CWWY 4

36 2 0
                                    

4

***

Maaga ang uwian nila Claudine ngayon dahil may meeting ang mga parents regarding sa grades ng mga anak nila. Kinakabahan tuloy siya dahil baka may mababa siyang grades. Ayaw niya magpaka-kampante kahit pa matataas ang mga nakukuha niyang scores sa exams.

Nagpalit na muna siya ng kanyang damit at nanood ng teleserye sa hapon. Pero hindi siya mapakali dahil iniisip niya pa rin kung anong sasabihin sa kanya ng mama niya pagdating nito sa bahay. Last year kasi ay nagkaroon siya ng mababang grades kung kailan final grading na kaya't nalipat rin siya ng ibang section. Pinadalhan kasi siya ng papa niya ng iphone 5s kaya mas naadik siya dito hanggang ngayon, pero nangako naman siya na hindi na iyon mauulit.

Makalipas ng isang oras ay dumating na si Aling Mirasol at may hawak na envelope. Hindi siya pwedeng magkamali--card niya iyon.

"Ano mama? May bagsak ba?" salubong niya kay Aling Mirasol.

Tahimik na umupo sa may couche si Aling Mirasol kaya mas lalo siyang kinabahan. Tumabi siya sa kanyang ina at waring naghihintay ng sasabihin. Gustong-gusto na niyang makita kung anong grades niya. Hahawakan na sana niya ang envelope para buksan pero mabilis iyon iniwas ni Aling Mirasol.

"Tingnan mo..." saad ni Aling Mirasol habang binubuksan ang envelope. Pagkakuha niya ng card ay iniabot ito sa kanya.

Tinitigan naman niya ang kanyang grades sa bawat subject. Dino-double check niya pa talaga ang tingin para hindi siya magkamali sa kanyang nakita.

"YESSSS! WALA AKONG BAGSAK!" sigaw niya sabay suntok sa ere. Paglingon niya kay Aling Mirasol ay nakangiti itong nakatingin sa kanya.

"Tsamba!" pang-aasar ni Aling Mirasol.

"La? Tsamba ka diyan! Sabi ko naman sa inyo babawi ako ulit eh!"

"Hay naku Clang, first grading pa lang. Wag kang masyadong happy diyan. Last year diba--"

Pinutol na niya ang sasabihin ni Aling Mirasol. Ipapaalala na naman kasi sa kanya ang dahilan ng pagkakaroon ng mababang grades na naging dahilan ng pagkadismaya ng kanyang ama. Hindi siya pinadalhan nito ng mga gusto niyang damit at chocolates.

"Ma... Past is past!" tugon nito. "Mas gagalingan ko pa hanggang sa mag-honor ako ngayong fourth year, promise!" Iniangat pa nito ang kanyang kanang kamay at ipinantay sa kanyang balikat.

"Hindi mo naman kailangan mag-honor. Basta magaganda mga grades mo, okay na 'yun!" wika ni Aling Mirasol. "Akin na 'yang card mo at pipirmahan ko pa 'yan. Ikaw na magsauli bukas."

Ibinalik na niya ang kanyang card. Sinugurado niya pang wala nga siyang bagsak bago ito iabot sa kanyang ina.. Tumayo naman si Aling Mirasol at inilagay iyon sa ibabaw ng drawer.

Maswerte siya dahil hindi siya pinupukpok ng kanyang magulang na mag-honor unlike ng iba niyang kaklase. Pero gagawin niya pa rin ang lahat para magka-awards kahit hindi siya nasa top section. Gusto niya kasing makabawi sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama na nasa ibang bansa.

"Ohhh heto na 'yung cellphone mo." ani Aling Mirasol saka iniabot sa kanya ang kanyang iphone 5s na nakalagay lang pala sa drawer sa may sala. "Buksan mo 'yung wifi sa kwarto at mag-skype kami ng papa mo mamaya... May bibilhin lang ako."

Nagliwanag ang kanyang mukha nang kuhanin niya ang kanyang cellphone. Sobrang na-miss niya iyon kahit pa isang araw at kalahati lang sa kanya nawala. Lumabas na si Aling Mirasol at naiwan siyang mag-isa sa sala.

Nakaramdam siya ng gutom kaya nagtungo siya sa ref at kumuha ng manga. Mabuti na lang at mayroon pang isa. Nakalimutan niya kasing bolahin ang mama niya na ibili siya ng meryenda. Pero okay lang naman sa kanya kasi may dinner pa naman—may oras pa siya mamaya and for sure hindi siya nito tatanggihan because of her good records.

Closer When We're YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon