20: The Daughter

190 7 6
                                    

Harold's POV


NASAAN NA ANG MGA NILALANG NA YUN?! LECHE!



"Pero, pa'no niya nakilala si Silex e, ordinaryong doktora lang naman siya?" boses ni Karen yun ah.


"Tsaka, ang bilis naman matunaw yung yelo na naka-balot sa buong katawan ni baby Sol." si Rico. Teka, nasaan ba sila?


"Ang weird nga e, yung baby naka-balot sa yelo. Hindi sa dugo." boses ni Sab. And yeah, nakita ko na sila.


"Oy! Harold! Buhay ka pa pala!" sabi ni Niel sabay nakipag-appear sa'kin.


"Gago ka ah." sabi ko sabay tumawa kami. Normal na sa'min 'to kaya, masanay na kayo. Hahhahahaha!


"Bale, si Fey na lang ang hahanapin natin." sabi ni Karen.


"Kanina pa ko nandito."


Nakita na lang namin siya na, naka-sandal sa tabi ng pinto ng nursery room. "Kanina ko pa kayo hinahanap." Teka...


"Um.. Fey okay ka lang?" tanong ni Troy.


"Ah.. Oo, bakit?"


"Parang may nabo-bothered kasi sa utak mo eh." si Paulo.


"Ah. Ewan ko ba. Ang weird talaga ng nangyayari dito. Lahat ng mga tao dito, di ako pinansin. Lalo na nung nakita ko yung mama ko." Hala... Nakaraan na 'to. May possibility na makita niya yung mama niya at...


"Anong nangyari?" tanong ko.


"Nasa... Delivery room ako kanina..." Ayaw niya tumingin sa'min.


"Tapos?" si Rico.


"Na-nakita ko na... Hindi umiyak yung baby which is ako yun..."


Fey's POV


"Hindi umiyak? Ni reaction ng baby or galaw wala?" tanong ni Bianca. Tumango agad ako.


"Ibig sabihin patay ka na dapat?" sabi ni Troy. Tumango agad ako. Ayoko silang tignan dahil... Trip ko lang. Haha.


"Pero..." sabi ko, "Yung doktora na yun..."


"Doktora?" si Niel.


"Yung doktora siguro yung dahilan kaya ako nabuhay..."



*flashback*


"Dok... Gigisingin ko na po ba si Miss Domingo para ipaalam na wala na po ang anak niya?" tanong ng nurse na nasa tabi ko. Kanina pa nanginginig yung tuhod ko, ayoko lang ipahalata sa inyo.

Behind Their ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon