa ni mama ng pagkakataon si Gelo. Haysss si mama talaga.
"Bessy? Ba--"
"Alam ko na nagugutom ka na kaya tara na sabay sabay na tayo" pinutol ko na yung sasabihin niya dahil nakakahiya naman kay Gelo kung makarinig pa siya ng sumbat dahil sa nangyare sa nakaraan. Tao rin siya.
***
Umakyat nako sa kwarto ko at sumunod si ella. Alam ko na kung bakit
"Sophia!!!! Bakit mo pinapasok yung taong nanakit sayo noon? Nahihibang ka na ba? Pwede ka niyang makuha ulit. At alam mo sa sarili mo na mahal mo pa rin siya!" Mukang matagal na ata talaga kaming di nag uusap ni ella. Nga pala 2yrs.na kaming magkaibigan nagkakilala kami sa simbahan kung saan dapat ako ikakasal. Kinuwento ko ang pangiiwan sakin ni gelo. Hanggang sa tumagal naging mag bestfriend kami.
"Ella mukang matagal na tayong di nagkwekwentuhan. Kasi nakamove on nako. Humingi na siya ng tawad sa ginawa niya. At pagkatapos nun bigla na lang nawala ang galit ko sa kanya. Siguro yun talaga yung hinihintay ko. Yung paghingi niya ng tawad." Mahinahon kong sambit kay Ella
"Pero sis ingatan mo yang puso mo baka mahulog uli sa kanya. By the way!!! Haba ng hair mo gurl! Putulin natin dahil sumasayad na. Akalain mo yun dalawang manliligaw! Ikaw na! Ikaw na ang maganda! Pero mas bet ko si Lance para sayo." Eto na naman siya.
"Ano ka ba! Wag ka ngang maingay! Maliligo nako at baka malate pako sa trabaho ko."
"Sophia boss ka naman sa company niyo kaya wala ka dapat ipagbahala"
"Alam mo kasi bessy sa boss yan nag uumpisa,gumagawa ka nga ng rules pero ikaw mismo dimo masunod ang ibig kong sabihin dapat naguumpisa yan sa leader."
"Oo na ikaw na masigasig na boss" natatawa niyang sabi. Totoo naman eh kung gusto mong sumunod ang mga empleyado mo sa rules dapat nangunguna ka rin dapat na sumunod dito. At wala akong pakielam kung mataas o mababa ka man dapat sumunod ka dito dahil ang batas ay batas
"Osige na alis nako. Salamat sa pagkain." Malapit lang naman ang bahay nila ella samin. Mga tatlong bahay pagkatapos ay kanila na.
****
Bumaba nako. Malamang andun pa rin yung dalawa. Nag away pa sila kung sino ang maghahatid sakin. End up nun ay sa sasakyan ko. Pinag drive ko ang sarili ko. Walang dapat piliin. Pagdating ko sa office nagulat ako dahil may bulaklak sa ibabaw ng lamesa ko. This is my favorite flower. Orange tulips. I read the note, how did he knew? Baka nagkataon lang na ito talaga ang binili niyang bulaklak"Hope I made your morning :). Pick you up later."
Lance
"Thank you."sinabi ko pa rin kahit di niya narinig. I just find myself smiling. What a good morning for me. So he will pick me up later. Iiwan ko na lang yung kotse ko. Nag umpisa nako sa trabaho ko. Pirma dito pirma dun. Hays kapagod. Pero naeexcite ako kasi susunduin ulit ako ni Lance.
Author,
Hi! Ahm sorry sa mga typos at wrong grammar ko. First time ko po kasing magsulat ng story. Tsaka kung naguguluhan po kayo sa takbo ng storya mag react lang po kayo. No hard feelings. Sino ba naman ako para magalit eh yun nga yung gusto niyong sabihin diba? Well,oo masasaktan ako pero okay na yun atleast you're stating the fact. Kung nabasa niyo itong storyang ito hindi ko naman kayo pipiliting i-vote ito. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko. Yun lang. Thank you if you gonna read my story ^______^