35: Meet The Protectors

229 7 0
                                    

Bianca's POV


"IKAW ANG ANAK NG PISCES PROTECTOR?!"


O_O -> Yan po ang hitusra ko nang magising ako dahil sa sigaw ni Harold. Bastos.


"Ano bang nangyayari dito?" tanong ko saka ako tumayo. Naka-tulog na pala ako. Ano'ng oras na ba?


"Tulog ka kasi ng tulog kaya hindi mo alam ang nangyayari." sagot ni Harold.


"Kapal ng mukha neto ah." sasapakin ko na sana kaso pinigilan ako ni Paulo.


"Tinanong lang niya kay Fey kung siya ba ang anak ng dating Pisces Protector." sagot ni Paulo. Hah? Anak?


"Te-teka! Imposible mangyari yun. Ikaw yung unang anak ni tita. Kinuwento pa nga niya sa'kin yung naging pakiramdaman niya nu'ng pinag-bubuntis ka eh." sabi ko.


Nakita ko na, nanginginig ang mga tuhod ni Fey. At dahil du'n, napa-upo siya sa sahig. "Nalilito na ko. Hindi ko na alam kung sino o ano ang paniniwalaan ko." sabi niya.


"Mas maganda na may nalaman ka kesa naman sa, hindi mo alam ang totoo."


Teka, sino yun?


"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"


Napa-lingon kami kay Sab. Hindi siya nagsalita pero may tinuro siya. Sinundan naman namin yung tinuro niya at...


"AAAAAAAHHHH!"


Lahat kami, nag-tago sa likod ni Sab.


"Hoy, ano ba! Ergh! Wag kayo magtago sa likod ko!" sigaw niya. Sandali lang...


"Oy Darren, bakit ka nagtatago?" tanong ni Dorothea. Loko kasi, nagtatago 'to at nasa tabi ko pa -_-


"Di pa ba halata? May mga multo sa likod mo."


Tumawa lang si Dorothea. Hala? Hindi niya nakikita yung mga multo sa likod niya?


"Hindi sila mga multo. Sila ang mga Zodiac Protectors sa mundo natin."


"Ano?" - ako.


"Seryoso?" - Uni. Saka tumango si Dorothea.


"I-imposible." si Darren, "Mga patay na ang mga yun ah." Teka lang...


"Akala ko ba kilala mo ang mga Zodiac Protectors?" tanong ko. Tumango siya.


"E, bakit hindi ka sigurado na sila ang mga yun?"


"Sikat na sikat sila kahit saan sa bayan lalo na sa lugar namin kaso, wala kaming alam kung saan at sino sila unless, kung nakatira ka sa bayan na sinasakupan nila. Hindi sila nagpapakita sa bayan namin pero palagi nila kami nililigtas mula kay Diemon." sagot niya.

Behind Their ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon