Asan ako? Nasa--paraiso ba ako? Napaka ganda ng lugar na to!
"Makinig ka sa aming boses, faith."
Hala. Sino yun? Yung boses niya na nag eecho.
"S-sino ka?" Ako
"Ngayon na nasa mundo ka na kung san ka nanggaling, wag kang matakot matuklasan kung sino at ano ka talaga."
"H-ha? Ano ibig mong sabihin?" Ako
"Tanggapin mo kami, faith."
At unti unting may sumulpot na pigura ng apat na tao. Nakasuot ito ng mga damit na kulay pula, asul, berde at puti.
"Sino kayo?" Ako
"Kami ay ikaw. Matagal na kaming nakatira sa loob mo faith. Tanggapin mo kami ng buong buo, at hindi ka namin papabayaan sa mga oras na kailangan mo kami."
"D-di ko kayo maintindihan." Ako
"Faith, hawakan mo ang mga kamay namin. Abutin mo kami."
Inabot nung unang babae ang kamay niya. Unti unti ko itong hinawakan--ang init ng kamay niya pero di masakit. Unti unti siyang nawala at nakita kong may dumaloy na kulay pula sa kamay ko at lumitaw ang apoy sa harap ko.
"Faith."
Tulad nung una at inabot ko din ang kamay niya. Nawala siya at dumaloy ang kulay berde sa kamay ko at lumitaw ang masaganang puno sa harap ko.
"Hawakan mo ako."
Dumaloy ang kulay asul sa kamay ko din at lumitaw ang tubig sa harap ko.
"Tanggapin mo kami, faith."
At ang panghuli, hinawakan ko kamay niya at dumaloy ang kulay puti sa kamay ko kasabay ang pag litaw ng buhawi sa harap ko.
"A-anong nangyayare?"
"Ngayon,ganap na iisa na tayo faith. Ikaw ay kami at kami ay ikaw. Ikaw ang nakatakda. Tawagin mo lang kami at ika'y aming tutulungan na walang pagaalinlangan."
"Asan kayo!? Magpakita kayo! Ughhh--!"
Hinawakan ko braso ko kasi sumasakit. Ang hapdi. Uughh!
Tinignan ko ito at may nakita akong mga pangalan "Firen, Wella, Eris, Aira"
"Pano--"
Unti unti--nanlalabo paningin ko at unti unting natutumba.
-------------------
Lutang ._.
Anywho, feel free to VOmment :--)
~pamkiyamkiyam
BINABASA MO ANG
The Lost Royalty
FantasyFire Air Earth Water Four elements-- different Royalties. What will happen, if one person or should we say-- one Royalty, will own this four powerful elements? Will she fall in light or dark side? Whom will she choose? What will be her choice? ~~~...