2.
***
Kanina pa nababahing si Claudine habang inaalis ang mga agiw-agiw na nasa kisame. Kanina pa siya doon nakatungtong sa bangko at nakatingkayad habang hawak-hawak ang walis.
"Ayun pa ohh... Meron pa do'n sa dulo!" turo sa kanya ni Aling Mirasol.
Ginagaya-gaya naman niya iyon na parang inaasar si Aling Mirasol. Hindi iyon nakikita ng kanyang ina dahil nakatalikod ito sa kanya. Kasalukuyan ding nagpupunas ng mga furnitures at picture frame na naka-display sa kanilang sala si Aling Mirasol.
"Hatsuuuu!" muli na naman siyang nabahing.
"Ohhh... Ito ang face mask... suotin mo para hindi ka na bahing ng bahing diyan!"
Kinuha naman ni Claudine ang binigay sa kanya ni Aling Mirasol. Pagkatapos niyang alisin ang mga agiw sa kisame ay dingding naman ang sinunod niya.
"Maiwan muna kita diyan at ako na ang maglilinis ng banyo... Tapos ko na 'tong punasan... Oo nga pala Clang, Pagkatapos mo diyan, bumili ka ng floor wax... Nang kumintab-kintab at dumulas naman 'tong sahig natin. Ohh heto ang pera..." ani Aling Mirasol at saka dumukot ng pera sa bulsa.
Muling tinanggap ni Claudine ang binigay ng kanyang ina. Hindi na lang siya umimik kahit asar na asar kanina pang umaga. Paano ba namang hindi, pagkagising niya ay agad na siyang inabutan ng walis at magsisimula na daw silang maglinis. Hindi na nga siya nakakain ng breakfast. Tanging hilamos lang ang ginawa niya pagkabangon sa kama.
Minabuti na lang niyang mag-soundtrip. Tumigil siya sandali sa kanyang paglilinis at pinatugtog ang kanta ni Ariana Grande na One Last Time. Nang magsimula na ang kanta, inaliw niya ang sarili sa pagsasayaw.
***
Alas-dos na ng hapon nang matapos sila Claudine at ang kanyang ina sa paglilinis ng bahay. General cleaning talaga ang ginawa nila ngayon. Magmula sa sala hanggang sa kusina at banyo pati na rin sa kanilang kwarto. Halos limang oras din silang naglinis dahil nagsimula sila nang alas-nuwebe.
"Ohh di ba? Presko!" tuwang-tuwang sabi ni Aling Mirasol na pinagmamasdan ang kabuoan ng kanilang bahay at pupunas-punas ng tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat.
Nag-iba ang pwesto ng mga appliances at iba pang gamit sa kanilang bahay. Napalitan din ang mga punda ng kanilang sofa, kutson at mga punda sa kwarto. Maging ang dating kulay yellow nilang kurtina ay pinalitan din ng kulay blue. Nangintab ng husto ang kanilang sahig dahil nabahiran ng floor wax.
"Ohh bumili ka ng ice tea... Para may masarap tayong iinumin ngayong lunch." utos muli ni Aling Mirasol.
"Ang init mama!" reklamo ni Claudine na nakaupo sa couche.
"Wow nahiya naman ako sa'yo nak... Sa'yo nga lang nakatutok ang electric fan tapos nagrereklamo ka pang mainit? Aba matinde! Bumili ka na, bilis!"
Wala naman nagawa si Claudine kundi ang sumunod kahit pa sobrang init sa labas at feeling niya ay iitim siya agad. Kumuha siya ng bimpo at inilagay sa kanyang ulo. Padabog siyang naglakad at saka umalis ng bahay.
Pagbalik niya ay handa na ang kakainin nila sa mesa. Bigla siyang nakaramdam ng gutom nang maamoy ang adobong baboy. Gustong-gusto niya ang lutong iyon ng kanyang ina. Dumiretso siya doon at saka umupo. Si Aling Mirasol na ang nagtimpla. Sumandok na agad siya at hindi na nahintay ang kanyang ina dahil kumukulo na talaga ang tiyan niya.
Sumunod na rin si Aling Mirasol at sinabayan siyang kumain. Nang mabusog na siya ay inilagay niya ang pinagkainan sa kusina at bumalik ng sala para manood ng T.V. Doon siya namahinga. Nakita niya ang ipod ng kanyang ina na nasa table kaya tinadtad niya to ng kanyang selfies. Sira ang wifi ng ipod kaya kahit gusto niya magbukas ng kanyang account ay hindi niya magagawa. Nang makaamdam siya ng antok ay ibinalik na niya ito at saka natulog.
BINABASA MO ANG
Closer When We're Young
Mystery / ThrillerPosible kayang magmahal ng isang tao na kahit kailan ay hindi mo pa nakita? Si Claudine, na "Queen of Musical.ly" sa kanilang campus, ay nagmahal ng isang lalaking sa social media lamang niya nakilala. Sa dami ng nanliligaw at umaaligid sa kanya ay...