Time's Up

10 0 0
                                    

"Bezzzieee tama na yan. Wala ka ng magagawa nakaalis na sya." Sabi sakin ni mezy dahilan para umiyak nanaman ako. Hindi ko sya nahabol. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko sya. Hindi manlang ako nakapag paalam sa kanya. Ngayon wala na. Wala na sya. "Bezziee, wala na si Carrl. Umalis na sya bezziee. Di ko manlang nasabi na mahal ko sya
Bezzieee ang tanga tanga koooo huhuhuhu" hagulhol ko sa bezziee ko. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko at hinayaan ko syang mawala sakin Hinayaan kong mawala anh taong pinakamamahal ko. "Kung pwede ko lang ibalik yung mga panahong masaya tayo, kaso hindi na pwede dahil nangyari na." Kinakausap ko nanaman ang picture nya. Oo Roswell sasagot yan "bezziee. Una na ko. Pag gusto mong lumabas may iniwan akong ticket dyan. Punta ka sa star city arasseo? bye bezziee!!." Sigaw sakin ni mezy. Hayy. Sa lagay na to makakagala pa ako. Kung kasama ko si Carrl oo lalabas ako at magmamadaling pumunta sa star city kaso hindi ko sya kasama e. *Bzzzzt* *Bzzzzt* "Bezzieee, enrollment ngayon dali hanggang three Pm lang to. See yah" biglang pop ng msg ni Mae sa cellphone ko. Ay sht. Enrollment nga pala ngayon. Bakit ko ba nakalimutan yun ? kahit labag sa loob ko ay nag ayos ako. Tingin mo matutuwa si carrl pag nalaman nyang sinisira mo buhay mo? Biglang pasok ng tanong sa isip ko. Tama tama hindi sya matutuwa pag nalaman nya yun kaya nag ayos na ako. Isang jeans at shirt na tinernuhan ng converse ang outfit ko. Tinatamad na ako mag ayos. Kinuha ko lang ang bag ko at nilagay ang I.D, ballpen at tsaka wallet at umalis na ako. sumakay lang ako ng tricycle para makarating sa SRHS nakita ko agad si Mae kaya nilapitan ko agad sya, "Ano section ko?" Tanong ko agad sa kanila. Kasi panigurado inalam na rin nila pati section ko. "Copper ka. Punta ka muna sa inspection tapos, pipili ka ng elective then last mag eenroll ka tapos na kami kaya bye." Paliwanag ni mar tsk. And now ako nanaman mag isa, hindi ako sanay dahil tuwing maiiwan ako mag isa ay nandyan palagi si Carrl para samahan ako. ngayon di ko matanggap ang realidad na wala na si carrl para samahan ako, wala na si Carrl para pasiyahin ako. pwala na. nagbabadya nanaman tumulo ang mga luha ko kaya agad akong naglakad para pumunta sa inspection room, sakto namang wala pang nakapila kaya pumasok agad ako sa room para magpa inspect, wala pang limang minuto ay umalis na agad ako at nagtungo sa elective room, dito mamimili ako ng elective ko. habang papunta doon hindi ko alam pero biglang nag flashback ang mga ala ala namin ni Carrl. lumihis ako ng daan nagtungo ako sa CR at duon muna umiyak habang inaalala ang masasaya naming ala ala.

*Flashback*

"Hahahaha, Carrl! piggy back ride mo ko!" sigaw ko kay carrl habang tumatakbo papunta sa kanya. "tara na nga, ikaw talaga di kita matiis. hahaha" masayang sabi nya at agad naman akong tumalon papunta sa likod nya. nasa 3rd floor ang Room namin at kasalukuyan kaming nasa ground floor "hanggang room ah." pabirong sabi ko sa knaya, ang totoo nyan eh baba agad ako pagdating sa hagdan dahil ayoko mahirapan ang bestfriend ko. "gusto mo hanggang sa bahay nyo pasanin kita eh hahahaha" natatawang sabi nya sakin, malapit na kami sa hagdan kaya nag ready na kong bumaba. "wag kang bumaba prinsesa, papasanin kita hanggang sa palasyo" sabi nya pero this time seryoso sya. "ayoko mahirapan ang hari hahaha. mamahalin mo pa si Drei" pabirong sabi ko sa kanya, natigilan naman sya "uy joke lang. hehehe tara na" sabi ko sa kanya at mas hinigpitan ang paghawak ko sa kanya. "hindi ako nagkakagusto sa bakla prinsesa" sabi nya at nagpatuloy na kami sa pag akyat, nasa 2nd floor na kami ng tumigil sya na syang ipinagtaka ko namn " bakit ka tumigil carrl napapagod ka na ba ? bababa na ako gusto mo ? " agad na tanong ko sa kanya. pero hindi sya sumagot dahil agad syang nagpatuloy sa lakad. "uyyyyy ! ang sweet naman ni Carrl, pinasan nya talaga si Roswell oh !" "yieeeee. ang sweet talaga ni carrl swerte sila sa isa't isa" sabi ng mga classmates namin . "Carrl baba mo na ko pinaguusapan na tayo hahaha" sabi ko sa kanya na may kasamang fake laugh ayoko kasi talaga na pinag uusapan kami ni Carrl lalo na sa classroom. "Par, bakit kailangan pang ipasan si Roswell?" nako eto na nga ba sinasabi ko e. lumapit si Lester samin at seryosong nagtanong. "Par, ano pang magagawa ko nangyari na. hahahaha" sabi ni Carrl sabay tawa. si Lester boyfriend ko alam ni carrl opun. at alam kong nagseselos na si lester dahil sa inaasal nito ngayon sa harap namin hayyy

*uwian*

"baby una na ko umuwi ah. may bisita kasi kami ngayon" paalam sakin ni Lester. pansin ko lang na palagi syang nauuna sakin umuwi nitong mga nakaraang araw. di na nya ako hinihintay. "sige ingat." cold na sabi ko sana mapansin nya na nagtatampo ako. sana.... tiningnan ko sya ulit at nakita ko na naglalakad na sya palayo. hayyy. ako nanaman mag isa. "Pssssst" ha? sino yun? eh halos ako nalang tao sa floor na to. huhuhu may mumu ba dito? "Pssssst." nako naman. nagsimula na ko matakot. "Psssst." huhuhu pangatlo na nya yan, di ko na napigilan at napaupo na ako sa takot. naiiyak na ko. "Uyy roswell ako lang to. hahahaha" nanatili ako sa pwesto dahil takot parin ako. "L-Le-lester" takot na sabi ko "Carrl. Ako si Carrl, wala na si Lester Rosewell. umuwi na sya. tara na iuuwi na kita" kalmadong sabi ni carrl nawala naman lahat ng takot ko at sumama ako sa kanya. inuwi nya ako sa bahay namin at umuwi na sya. *bzzzzt.* *bzzzzt* may nagtext sakin agad kong kinuha cellphone ko at binasa ang text ni Lester "Roswell, tapusin na natin ang relasyon natin, na realize ko na mas mahal ko pala si shane. sorry" isang mensahe na nakapag pagunaw ng mundo ko. para akong binuhusan ng malammig na tubig. bakit lester? bakit kailangan mong gawin sakin to? di ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa lalaking minahal ko at patuloy kong minamahal. so all this time ay iba ang minamahal nya. ? sa kakaiyak ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako. sana sa pagkakatulog na ito ay di na ako magising.

*kinabukasan*

"Roswell bakit? anyare? bakit ang laki ng eyebags mo? di ka ba nakatulog ng ayos?" sabi sakin ni shane, di ko sya pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko kay Lester na ngayon ay nakatingin sakin. bigla akong nag iwas tingin. dahil ayoko na makita ang pagmumukha nya itinuon ko s aiba ang atensyon ko. buong oras ako nakinig sa lesson kahit na wala akong maintindihan. dumating ang oras ng break time. di ako lumabas, pero nahagip ng mata ko sina Lester at Shane na palabas. muli kong itinungo ang ulo ko sa desk. "may problema ba Roswell?" tanong sakin ni Carrl. "wala. sige na umalis ka na gusto ko mapag isa" sabi ko sa kanya. at tumungo lang ako. "alam ko na yun matagal na. di ko lang masabi sayo dahil ayoko masaktan yung prinsesa ko" di ko narinig ang huling salita nya dahil umalis sya agad. so all this time ako ang mukhang tanga? nanatili akong nakatungo hanggang sa next subject namin. dumating ang uwian at kakausapin ko si lester. hinintay nya ako sa labas. pagkalabas na pagkalabas ko ay agad ko syang tinanong " Bakit?" yun agad ang tanong ko. "mas mahal ko sya yun lang. bye." at umalis sya. ang sakit. sobrang sakit. makikita mo yung mahal mo na may ibang mahal. "Roswell, okay ka lang ba?" tanong ni carrl akala ko umuwi na sya. hindi pa pala. hahahaha. "hindi uwi na ko." sabi ko pero pinigilan nya ako "hindi pwedeng umuwi ang prinsesa ng ganyan ang mukha. oh." sabya abot nya sakin ng panyo. "Carrl." nabanggit ko ang pangalan nya at tsaka ko sya nayakap. sobrang sakit. "sana ako nalang Roswell. sana ako nalang." sabi nya pero ako ay patuloy lang sa pag iyak. "salamat sa panyo." sabi ko at muling nagpunas ng luha. hinatid nya ako sa bahay namin at umuwi na sya.

*after 1 month*

medyo naka move on na ako at masasabi kong okay na ako. oo mabilis dahil tinutulungan ako ni Carrl, sa1 month na yon palagi syang nandyan sa tabi ko dadalhan nya ako ng flattops dahil paborito ko yun hahawakan nya yung kamay ko pag may ituturo. masasabi ko na napabilis ang pag m-move on ko dahil sa tulong ni carrl. sa 1 month na yun tingin ko nahulog ang loob ko kay Carrl. akalain mong magmamahal pala ako ulit. "masaya ako Roswell, sa sandaling panahon na nagkasama tayo, sa mga panahong naging masaya ako tandaan mo palagi na mahal kita. paalam." sabi sakin ni Carrl, bakit? bakit kung kailan mahal ko na sya, bakit kung kailan ayoko ng mawalay sa kanya? bakit kung kailan handa na ulit ako magmahal ? bakit mo ko kailangang iwan Carrl. "Carrl, wag please" sabi ko sa kanya. hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at tsaka unti unti itong binitawan. "carrl, wag mo ko iwan" sabi ko habanmg umiiyak di na napigilan ng mata ko ang luha. iniwan na ako ni carrl. *end of flashback* at ngayon 3 months na rin ang nkakalipas simula ng umalis si Carrl. masasabi ko na hindi ganon kadali na tanggapin ang realidad pero kailangan. kung pwede ko lang ibalik yung oras ay gagawin ko sasabihin ko kay Carrl kung gaano ko sya kamahal. kaso hindi na pwede kadil nangyari na. lumabas na ako ng CR at inayos ko na ang sarili ko. Whooo. alam kong di madali pero kakayanin ko to. para sa sarili ko. dahan dahan lang sa pag usad, one step at a time. makakalimutan mo rin sya Roswell.

A/N: mahabang Flashback. sorry.

Baby Can We Turn Back The Time (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon