10

87 2 0
                                    

"Okay class, ang gagawin natin ngayon ay ang magpa kitang gilas. Hindi ko kayo pipilitin na pumunta dito sa gitna at makipag laban, pero syempre kung sino ang may lakas ng loob ay mabibigyan ng puntos." PE prof.

Nandito kami ngayon sa gitna ng field. Maaga ang pasok ko kaya iniwan ko muna si Kent kasi tulog pa, nagbilin nalang ako ng sulat kung asan ako at kung ano schedule ko. PE klase namin ngayon at ano pa ba ang aasahan mo? Syempre mga activity, at ito na nga ang magpakitang gilas. Manunuod nalang siguro ako.

"So, sino ang mauuna?" Prof

Nagtaas ng kamay si Eros.

"Mauuna ang ating Royalty, prinsipe sino ang nais mong makalaban?" Prof

"Nais kong makalaban ang magitin na si prinsipe Erion."

Sabay ngiti nito ng malapad. Lumapit naman si Erion na may malaking ngiti sa labi at pumunta na sila sa gitna.

"Mga Royalties at students, hindi niyo kailangan mag kasakitan sa labanan na to, dahil tulad ng sabi ko ito ay pagpapakitang gilas o pagpapakita ng inyong abilidad. Bibigyan ko lamang kayo ng isang minuto mga Royalties." Prof

Nagsimula na sila.

Tinapakan ng malakas ni Eros ang lupa at lumabas ang isang malaking tipak na lupa. Kinumpas ni Eros ang kamay papunta sa harap at tumapon ang malaking tipak ng lupa papunta kay Erion. Si Erion naman ay kinumpas ang kamay pabilog at biglang sumabog ang malaking tipak ng lupa na gawa ni Eros. Inangat ni Eros ang kaliwang kamay at naglabasan ang mga malalaking ugat galing sa lupa, inangat ang kanang kamay at naglabasan ang mga halaman na madaming tinik, at biglang sinugod si Erion. Iwas ng iwas si Erion at nagpalabas ng malaking buhawi na umubos sa mga tinik ng halaman, isa kumpas pa ng kamay ni Erion at biglang naputol ang mga naglalakihang ugat, tila isang napakatulis na sandata ang hangin na pinalabas ni Erion.

Manghang mangha ako sa nakikita ko, talagang malalakas ang mga Royalties, enjoy na enjoy ang studyante at todo cheer pa ang mga babae.

"Ako naman mauuna Eros ah" Erion

"Sige! Galingan moooo~" Eros

Bumuga ng hangin si Erion, kasabay ang pagbuo ng isang malaking kamay na gawa sa hangin na galing sa bibig npito. Bigla itong gumalaw na parang may sariling buhay at hinampas si Eros. Mabuti nalang at nakaiwas agad siya.

"Oi oi Erion! Pipisatin mo ba ako!?" Eros

"Ay sorry hehe" Erion

Natawa naman ako sa inasal nila, mga makulit talaga haha

Maya maya biglang tinaas ni Eros kamay niya kasabay ang pag labas ng isang malaking kamay na gawa sa lupa, at nag apir ang kamay na gawa sa lupa at kamay na gawa sa hangin. Sabay tawa nilang dalawa.

"Maam tapos na po ang isang minuto." Eros

"A-ah, ganun ba? Pasensya na at nakalimutan ko." Prof

"Si maam talaga, nakalimutan, kasi ang gwapo ko." Erion

"natin" Eros

Natawa naman ang lahat. Ang galing talaga ng pinakita nila. Nakakamanghaaaa!

"Gaya ng inaasahan natin sa mga Royalties. Sino ang susunod?" Prof

Biglang may lumapit na babae kay maam, matangkad, maputi at singkit, maganda siya at may kamukha. Nakalimutan ko kung sino. May binulong ito at pumunta na sa gitna.

"Ang susunod ay si Sunny, at nais niyang makalaban si Mignonnette claire faith. Kung pwede?" Prof

Nagulat ako sa narinig ko. Nilingon ako ng mga kaklase ko pati na din ang mga Royalties na katabi ko lang.

The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon