AN: okay guys! this is the first chapter. Hope magcoment po kayo i want feedbacks :))
------------------------
CHAPTER ONE
GABRIEL CHASE RUTHFORD
Malakas na tumunog ang alam clock na siyang nagpainit ng ulo ko. Kinuha ko yung alarm clock ko na nasa bedside table at ubod ng lakas na binato ko ito sa outerspace. fuck! nakakarindi talaga. Bumalik ako sa pag tulog matapos kong itapon ang alarm clock ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil may kumakatok-no scratch that i mean sumisira sa pintuan ko. fuck! Napahilamos ako sa mukha ko. Shit talaga! ang sarap ng tulog ko.
"Gabriel! Gago ka! Gumising ka na!" sigaw ng daddy habang hinahampas ang pintuan ko. Gusto niya bang sirain ang pinto ko? Bwesit talaga! Bahala siya sa buhay niya. Humiga ulit ako sabay talukbong ng kumot. Napabangon ulit ako ng malakas na bumukas ang pintuan ko. "Paghindi ka pa bumangon jan tatanggalan ka ng mana ng lolo mo at tatanggalin ka sa posisyong president!"
Fuck no! Ilang taon kong pinaghirapan makuha ang posisyon na yan tapos mawawala lang na parang bula. "You've got to be kidding me?! Dad naman! Over time ako kagabi ang daming kong tinapos na papers" sabi ko sa ama ko. Wala talagang konsiderasyon ang matandang to halos mahulog na ang mga mata ko dahil overtime ko kagabi tapos ganito?!
"Papers?Papers? eh kung pakainin kita ng sangkaterbang papel ng mawala yang kabalastugan mo?ha?" Sigawa na naman niya sa kin. Nakakarindi talaga. Parang babae kong magsalita tong ama ko. Shit talaga. Ang aga-aga talak ng talak. "Dad naman ang aga sermon agad? Bunganga mo dad eh grabe para kang babae!aish!" sagot ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "Tumahimik ka jan! Sabi ng secretary mo 7 pm ka raw umalis sa office mo kagabi at sabi nya tapos na raw ang lahat ng mga papeles! " namumula na yung tatay ko. Napasabunot naman ako sa buhok ko.
Nakakainis talaga. Dapat nga 5 pm wala na ako sa office pasalamat siya ang overtime ako. Aish! pahamak na secretary yun! lagot sya sakin mamaya sisisantihin ko sya makikita nya! Parang naalog yung utak ko ng may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Tiningnan ko yung ama ko na umuusok na ang ilong sa galit. "Aray! Ba't ka nangbabato?" tss sakit ng noo ko. Tama bang batuhin ako ng remote?
"Alam mo ba kung anong oras na? 8:30 na AT 9:00 MAGSISIMULA ANG MEETING MO WITH YOUR GRANDFATHER AND OUR NEW INVESTORS! Damn it Gab! Paghindi ka pa tumayo jan sa kangkongan ka talaga pupulutin!" bulyaw ni dad sabay labas ng kwarto at halos masira pa yung pinto ko sa lakas ng pagkakasara. Nang magsink in sa utak ko ang sinabi ni dad ay natatarantang tumayo ako at pumasok sa banyo nagtoothbrush ako at naligo.
"Shit" Napamura nalang ako dahil sa inis. Matapos ko maligo ay namili agad ako ng suit na susuotin ko at nagmamadaling magbihis. Teka?! Asan yung grey tie ko? Tiningnan ko lahat ng lalagyan ng necktie ko pero wala then napasin ko na may nakasabit sa aircon ko. Bull's eye! Kinuha ko agad ang necktie ko na ewan kung pano yun napunta dun. Shit! 8:40 na. My Grandfather will wring my neck.
Nagmamadali ako sa pagsuot ng medyas at dahil sa pagmamadali nadulas ako! Ang sakit. Bumangon nalang ako at hinanap ang sapatos ko. Nasan na naman yun? Lumabas ako ng kwarto at pumunta malapit sa hagdanan.
"Yaaaaaa?~~!" tawag ko sa yaya ko.
"Oh bakit iho?" sabi ni yaya habang umaakyat.
"Ya nakita mo yung bago kong leather shoes yung galing sa france?". Kumunot naman yung noo ni yaya at umiling. "Wala. Tingnan mo lang mabuti nandun lang yun sa kwarto mo."
Tumakbo na naman ako papunta sa kwarto ko at nagpaikot-ikot ako para mahanap ko ang sapatos ko. Dumapa ako at tiningnan ko ang ilalim ng kama. Bingo! Sumuot talaga ako sa ilalim ng kama para makuha yung sapatos ko. Agad itong isinuot at lumabas na ng kwarto. Palabas na sana ako ng may nakalimutan ako. Humarap muna ako sa salamin at inaayos ko na yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
I Love That Criminal(on going)
عاطفيةKaya mo bang magmahal ng isang taong marami ng kasalanan sa batas? Kaya mo ba syang tanggapin? Oo kasi mahal mo siya at mahal ka din niya? Pero paano kung malaman mo na palabas niya lang pala ang lahat. She's just pretending because she has a missio...