70: Cardinal

116 4 0
                                    

3rd Person's POV

"Wala na sina Storm at Sunshine." iyak ng isang babae sa harapan ng kanilang pinuno.

Nakikita mula sa kamao ng kanilang pinuno ang pagkakainis neto kahit na naka-talikod ito. "Kasalanan nila 'to."

"Ano na ang gagawin natin?" tanong ng kanilang kasama na kakarating lamang sa kanilang lugar.

Agad nagtaka ang kanilang pinuno at tila, may hinahanap mula sa kanilang grupo. "Nasaan siya?"

"Kumilos na siya." sagot ng kanilang kasama. "Mas matigas pa ang ulo nu'n kaysa sa'yo."

Kitang-kita ang kanyang pagkaka-irita sa kanyang mukha. Nag-aalala na ang mga kasamahan nito dahil lang sa biglaang kilos ng kanilang kasama.

Kevin's POV

"Ayan ang Thunder mo, Karen." Turo ni Niel kay Thunder na... Nakakainis.

Tinignan nang mabuti ni Karen si Thunder. "H-hindi ko talaga siya maalala o kilala." sabi na eh.

"Hindi talaga niya ako maalala dahil never ako naging parte ng buhay niya." pagkasabi ni Thunder, saka siya bumaba at dahan-dahan siya lumapit sa'min.

"Ano'ng gagawin niya?" tanong ni Rico.

"Hindi ko alam." sagot ko pero dahil sa sinabi ni Fey...

*earlier*

"Bakit mo kami pinapunta dito?" tanong ni Bianca habang siya, nagda-drive papunta sa shop ni Sabrina.

"Si Karen... Kukunin siya ni Thunder."

"A-ano?" tanong ni Uni. Kapag talaga naririnig ko ang pangalan niya habang magkasama sila ng kapatid ko, nangigigil ako na ewan.

"Easy ka lang..." pagkasabi ni Harold, saka ako napalingon sa kanya pati na rin sa kanila. Bakit?

"Kung makatingin ka sa daan parang may papatayin ka sa mga tao du'n." turo ni Niel sa mga tao na dumadaan sa labas ng sasakyan.

"Di ko alam kung ano'ng gagawin ko sa hayop na yun." saka ako napahilot sa batok ko. "Hoy Fey, pa'no mo nasabi na may mangyayari na masama kay Karen?" tanong ko.

Umiiling-iling siya. "Di ko alam, nagkaka-kutob ako na ewan. Lahat ng kutob ko nangyayari. Simula nu'ng kay Soliva..."

"Kahit hindi mo man sabihin yan, iisa lang naman ang dapat natin gawin..." sabi ni Troy at napa-buntong hininga. "...protektahan ang isa't-isa."

Kaya tinawagan ni Bianca si Sabrina kanina. Natagalan lang yung iba sa'min dahil sa parking pa lang, sinugod na kami ng mga zombie na 'to.

Habang papalapit ng papalapit si Thunder, paatras kami ng paatras kaso hindi kami pwede umatras dahil napapalibutan na kami ng mga zombie na 'to. Hinanda na lang namin ang amin mga sarili.

"Oh oh, teka lang, Zodiac Protectors, teka. Hindi naman kami susugod sa inyo katulad nu'ng ginawa nila kanina. Sana wag niyo sila patayin dahil mga ordinaryong tao lang sila na sinaniban lang ng kapangyarihan ko." hindi na siya nu'ng Thunder na nakikita namin noon. Pagalit na ang hitsura niya ngayon pero ang pangit ng ngiti niya.

Huminto siya at ngumiti. "Kunin niyo si Karen."

Harold's POV

(Author's Note:

Warning: BAD WORDS ARE COMING... Hehe)



Pvtang-ina talaga...

Papalapit na ng papalapit ang mga hayop.

Behind Their ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon