21

48 3 0
                                    

Naramdaman ko ang mahinang paghila sa kamay ko.

"Aiden? Ano yun?"

Bumuntong hininga ito. At marahang pinatong ang kamay nito sa ulo ko. Anong nangyayare sa isang to.

"May--kailangan ka ba? Malapit na laban ko."

"Mag iingat ka. Sabihin mo lang pag di mo na kaya, susunugin ko nalang siya." Aiden

O.O

"Woah woah, kalma Aiden. Wag na wag mong gagawin yan. Dapat natin--este dapat mong protektahan ang bawat isang user dito. Tsaka magiging okay ako, trust me."

Sinapak ko ng mahina ang braso niya. Umakto naman ito na parang nasaktan. Baliw to haha

"Lakas nun ah. Ano ka, Boxingero?" Aiden

Umiling iling pa ito tas hinihimas himas ang braso.

"Oi lovebirds! Mamaya na yang lampungan, may sasabihin ang announcer." Athena

Lovebirds daw. Ano kami, ibon?

"Mukha ba kaming ibon?" Aiden

"Onga naman athena, di naman sila mukhang hayop ah." Erion

"Kasi--BAGAY SILA! YIIEEE" Eros

Sinusundot sundot pa ni Eros tagiliran ko. May kiliti ako diyan shet.

"Ano b-ba--HAHAHAHA t-tama na HAHAHAHA"

"Titigilan mo yan o susunugin kita?" Aiden

Natigilan naman si Eros sa pag sundot sakin habang ako hinahabol hininga ko.

"Ito na titigilan ko na hehe" Eros

"A-ano ka ba naman Eros. N-nakakapagod tumawa ah"

Biglang tumahimik ang lahat ng umakyat sa stage yung announcer. Nandito kami ulit sa school festival dahil ngayon ang laban ko. Ang daming nanunuod ngayon, akala ko simpleng laro lang to pag school festival.

"Gaya nga ng napagusapan, ngayon ang pinakahihintay ng laban. Kahapon nanalo si Faith laban kay Jake na isang shadow manipulator. Kaya ngayong araw na to, sa huling araw ng school festival ay maglalaban si Faith at ang undefeated champion na si Volt!" announcer

Isang nakakabinging sigawan ang natanggap ng announcer. Naglagay ako ng barrier sa paligid ko para mabawasan ang sakit ng sigawan ng mga tao sa tenga ko, arg ang sakit sa tenga, malakas ang pandinig ko kaya doble doble ang natatanggap kong nakakabinging sigawan.

May tumakip ng magkabilaang tenga ko mula sa likod at nabawasan nga ang ingay. Gumagamit si Aiden ng maliit na barrier na nilagay sa palad niya at dinikit sa tenga ko, di na siya gaanong masakit.

Nginitian ko siya dahil sa ginawa niya. Sa simpleng gawin niya lang ay napapangiti ako. This guy...

Naagaw ang attensyon ko sa pagpapatuloy ng announcer.

"At may gagawin tayong konting pagbabago. Gusto ng mahal na reyna at hari ng Enchanted Palace na gaganapin ang laban na ito sa loob ng Hall na ang Reyna mismo ang gumawa, nasa gitna ng ground ng academy ang hall, maglalaho din agad ito pag natapos ang laban. At syempre, manunuod ang mga kagalang galang na hari at reyna ng ibat ibang elemento kasama ang nakakataas na Hari at Reyna ng Echanted Palace!" Announcer.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, manunuod ang lahat? Pati si Ina at Ama, pero baka mapalabas ko ang iba kong kapangyarihan, sabi nila malakas ang pakiramdam ni Ina at Ama kompara sa iba, baka--

"Anong balak nila? Bat biglang binago ang kinagisnang laban na to?" Athena

"Baka may dahilan sila?" Erion

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon