58: First Stroke

82 5 1
                                    

(A/N: WARNING! BAKA MADIRI KAYO! HEHE)

Harold's POV

"Harold! Lunch na uy!"

Sige. Mag-lunch na kayo. Mas gugustuhin ko pang makipag-titigan sa harapan ng computer, mag-program. Kesa naman sa lumabas ako na alam kong may mangyayari na masama. Wag naman sana pero alam kong may mangyayari. Pa'no ko nalaman yun? Hula ko lang. HAHAHAHA!

*beep*

Napa-lingon ako sa phone ko. Jusko po. Ano nanaman balita?

From: Niel

Pre! Tignan mo yung Instagram ni Fey. Ang cute niya. Mwehehe.

😑 Alam niyo ba, may Instagram account ako. Si Niel ang gumawa, hindi ako. Nung una, wala akong pake, pero dahil puro pictures nila ang nakikita ko, inenjoy ko na lang. Haha.

So sige, inopen ko yung Insta. Username agad ni Fey ang bumungad.

"Yay! Research done!" Yan ang caption niya. Lima sila, dalawang babae, tatlong lalaki. May napansin ako, kasama pala sa picture yung gagong 'yun. Yung nakita ko sa Quiapo na kasama ni Fey. Ewan ko. Nakakainis yung mukha niya. Hindi ko naman siya nakilala before.

"Pre, ang ganda naman ng girlfriend mo..."

Napa-lingon ako kay Joseph, ka-trabaho ko lang.

Agad kong tinago ang phone ko. "Wala akong girlfriend."

"Denial stage pa? E, titig na titig ka sa picture. Sino du'n yung Fey?"

Napa-nga nga ako sa kanya. "Sa'n mo nakuha yan pangalan na yan?"

"Baliw, feydomingo yung account name niya di ba?" Umalis lang siya nu'ng may nag-ring ng telephone. Agad kong kinuha yung phone sa bulsa ko at tinignan yung Insta. Yup, feydomingo ang name niya at, siya mismo, her face, ang profile pic niya. Hehe.

Dialing: F.Domingo

[Harold?]

"Palitan mo yung username mo sa Insta. Pati na rin yung profile pic mo."

[What?]

"Tsk. Basta palitan mo."

[At bakit ko naman gagawin yun, Mr. Garcia?]

Napa-kagat labi ako sa tanong niya. Tae, bakit ko ba pinapagawa yun? Ano'ng ilulusot ko?

"Ayst! Basta! Palitan mo yan." Sabi ko. May narinig akong mga nagdadaanan na sasakyan, nasa labas siya.

[Edi sige. Papalitan ko mamaya.]

Napa-ngiti agad ako sa sinabi ni-Ano? Ba't ako ngumiti? Magsasalita na sana ako kaso binaba na niya yung phone.

"Guys..." si Joseph, napa-lingon ako. "Ang baho."

"Ha? Sa'n ka ba galing?" - employee 1

"Sa labas."

"Oh, pa'no naging mabaho?" - employee 2

Hindi siya agad nakapag-salita. Mukha pa siya nadidiri na ewan.

"M-may patay..."

Behind Their ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon