City Meet.

28 3 0
                                        

Miya's part.

Kumain kami ng marami sa resto. Pumunta kami saglit sa kotse para ibaba yung gamit na dala namin tas pumunta kami sa simbahan.

Pagdating namin malapit na magsimula ang misa. Kaya marami ng tao.

"Miya? San tayo uupo neto wala ng space?"

"Tara." Hinatak ko siya sa taas ng simbahan. Kilala na ako ng mga sister dito kasi palagi ako dito kapag may problema.

"Woooaa. Ganda dito ah" habang kita sa mata niya ang saya.

"Oo nga e. Kapag wala na talagang space sa baba dito ako pumupunta."

"Ah ganun ba?"

Hindi ko na siya na sagot dahil nag simula na ang misa.

After 1 hour. Natapos yung misa. Bumaba na kami. Tas lumapit kami sa itim na nazareno.

"Miya pwede ba tayo pumunta sa barber shop?"

"Sure."

Habang papunta kami sa sinasabi niyang barber shop. Nakita ko sila fatima kaya. Binaba ko ng onti yung cap ko pati kay Dj. Pagdating namin sa barber shop. Umupo siya.

"Ikaw ah. Dennis. Di mo pinapakilala samin yang Girlfriend mo."

"Ay. Kuya hindi ko siya girlfriend. "

"Ay pasensya. Kana."

"Soon kuya." Singit ko.

Nagulat si dennis kaya napalingon siya pag lingon niya di niya namalayan na ginugupitan siya kaya medyo napaling yung gupit. Kaya nag decide siya na mag pakalbo na lang.

"Sorry kanina kung nabigla ka. Yan tuloy nangyari sayo."

"Ayos lang to no. Wala to kalbo lang to di naman mababawasan yung kapogian ko dito." Tumawa kami parehas sa sinabi niya.

"Dj. Gusto mo ice cream muna tayo?"

"Oo ba."

Pumunta kami sa paborito naming ice cream shop. Tas kumain kami. Pagtapos namin kumain bumalik na kami sa kotse.

Nakakapagod kaya pag sakay ko pinikit ko muna yung mata ko.

"Miya nandito na tayo."

Pag kasabi ni dj nun lumabas na ako ng kotse tapos tinulungan ko siya sa binili namin. As in pang akin lang ata to e.

Pagpasok namin sa loob. Nagulat sila kasi parehas kaming naka cap.

"Wow! Couple?" Sigaw nilang lahat

"Loko soon." Singit ko.

Tapos nag tawanan kami.

Nung nakita nila yung gupit ni dj tumawa sila. Si dj namin dumeretso sa kwarto kaya sinundan ko siya.

"Dj are you okay?"

"Okay lang ako." Tipid niyang sagot.

"Alam ko dahil sa gupit mo kaya ka malungkot."

"Nahihiya lang ako. Pano bukas City Meet?"

"Alam ko na diba pwede naman naka cap?"

"Oo nga."

"Oh edi mag cap ka."

Sa totoo lang bagay naman sakanya yung pagiging kalbo niya e. Pogi padin siya.

"Wag kana mag mukmuk jan. Mag ayos kana bukas city meet na."

Pag kasabi ko nun lumabas kami.

"Sorry pre kung na awkward ka samin."

High School Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon