1

169 4 0
                                    

"Mahal na reyna, Ang lahat ay ayos na"

"Salamat, sebastian. Kunin mo na ang prinsesa at ipadala sa ibang mundo"

"Masusunod po, mahal na reyna"

Isinuot ng mahal na reyna sa leeg ng prinsesa ang isang kwentas na may guhit bituin sa gitna ng pendante nito.

"Mahal na prinsesa--anak ko, mag iingat ka at nawa'y maging maayos ang buhay mo sa ibang mundo" sabay halik nito sa pisnge ng isang batang sanggol na walang kamuwang muwang sa mundo.

Asan ako? Bakit-- gusto kong yakapin ang babaeng may suot na puting magarbong damit na may koronang kumikinang sa ulo nito. Katabi ang isang lalakeng may edad na pero di maiikaila ang makisig at matipunong katawan nito--sebastian.

"Sebastian, dalhin mo na ang anak ko. Siguraduhin mong ang makakakuha sa kanya ay isang mabuting pamilya at maaalagaan nito ng mabuti ang mahal na prinsesa" kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ng tinatawag nilang mahal na reyna.

"Masusunod po mahal na reyna" sabay luhod at kinuha na nito ang sanggol.

*BOOOGGHSSS*

Isang malakas na pagsabog ang aking narinig, nanlalabo ang aking paningin, pero nakikita ko ang mahal na reynang sumisigaw na waring sinasabing umalis na sina sebastion habang pinapalibutan ng ibat ibang nilalang.

At si sebastian naman na hawak ang sanggol, ay biglang nawala kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin.

"Mag iingat ka, Anak ko"

-----------------------------

So, how's the start? Feel free to VOmment my dear friends :--)

Ps: May ibang parts ng kwento na to na magkatulad sa ibang kwento PERO pinaghirapan ko pong isipin ang bawat sinusulat ko kaya please just appreciate. Thank you :*

~pamkiyamkiyam

The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon