15: Troy Is A Girl?

215 7 0
                                    

Troy's POV


"Teka, ba't ngayon ka lang dumating?" tanong ni Paulo sa'kin.


"Ah... Eh..." Takte di ko na matuloy-tuloy yung sasabihin ko. Nakakahiya.



"Huy!" si Niel mula sa likod ko. "Kanina pa kita hinahanap, buti nakita mo na sila." subukan lang niya sabihin yung kinuwento ko sa kanya, papatayin ko 'to.


"Nagkita kayo?" tanong ni Bianca.


"Well yes. Pero Troy, kinuwento mo na ba sa kanila yung kinuwento mo sa'kin?"


"Hi-hindi pa. At wala akong planong ikwento yun." sabi ko. Baka pagtawanan pa nila ako. Mahirap na.


"Meron ba kaming dapat na malaman?" tanong ni Paulo. Sige na nga...



"Ganito kasi yung nakita ko..."





*flashback*


"Mrs. Alvarez, eto na po yung anak niyo." sabi ng babaeng nurse sa Mama ko. Sumabay ako sa pagpasok ng nurse sa kwarto ni Mama dahil nakita ko sa nursery room na 'baby Alvarez' ang naka-lagay. I know na, maraming Alvarez dito sa mundo. Pero walang masama kung sundan ko yung nurse di ba? ^_^


Nang binigay na ng nurse yung baby, ngumiti naman si Mama. Ngiting abot hanggang tenga.


"Ang cute cute talaga ng baby girl ko." sabi niya... What?




Baby girl? Ako?



E, ako lang naman ang solong anak nina Mama ah. Teka... Di pa ba nila sinasabi sa'kin na may ate ako? Teka teka! Sabi ni Mamanever siya nagka-anak ng babae. Baka, maling kwarto 'tong napuntahan ko. E, hindi eh. Nandito si Mama. What the hell.




*tok tok*



"Pasok!"


Nang bumukas yung pinto, isang lalaki na may dalang mop ang nakita ko.



"Ma'am, pinapalinis lang po ng nurse yung cr po." sabi niya.


"Ah oo. Kanina ko pa sinabi sa kanya yun. Walang tao sa cr. Palinis na lang. Salamat." Binalik ko yung tingin ko sa lalaki at... He was shocked? Diretso siyang naka-titig hindi kay Mama kundi sa baby.

Behind Their ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon