16

48 1 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nalaman namin na mga dark user si jessica at tiff. Nalaman ko din na kapatid ni kent si jessica at tiff pero iba ang ina. Ang ina ni kent ay isang mabait na User. Habang ang ina ng dalawa ay isang Dark user at naninilbihan sa Reyna ng mga Dark User.

Isang linggo na kaming nag training ni Kent, at ngayon--kontrolado ko na ang lahat ng kapangyarihan ko. Ang apat na elemento ay kaya kong ipalabas kahit may kwentas akong suot at kaya ko din magpalabas ng ibang kapangyarihan na sangay ng apat na elemento.

Ngayon, papunta kaming Enchanted palace, sinama ako ni Athena. Kakausapin daw sila ng mahal na hari tungkol sa mga studyante sa Enchanted Academy at naisipan nila akong isama.

Pumayag agad ako, makikita ko na ang mahal na reyna at hari--ang mga magulang ko. Nuon ko pa sila gustong makita pero ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon. Papasok kami sa isang malaking gate na kulay puti at ginto.

Bumungad sakin ang isang napaka gandang harden. Maraming makukulay na paru paru at mga nag aawitang ibon. At syempre, isang napakalaking palasyo na kulay puti at ginto din. Pumasok kami at naglalakad sa makintab na sahig.

Kumatok si Athena sa isang malaking pinto at bigla itong bumukas. Nakasunod lang ako sa kanila. Sa dulo ay may nakaupo na dalawang tao. Ina, ama...

"Mahal na hari at reyna." Athena

"Pinatawag ko kayo para malaman kung ano ang lagay ng mga studyante sa Academeya."

Napakalalim ng boses ng hari--si ama.

"Kasulukuyang nag tretraining ang mga studyante ngayon, mahal na hari." Athena

"Ganun ba? Bantayan niyo sila dahil kayo ang maaasahan ko. At siguraduhin na maayos ang pageensayo nila."

"Opo mahal na hari." Aiden

"Sino yang kasama niyo?"

Nagulat ako sa tanong ng reyna. Si ina...
Napatingin ako sa kanya at nagkakatitigan kami. Gusto gusto ko silang yakapin. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil nakita ko na sila. Pero--di nila ako kilala.

"Kaibigan po namin, malakas din siya mahal na reyna." Athena

"Mabuti naman. Napakaganda mo namang bata."

Nakangiting sabi ng reyna. Napaka lambing ng boses ni ina. Boses na gustong gusto ko marinig nuon pa.

"Sa-salamat po."

"Sige na, pwede na kayo umalis."

Yumuko kami tanda ng paggalang bago umalis. Sumulyap ako sa hari at reyna bago tuluyang isara ang pinto. Sighs. Saglit ko lang silang nakita, pero masaya na ako dun. Di magtatagal, makakasama ko na kayo ina, ama...

----------------------
Umalis muna ang apat, babantayan daw muna nila ang mga studyante habang nag sasanay. May iba kasi na medyo di pa ganun kalakas at di ganun ka galing komontrol ng kapangyarihan nila na nauuwi sa sakitan.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno naka upo, kung san ako nanuod ng soccer game dati, kung san kami nagusap ni Aiden at kung san ako napagtripan nina Ericka, may, jessica at tiff. Sighs.

Kinuha ko yung litrato sa wallet ko, ito yung litrato ni papa kasama si mama. Sabi ni papa namatay si mama bago ako nagkamalay kaya di ko siya matandaan at nakilala.

Naalala ko bigla si papa, kung pano siya namatay dahil sakin. Kung pano niya ko sinubukang iligtas. Di ko namalayan tumulo na pala luha ko.

"Papa, miss na miss na kita. Sa-sana, di ka nalang namatay, edi sana normal lang ang buhay ko ngayon."

Himihikbi ako habang kausap ang litrato. Sigurado kung sinong makakakita sakin ngayon iisiping baliw ako.

Naramdaman ko ang presensya ng isang tao na papalapit sakin. Ilang metro pa ang layo niya kaya nagpunas na ako ng luha.

"Faith? Bat ka andito?" Aiden

Umupo siya sa tabi ko.

"Ikaw? Bat ka andito?"

Tanong ko sa kanya. Ayos din to, ako pa tinanong.

"Hinanap kita eh." Aiden

"Ano?"

"Wala, mama at papa mo na mortal yan?" Aiden

Di ko pala natago ang picture. Chismoso ._.

"Ah, Oo."

"Miss mo na?" Aiden

"Oo, pero wala na sila. Si mama namatay bago ko pa siya nakilala. Si papa naman namatay da-dahil niligtas niya ako."

Nalungkot ako bigla. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko si papa. Mahal na mahal ko si papa. Sana buhay pa siya.

"Sorry." Aiden

Bigla kaming natahimik. Wala kang maririnig kahit ano. Tinignan ko si Aiden, nakapikit it habang nakasandal sa puno.

"Faith."

Nagulat ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Pero mas nagulat ako sa tanong niya.

"Nagka boyfriend ka sa mundo ng mortal?" Aiden

Nagulantang ako sa tanong niya. Ano kaya iniisip nito, gusto ko basahin kaso ayoko din. Binlock ko ang isipan ni athena, eros, erion at aiden. Para na din may privacy sila.

"Ako? Wala. Ikaw ba Aiden?"

Bumawi ako syempre.

"Meron. Kaso namatay siya sa mundo ng mga tao habang binibisita niya ang umampon sa kanyang mga mortal. Hindi siya malakas, healing kasi kapangyarihan niya--kaya wala siyang laban nun." Aiden

Tinignan ko siya. Nakapikit lang siya pero nararamdaman ko ang lungkot ng boses niya. Mahal na mahal niya siguro ang girlfriend niya. Pareho lang kaming nawalan ng mahal sa buhay.

Nagisip ako na pwedeng sabihin, para na din mawala ang malungkot na aurang nakapalibot samin.

"Ang lungkot naman ng pinaguusapan natin Aiden. Gusto mo kumain? Pagluluto kita."

Binuksan niya agad mata niya. Parang si Erion lang to kapag nakakarinig ng pagkain ah.

"Talaga? Marunong ka magluto?" Aiden

Parang bata ._.

"Oo naman. Tara?"

Tumayo agad kami at nagpunta sa dorm ni Aiden. Oo sa dorm niya kami pumunta, mas madami daw akong magagamit dun sa pagluluto at mas malaki daw dorm niya. Oh, edi siya na. Umaandar na naman kahanginan nito -.-

Naisipan ko din na tawagin si athena, eros, erion at si kent. Syempre gamit kapangyarihan ni Aiden gaya nung ginawang pagtawag ni Eros sa kanila. Nung una ayaw niya pa pero napapayag ko din naman sa huli. Ano siya susuluhin niya lulutuin ko? Aba swerte niya. Hahaha

--------------------

Woot woot. Bigyan muna natin ng moment ang reyna ng mga dark user sa next chap hihihi :>

~pamkiyamkiyam

The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon