CWWY 3

31 2 0
                                    


3.

***

Kanina pa palinga-linga si Claudine sa waiting shed sa may gate ng kanilang school. Sabi kasi nila Maureen at Barbz dito daw sila maghihintayan bago pumasok sa loob ng classroom. As usual, siya na naman ang nauna sa dalawa niyang kaibigan. Lagi namang late ang mga iyon. Kapag sinabing 11:00 am ang call time ay darating ng 12:00 nn, o di kaya naman ay mas late pa. So far, kalahating oras pa lang naman siyang naghihintay pero balak na niyang pumasok at iwan ang dlawang kaibigan. Baka kasi ma-late pa siya sa kanilang klase. Ala-una pa naman ang start no'n pero ayaw na niyang maghintay ng paulit-ulit.

Nang matapos si Claudine sa kanyang pagre-retouch ay saktong dumating ang dalawa na sina Maureen at Barbz. Sabay pa silang bumati nang magkaharap-harap silang tatlo.

"HI BES!"

"ANG TAGAL NYO!" bulahaw agad niya sa dalawa at saka tumayo. Na-shock naman ang dalawa sa ni-reply nito. Napahawak pa nga si Maureen sa kanyang gitnang dibdib.

"Grabe ka naman bes, hindi ba pwedeng mag-hello or hi ka muna?" sambit ni Maureen.

"Oo nga... Masyado ka namang high blood! Tanghaling tapat—"

Hindi na nakapagsalita si Brbz nang barahin siya ni Claudine.

"Tanghaling tapat kasi bini-beastmode niyo ko! Ang tagal niyo na naman... Kanina pa ko naghihintay." pambabara nito nang nakapamewang.

Bigla naman sumimangot si Barbz. "Buti pa ang tanghali--tapat... 'Yung jowa ko hindi."

"Arayyy!"

Bigla kasing binatukan ni Maureen si Barbz kaya kakamot-kamot ito ng ulo. Hindi naman siya nag-react at tiningnan niya lang ng masama ang dalawa.

"'Wag ka na humugot diyan! Tara na mga bes, pumasok na kaya tayo..." pagyaya ni Maureen sa kanila.

Hindi pa rin mawala ang inis niya sa dalawang kaibigan kaya muli siyang nagtanong. Nakasalubong pa rin ang dalawa niyang kilay habang nakapamewang at hinihintay ang matinong sagot nina Maureen at Barbz.

"Bakit ba kasi ang tagal niyo?"

"Hayyy nako! Traffic! Sa EDSA lang may forever!" hirit na naman ni Barbz. "Wag ka na ngang magalit... Ililibre ka na lang namin ni Maureen mamayang lunch. Bet?"

"Ikaw lang! Damay mo pa ko!" tutol naman ni Maureen. Sabay kaming nagtawanan at nagtungo na sa loob ng school.

***

"Sige na... Pwede na kayong mag-lunch. You may leave your classroom but make sure na nakasarado ang pinto." Bilin sa kanila ng kanilang teacher.

Ipinasok na ni Claudine ang kanyang English book at notebook at saka naman inilabas ang kanyang foundation pati lip gloss. Nakita naman niyang papalapit na sa kanya ang dalawa niyang kaibigan na sina Maureen at Barbz.

"Bes, tara CR tayo?" pagyaya ni Maureen sa kanya.

"Sandali lang... Tapusin ko lang 'tong pagre-retouch ko." Sagot niya naman habang abala sa pagpahid ng foundation sa mukha.

"Maganda ka na! Tara na!" pamimilit ulit ni Maureen.

"Maliit na bagay" pagyayabang niya naman with matching kampay pa ng kamay sa ere.

"Tara na kasi Clang... Kailangan ko nang magpalit. Red tide ako ngayon." Ani Barbz na hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan.

Tumayo na siya at binitbit ang kanyang bag. Doon na lang niya itutuloy ang pagre-retouch sa CR. Sabay-sabay silang naglakad tatlo. Animo'y mga artista sila dahil pinagtitinginan sila sa kanilang campus. Kilala kasi ang kanilang grupo lalo pa't sikat sila sa social media tulad ng facebook, twitter at instagram. Nakakakuha sila ng maraming likes, retweets at mga followers or friends.

Closer When We're YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon