9

93 2 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Dahil ba to sa pag gising sakin ng Wella?  Nakakahilo ah.

"Oy! Gising na si faith!" Eros

Nakita ko ang mga Royalties. Tinignan ko si aiden at nakita kong mag pagaalala sa mukha nito na agad namang napalitan ng poker face niya. Enk.

"Kamusta faith? Okay ka na ba?" Athena

Nag aalalang tanong sakin ni athena.

"Uhm. Oo okay na ako. Pano ako napunta dito?" Ako

"Nakita ka namin na walang malay." Eros

Bigla kong naalala yung ginawa sakin ng grupo nila jessica. Napabuntong hininga ako.

"Grabeh pala ang bully sa mundong ito. Nagkakasakitan." Ako

Sabay tawa ko, pilit na tawa.

"Wag kang mag alala, naturuan na sila ng leksyon." Erion

"Pano?" ako

"Pansamantalang wala silang kapangyarihan for 1 week. At depende kung ibabalik ni aiden kapangyarihan nila hihihi" athena

"Ano!? Halaaa ibalik niyo sa kanila yun." Ako

"Para ano? Saktan ka ulit nila pag wala kami sa tabi mo? Aba lalatigohin ko sila." Athena

"Hindi. Kasi ano-- alam ko ang pakiramdam ng walang kapangyarihan." Ako

"Sige. Pag natapos nila pinapagawa ko." Aiden

Naalala ko yung kapangyarihan na binigay sakin nina Wella.

"Ay faith! Alam na namin kapangyarihan mo!" Eros

"Eh? Pano?" Ako

"Pinalutang mo kami kanina habang natutulog ka." Eros

Saby pout nito. Haha ang cute.

"Ah eh talaga?" Ako

Alam na pala nila. Di ko akalain mabubuhat ko sila. Parang ang bigat lang kasi, ipagsama sama mo bigat na magagawa nila Athena, Eros, Erion at Aiden haha

"Ang lakas mo pala faith! Pano mo nalaman kapangyarihan mo?" Eros

"Uhm. Di ko alam hehe" ako

Hot seat ako! Di ko naman pwede sabihin na 'ay bigay sakin ni wella, aira, firen at eris ang telekinetic kasi bawal ko pa gamitin ang 4 elements' edi nagimbal ang buong Enchanted World diba? Hahaha

"Ano ba yan faith." Eros

Nag peace sign nalang ako sa kanila.

"Makukuha mo na ID mo, faith." Athena

"Oo nga no! Ano kaya design ng ID ko." Ako

Excited na ako. Kahit di naman yun ang totoo kong kapangyarihan hehe

"Faith palutangin mo nga ako hihi" Eros

"Tumigil ka nga diyan Eros, kay Erion ka magpalutang." Athena

"Eeehh. Ayoko kay Erion. Ang lakas ng hangin niyan eh magkakasugat pa ako." Eros

Natawa naman ako sa inakto ni Eros.

"Ako na naman! Sarap mong batukan!" Erion

Hmm. Try ko ngang palutangin si Eros.  Huminga ako ng malalim at unti unting tinaas kamay ko na nakatuon attensyon ko kay Eros na nakikipagbatukan kay Erion.

"Woah. Lumulutang ako!" Eros

Tuwang tuwa naman siya sa ginawa ko. Parang bata hahaha.

"Faith iikot mo ko sa buong kwarto ko bilis magiging superman ako." Eros

The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon