Chapter 1: Crash

54 4 0
                                    

Bianca's POV

Isang mainit at maalinsangang umaga na naman ang araw na iyon. Ngayon ang unang araw ng Ber-month ngunit parang hindi magpapasko dahil sa init ng panahon. Gayon pa man, hindi magkumayaw ang mga Christmas Song sa mga supermarket at grocery stores. Kanya-kanyang pakulo at pag-decorate sa mga gusali. Ang iba ay nagsasabit ng christmas lights samantalang ang iba ay nagtatayo na ng Christmas tree. Nakakatuwang tignan ang mga makulay na palamuti na nakasabit sa mga dingding ng bahay ngunit mas nakakatuwa siguro kung hindi patigil tigil ang sinasakyan kong jeep sa bawat kanto para magsakay ng pasahero. Malapit na akong ma-late sa 7:30am class ko. Naiintindihan ko naman na nagtatrabaho lang ang driver pero kahit puwet ng bata hindi na kakasya, may tatlong nakasabit na tas kabilaan pa daw kulang sabi ni manong. Kung mayaman lang ako babayaran ko na iyon pero anong magagawa ko kung mahirap lang kami.

Si mama at ako nalang ang magkasama sa buhay. Namatay ang papa ko sa isang car accident limang taon na ang nakalipas. Mahirap man pero hindi sumuko ang Mama ko para itaguyod ang aming pamilya. Nag-iisa lang nila akong anak pero sa hirap ng panahon ngayon double kayod pa rin ang ginagawa niya. Researcher siya sa isang pribadong kompanya at tuwing weekends gumagawa kami ng made to order cupcakes pandagdag gastos. Nakakuha rin ako ng scholarship sa St. Therese Academy kaya kahit papaano nakakatulong ito kay Mama. Pero gayun pa man, magastos ang mga project at outing na required sa school. Kung ako lang ang papipiliin mas gugustuhin ko sa public school dahil mas konti ang gastusin - mas mura - pero laging sinasabi ni Mama na maswerte daw ako at nakapasok ako sa isang eklusibong school gaya ng St. Therese Academy. Madami daw ang kabataang nangangarap na makapag aral dito kaya dapat pahalagaan ko. Madami daw ang gustong mag aral pero hindi magawa dahil sa hirap ng buhay. Dapat daw mag aral ako ng mabuti upang magkaroon ng matibay na pundasyon para mas maging madali ang buhay kolehiyo lalo na kapag naghanap na ng trabaho.

"Para po." Sigaw ko at itinabi ni manong driver ang jeep sa kanto. Konting lakad nalang at makakapasok na ko ng gate. Napatingin ako sa wrist watch at napansing 7:15 na. 15 minutes nalang at mag-ri-ring na ang bell. Mahigpit pa naman ang professor ko sa first class. Noong isang araw isang classmate ko ang na-late at pinatayo sa labas ng pinto hanggang matapos ang class habang may hawak ng libro at naka-squat. Malas talaga nito. Lakad - takbo na ang ginagawa ko habang yakap yakap ang makakapal na libro sa aking dibdib. Nararamdaman ko na ang pamamasa ng kili-kili ko. Buti nalang at de aircon ang mga classroom namin kaya kahit papaano matutuyo ang namamasa ko nang kili kili.

"Bianca! Bianca! Hintay!" Dinig ko na tawag sa aking likuran. Doon ko napansin ang bestfriend kong si Mayleen.

"Hi Mhy, Dalian mo! ma-la-late na tayo." Sabi ko sa kanya sabay kaway. Tumakbo na ito para maabutan ako.

"Wag mong masyadong bilisan ang paglalakad. Hinihingal pa ako." Reklamo nito.

"Mahirap na at baka wala sa mood si Sir Alvarez. Gusto mo bang ma squat din gaya ni Gerry?"

"Ambagal mo! Dalian mo nga. Kulang ka sa exercise." Sabi nito sabay hila sa aking kamay. Natawa nalang ako sa kilos niya.

Bumulaga sa paningin ko ang magarbong entrance ng school. Ang mga ID ay may chip na kailangang i swipe bago makapasok. May malaki itong fountain sa harap ng main building na napapalibutan ng mga halaman. Akala mo isa itong entrance sa palasyo at hindi eskwelahan. Sa apat na taon kong pag aaral dito, hindi pa rin humuhupa ang paghangang nararamdaman ko sa tuwing tinitignan ko ang mga infrastractura sa loob ng school. Ang library namin ay kasing laki ng mall. May sarili rin kaming chapel at gymnasium. May football field rin kami at swimming pools. Bawat grade level ay may kanya kanyang building at lahat ng mga ito ay parang bagong pintura. Halos lahat ng estudyante ay may dalang sasakyan or may service gaya ni Mayleen. Ang mga ito ay nakapark sa may bandang likod ng school.

Travis Jon POV

"Senyorito TJ! Tinatawag na po kayo ng Mommy niyo."
Tamad na iminulat ko ang aking mga mata. Ang lakas ng katok ni Nana Cely sa aking pintuan. Siya ang aming mayordoma at tagapag alaga mula pa ng ako'y bata. Tinignan ko ang table clock at napagtantong 6:35am palang.

"Damn! It's too early. I wanna sleep more Nana." Sagot ko. Sino ba kasi ang nag imbento ng maagang pagpasok sa eskwelahan. Maswerte ang iba dahil tanghali pa ang pasok samantalang kaming grade 10 ang aga-aga.

"Mapapagalitan ka ng Mommy mo kapag na late ka sa school. Hinihintay ka rin niya sa baba para sa almusal."

"5 more minutes please."

"10minutes nakong kumakatok sa may pinto mo. Kapag hindi kapa bumangon ang mommy mo na susundo sayo."

"Okay fine! I'm coming and be there in 15 minutes. I'm just going to take a shower. Geez Nana!"sagot ko while dragging my feet out of the comfort of my bed.

I turn the cold shower to refresh myself. Hindi ako magigising kung hindi cold shower ang panliligo ko. Naabutan ko ang parents ko na nag aalmusal kasama ang older sister ko. All of them are working kaya maaga palang nakaayos na.

"Can't I just have breakfast on my way to school?" Bungad ko sa kanila.
"No. Anong silbi ng dining table kung hindi rin tayo sabay sabay na kakain." Sagot ng mommy ko.
"Sit down little bro. Kapag hindi ka kumain hindi papa-drive sayo ni Daddy ang car."

That was the deal. I need to see to it na kasabay ko sila sa breakfast or else hindi ako pwedeng magdrive. I just got my license kaya hindi pa nila ako pinagkakatiwalaan fully.

Tahimik nalang akong umupo at kumain habang sila ay masiglang nagkkwentuhan. After a few minutes I hear the honking of other cars which means andiyan na ang barkada ko. Mabilis pa sa alas kwarto na naubos ko ang pagkain at dali-daling lumabas.

"TJ, where is my goodbye kiss."
"Mommy, i'm too old for that."
"I said, where is my goodbye kiss." Sa 17 years na buhay ko I know for a fact that arguing with my Mom is a loosing case so i give her a quick peck on her cheek. If people in my school find this out, my reputation will go down the drain.
"Bye. See you tonight"

Jared, Arthur and I arrive at school just in time before the bell rangs. As usual, pinapalibutan kami ng mga girls pagbaba palang ng kotse. Ang iba ay may dala pang banners. We fist bump sa mga kasama naming football players and chit-chat for a couple of minutes bago dumiretso sa classroom. Our first period teacher was captivated by our charms kaya madali kaming nakakalusot sa 10-15minutes na late namin araw araw. Benefit of being the favorite.

The morning went by so easily at approaching na ang favorite subject namin - recess. Oh yes! Break Time is the best subject. Nagbigay daan ang lahat ng classmate namin para makalabas kami. Did I mention that we are THE PRINCE of this school. Students and teachers give us the privelege higher than the student council officers. We rule inside the school.

" I love you PRINCE Travis! Please be my escort on my 16th birthday." Bungad sa akin ni Clarisse na isang classmate namin sabay abot sa invitation letter. I check the date and it falls on a friday night.
"Sorry sweetheart, Friday is always an off limit." Sabi ko dito sabay kindat.
"Omg! He called me sweetheart." Sabi nito sabay hawak sa puso niya at nakamwestrang parang mahihimatay.

Pinagkaguluhan siya ng mga ibang estudyante. Ang iba ay nagsasabi na napakaswerte daw nito dahil kinausap ko. Nakarating kami sa cafeteria at dali dali akong bumili ng tacos and orange juice. Kausap ko ang aking barkada kaya hindi ko napansin ang babaeng patayo sa upuan. Sinubukan kong umiwas pero huli na dahil nabuhos na ang juice na dala ko sa damit niya.

"My gosh! Look what you have done."sigaw nito sabay harap sa akin.
I counted one to five and waited for her apology because let's face it, no one shouted to THE PRINCE.
"What are you waiting? Madaling araw, tumabi ka nga para makapag ayos ako. You are blocking my way."
Speechless. Yes, speechless ako because it is my first time na sigawan ako ng isang babae in front of many people.
"It wasn't my fault that you are drench with my juice. You should be the one apologizing dahil natapon ang inumin ako."
She pinch her nose as if suppressing her anger.
"Look, can you please move a little. Alam mo ba kung gaano kahirap alisin ang mantsa sa uniform. Kapag ito natuyo at hindi na naalis, isusumpa kita hanggang kamatayan ko. So please, move out."
"I don't care about your uniform. Get me another juice." Pagmamatigas ko.
"Kapag hindi ka umalis, mapipilitan akong gumawa ng paraan para makaalis ka."
"Make me!" Pag-cha-challenge ko sa kanya.
And without second thought, dinampot niya ang baso sa harap niya at tinapon sa akin ang laman. I back down a few steps as a result. Good thing it was just water.
"Now, we are even." Sabi nito sabay iniwan akong nakatigagal. Ashamed? No. I am more fascinated. Hmmmmnnnnn, interesting. 😎😏😏😏😏

My LOVELY GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon