Chapter 6: Small World

21 2 0
                                        

Bianca's POV

"Who do we have here." bungad sa akin ni TJ pagkababa ng sasakyan.

"TJ, behave. She is my guest." sabi ni Jared. Ayiiihh. Ang sweeettttt.

"What? I'm not doing anything. I'm just shock to see her today. Welcome to my humble home."sabi nito sabay bow sa harap ko na parang knight in shining armour.

"Sorry for causing trouble. Jared invited me. I hope you don't mind." polite na sabi ko.

"Oooohhh no problem. We can use a company."sabi naman nito pero creepy ang mukha kaya parang nagdo-doubt ako kung taos sa loob niya ang mga sinasabi.

"I also invited her." dugtong ni Arthur which makes me smile. I feel happy for no reason. I saw a crease in his forehead na parang nagtatanong.

I just smiled at him. Nagkibit balikat lang din ako at sinundan ang papaalis na si Arthur at Jared. No way in hell will I be left alone with TJ.

"So..... Ms.......?"

"Bianca." sagot ko.

"How come you are with Jared? Yesterday nabanggit pa lang niya sa akin na hindi ka niya personally kilala." sabi nito na may halong pagdududa.

"Due to some circumstances."sabi ko nalang at tinignan si Jared na parang nagpapatulong.

"I ask her if she can help me do my Case Analysis." sabi nito.

"So am I." second de motion naman ni Arthur.

Lalong lumaki and pagkakakunot ng noo ni Jared.

"And you did it without even consulting me." sabi nito.

"You will not help us anyway." sagot ni Arthur.

"Do you need help too." dagdag ko

"No. I can do it on my own unlike this two." mabilis nitong sagot. Biglang bumagsak ang aking mga balikat sa narinig. Iyon lang ang pag asa ko para mapapayag siyang sumali sa play and I lost my chance. Ano na ang gagawin ko.

"But you still need some help in your survey." dagdag ni Arthur.

"You wouldn't want to create a commotion in school habang nagbibigay ng survey forms." saad ni Jared.

"At nakakatamad din magtabulate ng scores para gumawa ng graph."dagdag ni Arthur.

"Many sleepless nights ang gugugulin mo para matapos iyon."saad ni Jared.

"I can manage." Sabi naman nito.

"You also need to do experimentation and data gathering. Are you sure you don't need any help." Pilit ko.

"Anong kapalit ng tulong mo." Sabi nito na nakataas ang isang kilay.

"Be an actor for the play."

"What? What actor? Oh no. That is not my thing."sabi nito.

"It's for a cause. Proceeds will go to the cancer patient."explain ko.

"Sir, handa na po ang dinner. Kumain na daw po muna kayo bago maglaro."sabi ng katulong nila.

Iniisip ko kung kailangan ko na bang umuwi dahil wala rin naman pala akong mapapala sa gabing ito. Okay na rin siguro kung si Arthur at Jared lang ang gaganap sa play. Madami rin naman mga fans ng mga ito.

Bigla kong naramdaman na hinawakan ang kamay ko at nabiglang si TJ ang kumuha niyon. Napagkamalan lang ba niya ako? Sa hindi ko mapakiwaring dahilan biglang dumagundog ang kaba sa dibdib ko.

Kung magarbo ang labas ng bahay ay siyang garbo din ng loob. Ang mga mwebles ay sobrang kintab at makikita ang mamahaling painting at furnitures sa bahay. Dinala kami ni TJ sa kanilang dining table na gawa pa yata sa narra.

My LOVELY GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon