CWWY 6

22 3 0
                                    

6

***

Dumating na ang araw ng Wednesday at napagpasiyahan nilang dumiretso ng Starbucks para doon gumawa ng video. Wala kasi ni isa sa kanila ang nag-presinta na doon na lang sa kani-kanilang bahay. Bawal daw kina Maureen kasi may meeting daw ang mommy niya kasama ang iba nitong katrabaho. Kaya nag-promise si Maureen na siya na lang ang magdadala ng laptop. Hindi rin daw pwede kina Barbara kasi nando'n ang mga kamag-anak niya na nakikitira sa kanila. Marami daw bata do'n at pawang mga pinsan niya kaya baka hindi kami makagawa ng maayos. Si Barbara na lang daw ang manlilibre sa kanila ng food and drinks nila sa Starbucks. Ang tanging ambag lang ni Claudine ay mag-edit ng video.

Wala naman problema iyon sa dalawa niyang kaibigan. Mahirap naman daw kasing mag-edit ng video. Pagdating nila sa Starbucks ay um-order muna sila ng kanilang frappe at makakain na bread. Alas-sais pa lang ng hapon ng magpunta sila doon. Nakapagpaalam na naman siya sa kanyang ina na may gagawin silang project at pumayag naman ito basta uuwi din sila ng alas-otso. May dalawang oras lang sila para gumawa ng video at tapusin iyon dahil bukas na ang presentation para do'n.

Habang nabili ang dalawa niyang kaibigan ay kausap niya si Dwayne sa messenger. Close na rin sila ng binata kahit papaano. Lagi niya itong nakaka-chat pero lagi lang din naman siyang napipikon sa binata.

Dwayne: Saan kayo gumawa ng project?

Claudine: Starbucks

(Claudine sent this photo to Dwayne)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Claudine sent this photo to Dwayne)

Dwayne: Wow! Ang yaman naman! Diyan ka na magdi-dinner?

Claudine: Baka... Oo.

Dwayne: Nice naman! Diet siya. Hahaha.

Dwayne: Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin naman kita kahit tumaba ka na. Mwahh!

Dwayne: Aww... Seen. Hilig mo kong i-seen ha? Hilig mo talaga akong tingnan. Yieee!

Tulad ngayon ay naaasar na naman siya kay Dwayne. Walang araw na hindi siya dito nainis sa tuwing magka-chat sila. Kaya naman hindi niya rin matukoy kung close na ba niya ang lalaking iyon dahil hindi naman sila nagkakausap ng maayos. Tipid na lang din siya mag-reply dito dahil minsan na siyang inasar ni Dwayne na baka crush siya nito kasi panay ang usisa niya.

Gumawa na sila ng kanilang video at doon sila pumwesto sa may dulo, sa may parang sofa doon para hindi maistorbo.

***

Matapos ang panglimang grupo ay sila na ang nag-present. Kabado sila Claudine at ang kanyang mga kaibigan na tumayo sa harapan. Nag-play na ang video at sa simula pa lang ay pumalakpak na agad ang kanilang mga kaklase. Alam na kasi nila kung anong topic ang kanilang idi-discuss sa video na iyon. Lalong nagkaroon ng hiyawan sa part na mayroon ng mga hugot tungkol sa parallel at perpendicular lines. Hindi na nila ito napigilan hanggang sa part na Nag-musical.ly si Claudine bago matapos ang video.

Closer When We're YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon