13

108 2 2
                                    

"Kent! May gamot ka diyan!?"

Sigaw ko kay kent habang hawak hawak ulo ko. Nakakahilo ang portal! Swear wag kayong gagaya samin .-.

"Gamot san?" Kent

Habang nakatayo sa harap ko at inaayos buhok niya na parang walang nangyaring karumal dumal -.-

"Sa hilo! Nahihilo ako! Te-teka? Kapangyarihan mo ba ay gumawa ng clones? Bat dalawa kayo?"

Bat sila dalawa? Tinignan ko kamay ko--waaahhh apat!?

"Nako malala ka na. Oh ito inumin mo, naduduling ka lang dahil sa hilo." Kent

Kinuha ko agad at ininum. Pwe ang pangit ng lasa! Onti onti nagiging malinaw na paningin ko. Tinignan ko ulit si kent pati kamay ko--hooo buti nalang!

"Nakakahilo! Ayoko na umulit dun!"

T.T

"Ano? Magpapaiwan ka dito? Pag pumasok ka sa portal ko, ibig sabihin nasa lugar ka na ako ang may gawa. Parang ilusyon pero parang hindi. At makakalabas ka pag pumasok ka ulit sa portal." Kent

Huhu bat ganyan T^T

"Oo na po." Ako

"Tignan mo muna yung paligid." Kent

Tinignan ko naman yung lugar at--WOW. Nasa paraiso ba kami? May falls sa harapan namin. May bridge papasok sa kweba dun sa dulo ng falls. Yung paligid puro halaman at puno na matatayog. May mga paru paru at mga ibon. At--waaahh rabbit! Deer!? At--tiger!?!?!? WAAAAHHH!

"kalma ka lang faith. Mababait sila, mga kaibigan ko." Kent

Lumabas ako sa likod ni kent. Oo nagtago ako sa likod ng batang to ._.

"He he nice friends he he he"

"Sighs. Halikana. Pumunta ka diyan sa gitna." Kent

Sinunod ko naman siya. Pumikit si kent at kinumpas ang kamay kasabay ang paglabas ng isang malaking stage dito mismo sa kinatatayuan ko. Galing!

"Dito tayo mag tetraining, dahil Earth element ang pag aaralan natin." Kent

"Game!"

Sigaw ko. Excited na akoooo! First time ko magamit ang earth element, kahit patago at training lang to okay na okay na!

"Teka--ano unang gagawin?"

"Diba nakausap mo na si Eris--ang simbolo ng earth element at nabasbasan ka na niya na gamitin ang elemento na taglay niya--kaya ang gagawin mo nalang hanapin sa iyong kaloob looban ang iyong natatagong kapangyarihan. Tsaka natin malalaman kung pwede ka na sumabak sa mga opensiba na pagatake." Kent

Tumango naman ako.

"Hubarin mo na ang iyong kwentas." Kent

Hinubad ko agad ang kwentas. Ito yung kwentas kung san nakatago ang apat na elemento. Agad kong naramdaman ang pagdaloy ng apat na elemento sa katawan ko. Sobrang kapangyarihan ang nararamdaman ko.

Umupo si kent sa unahan ko at kumakain ng--chocolate!? OuO

"Concentrate faith!" Kent

Huhu ito na nga -3-

Pumikit ako at pinakiramdaman ang palagid. Clean your mind and forget everything. Naririnig ko ang bawat tunog ng halaman at puno na sumasayaw kasabay ang hangin. May nakikita akong kulay berde na ilaw--ito na ba yun? Unti unti itong lumaki kasabay ang paglabas ng Berdeng Dragon!? Wait--Eris?

"Faith, magaling at nahanap mo ko." Eris

"Eris. Ang ganda ng pakpak moooo"

Tumawa ito. Ang sarap pakinggan ng boses niya.

"Ako ay iyong dragon na sumisimbolo sa earth element. Pumikit ka at damhin ang aking kapangyarihan." Eris

Sinunod ko ang payo niya. Ang sarap sa pakiramdam habang dumadaloy ang kapangyarihan na bigay sakin.

"Ngayon, imulat mo ang mata mo, faith." Eris

~.o
o.~
O.O

"Kent!? Anong nangyari sayoooo"

Huhu si kent pinupulotan ng mga ugat at mga halaman. Harmless naman to pero waaahh ang bata T.T

"Ikaw may gawa nito. Sobrang lakas ng kapangyarihan kaya kahit wala kang malay kanina ay nakontrol mo sila, sabihin mo nga--may galit ka ba sakin at ito nangyari?" Kent -.-

Nakapoker face po siya. Huhu ang sama niya -3-

"Sorry naaaa, di ko naman alam eh -3-" ako

Sinubukan kong tanggalin sa katawan niya yung mga ugat pero masyadong matigas. Pano ba tanggalin to! Arg kainis ah.

"Subukan mo silang kontrolin. Kayang kaya mo na gawin yun dahil ganap ka ng tagapangalaga ng earth element." Kent

Huminga ako ng malalim at inisip na pinapagalaw ko ang mga ugat at halaman sa katawan ni kent. Gumalaw ito pero mas lalong humipit pero naka poker face pa din siya .-. Kinumpas ko kamay ko pa kanan at kaliwa kasabay ang pag alis ng mgat ugat at halaman. Ang galing ko *-*

"Magaling. Tapos na ang training." Kent

"Ha!? Wala bang pagpalabas ng mga matutulis na halaman!? Mga panget na halaman pero kakampi!? Maraaaaming ugat!? Paggawa ng matigas na shield gamit lupa!? Paggawa ng espada!?"

Habang sinasabi ko mga yun iniimagine ko lahat ng itsura *-*

Napatampal naman si kent sa noo niya at napabuntong hininga.

"Lingon ka sa likod mo, faith." Kent

Lumingon naman ako. Waaaah *-* may matutulis na halaman, tas nakakatakot na hitsura ng malaking halaman na may isang mata, may mga nagtataasang ugat at--O.O may hawak na akong shield na gawa sa lupa at espada na kulay berde tas ang hawakan gawa sa ugat *-*

"Ako may gawa nito?"

"Sino pa ba? Ay nako." Kent

Tuwang tuwa naman ako. Waaah huhu ang galing ko na! Diba diba diba? Pfft.

"Tara na, faith. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Kent

"Sige sige!"

Kinumpas ko kamay ko sa harap ng mga ginawa ko at kasabay ang paglaho nila.

"Ikaw na mauna, baka magpaiwan ka pa." Kent

Ngumuso ako nag tinignan ang loob ng portal. Bakit ba kasi paikot ikot ang loob nito!? ._. Pumasok na ako at--

"Waaaaaaahhhh!!"

*BOGGGSSHHHHH

----------------------
----------------------

Lame training ayt? Anyway, kaya ko ginwang ganyan kasi para wala nang pahirap kasi nga nasa kanya na yung kapangyarihan nuon pa diba? So ayan simple as that.

Tsaka yung continuation niyan ay next chapter na, gusto ko kasi maiba ang part ng training kuno hahaha

Anyways, VOmment :--)

~pamkiyamkiyam

The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon