"Gising na, faith. Gising na."
Sabi ng isang boses. Napakagaan sa pakiramdam.
Unti unti kong minulat mata ko. Andito na naman ako, sa paraiso kung san ko nakilala sila Firen, Wella, Eris at Aira.
"Wella?" Ako
"Ako nga, buti naman at gising ka na, heto uminom ka muna." Wella
At gaya ng ginawa ni athena, gumawa ito ng bolang tubig at pinainom sakin.
"Salamat Wella, ano pala ginagawa ko dito?" Ako
"Andito ka sa tirahan namin. Para magkaroon ka ng tiwala samin." (Aira)
"Aira?" Ako
"Ako nga, faith. Okay na ba pakiramdam mo?" Aira
"Oo, anong ibig mong sabihin tungkol sa tiwala?" Ako
"Nagdadalawang isip ka pa kasi tungkol samin, wala ka pang tiwala sa amin." (Firen)
"Firen." Ako
"Kaya andito ka, para lubusan mong maintindihan kung ano kami para sayo, at kung ano ka." (Eris)
"Ibig sabihin, malalaman ko kung sino mga totoo kong magulang?" Ako
"Ganun na nga, faith. Kaibigan namin ang magulang mo." Wella
"Kilala niyo sila?" Ako
"Sila ang hari at reyna ng Enchanted Palace." Firen
"Ibig sabihin, ang mga magulang ko ang pinaka hari at reyna sa mundong to?" Ako
"Tama ka, faith. Ibig sabihin, ikaw ang prinsesa ng mundong ito, faith." Wella
"Malalaman mo ang buong kwento pag nakilala mo na sila. Pero sa ngayon, kailangan ka naming tulongan tungkol sa kapangyarihan mo." Eris
"Ano ibig mong sabihin?" Ako
"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ng lahat na ikaw ang prinsesa dahil maraming naghahanap sayo na may mga maiitim na kapangyarihan at masasamang balak sa mundo natin. Hindi ka pa lubos na handa. Kaya naisipan namin na bigyan ka ng ibang kapangyarihan para matago ang totoo mong abilidad nang hindi ka nahihirapan." Wella
"Kaya niyong gawin yun?" Ako
"Oo naman, dahil kung wala kami, wala ang ibang kapangyarihan." Eris
"Napagusapan namin na ibigay sayo ang kapangyarihan na telekinesis o kayang magpagalaw o lutang ng kahit ano." Wella
"Talaga!?" Ako
Tumango sila habang nakangiti. Kinuha ni wella kamay ko at nilagay sa mga palad nila. Hawak hawak nila kamay ko habang sila ay nakapikit.
"Tanggapin mo ang kapangyarihang aming ipagkakaloob sayo, faith." Silang lahat.
Unti unting dumaloy ang kulay asul, berde, pula at puti papunta sa katawan ko hanggang sa pendanteng bituin ng kwentas ko, naipon ipon ang kulay sa kwentas ko.
"Naka seal ang totoong kapangyarihan sa kwentas mo at lalabas ito sa tamang panahon. Ngayon, ang kapangyarihan na aming ipinagkaloob muna ang magagamit mo." Wella
"Salamat! Salamat sa inyo Wella, Firen, Eris at Aira!" Ako
At niyakap ko silang lahat.
"Walang anuman hahaha" Eris
"Nga pala, ang ganda niyo po" ako
Totoo, ang ganda nila. Parang mga dyosa. Ang maiitim at mahahaba nilang buhok at kumikinang pa.
"Maliit na bagay hihihi" Aira
"Sige na faith. Kailangan mo ng gumising sa totoong mundo. Hindi ka pwedeng manatili sa mundo namin, pumikit ka lang at pagmulat mo, gising ka na. Tandaan ang sinabi at bilin namin, kailangan mo din mag insayo para maging mas malakas ka at para sa paghahanda sa totoong laban. Ingat faith." Wella
Tumango ako at kumaway sa kanila. Sighs. May kapangyarihan na ako, ipapaalam ko agad ito kina athena, pero di ko pwede sabihin na magulang ko ang hari at reyna ng Enchanted palace at ako ang prinsesa. Pati ang tungkol sa totoo kong kapangyarihan.
Hinawakan ko kwentas ko.
Andito ang kapangyarihan ko, lalabas ito sa tamang panahon. Dapat maghanda ako kung ano man ang mangyari sakin.
Pumikit ako at unti unting minulat ang aking mga mata.
--------------
--------------
BINABASA MO ANG
The Lost Royalty
FantasíaFire Air Earth Water Four elements-- different Royalties. What will happen, if one person or should we say-- one Royalty, will own this four powerful elements? Will she fall in light or dark side? Whom will she choose? What will be her choice? ~~~...