38: Ordinary Days

174 8 0
                                    

Leandros' POV


"Hon..."

Si Vicky ang sumalubong sa'kin sabay niyakap niya ko. Galing akong exhibit dahil may inayos lang ako du'n. Napa-gabi ako ng uwi gawa nang may gustong magpa-paint ng family picture nila. Teka, ba't ako nagpapaliwanag sa inyo? HAHAHAH!


"Kumain ka na?" tanong ko.

"Oo. Sumabay ako sa mga kaklase natin nu'ng college. Excited na daw sila sa kasal natin eh." sabi niya. May hindi ako nasabi sa inyo, engaged na kami ni Vicky. :) Nag-propose ako sa kanya after ko umuwi galing palasyo. Gusto ko lang ma-assure na akin na talaga siya. At para na rin, walang lalapit sa kanya kapag nakikipag-laban kami sa mga kalaban namin.

"Aba! Sila pa ang na-excited kaysa sa'kin ah."

"Grabe ka, di ka excited sa kasal natin?" ang cute niya.

"Syempre excited na excited na ko! Nakaka-gulat lang naman kasi sila. Anyway, nag-luto ka?"

"Yup. Adobong manok. Bihis ka muna, ipaghahain kita."


~


"Hinahanap pa rin ng mga tao ang mga Zodiac Protectors."

Napa-lingon ako sa kanya habang ngumunguya. Alam ni Vicky na isa akong Capricorn Protector at kilala na rin niya ang mga kasama ko gawa nang, isa siyang secret agent. Nagka-kilala sila ni Uni then ayun, pinakilala na niya ang mga kasama ko. Sila din ang naka-witness ng proposal na ginawa ko, naghanap kasi ako ng mga ire-recruit eh. XD Matagal nang agent si Vicky, kung nabasa niyo yung book 1 neto, siya ang nagligtas sa'kin mula sa 'alien'.

"May plano ba kayong sabihin or magpakita sa media kung sino talaga kayo?" tanong niya.

"Wala kaming plano magpakilala sa kanila. Tahimik naming papatayin ang mga kalaban."

"Pa'no yan kung sumugod sila dito? Alam mo naman ang mga tao dito, kahit mga walang kwentang bagay, vini-video nila then post sa FB."

"Hindi ko rin alam, Hon. Pero sana, wag sila sumugod dito. Para wala nang mapahamak." saka napayakap si Vicky sa'kin.

"Matatalo niyo din sila." sabi niya.

"Salamat, Hon." saka ko siya hinalikan. Kinakabahan lang talaga ako sa mangyayari.


Bianca's POV


Grabe, ang init. Di ako maka-tulog! Wrong timing talaga 'tong aircon ko! Kung kailan nasira, saka pa uminit yung panahon. Sa ibaba (living room) na nga lang ako matutulog! PISTI!

Pagka-bukas ko ng pinto, napansin ko ang kwarto ni Cindy, naka-open ang pinto at ilaw. Naalala niyo si Cindy? Kung hindi niyo siya kilala o naalala, balikan niyo ang Book 1 neto!

"Ba't gising ka pa? Natulog ka ba talaga?" tanong ko.

"Opo. Kaso isang oras pa alng ang tulog ko." Senior high school na 'to, ako na rin ang nagpapa-aral sa kanya kahit noon pa lang na, kinuha ko siya.

"Ano 'yang pinag-aaralan mo?" tanong ko.

Hindi siya sumagot, pero pinakita niya sa'kin ang isang libro, isang Calculus book.

"May exam po kami mamaya." sabi niya.

"Hmm... Titimplahan na lang kita ng kape." sabi ko sabay lumabas ako ng kwarto niya. Gusto niya maing Biologist balang araw. Alam rin niya na isa akong Cancer Protector. Pero wala siyang alam na may kalaban na naghi-hintay sa'min. Ayoko na siya mapahamak, di ko na kakayanin kapag mawala pa siya sa buhay ko.

Behind Their ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon