Bianca's POV
Nag iinit ang mukha ko sa inis. I don't care kung gumawa ako ng scene kanina sa cafeteria dahil ngayon ang uniform ko ang focus ko. Dali-dali akong pumunta sa locker para kumuha ng pampalit at diretso takbo sa wash room habang nakasunod ang bestfriend kong si Mayleen. Lahat ng estudyanteng nadadaanan namin ay bumubulong, marahil pinag uusapan ang kaawa awa kong itsura. Ang mahal pa naman ng uniform na ito. Saan ako kukuha ng P2000 pesos pampalit. Tatlong pares lang ang uniform ko at mukhang masisira pa ang isa. Nakakainis kasi at hindi tumitingin ang leader ng THE PRINCE na iyon.
"Bes, pakilock naman ang pinto. Baka may pumasok." Sabi ko sa bestfriend ko.
"Buti pa ang puso ni-lo-lock at pwedeng pasukan. Ang puso kaya ni Fafa Arthur kelan ko ma i-lo-lock at mapapasukan."
"Bes, bangag ka pa?"
"Gaga! Moment ko ng magpacute kanina kay Fafa Arthur tas init ng ulo ang pinairal mo."
"Alam mo naman gaano kamahal ng bagong uniform. Ilang cupcakes na iyon bago ako makabili. Besides, naaawa nako kay mama na lagi nalang nag o-overtime para lang masuportahan ang pag aaral ko."
"Pwede naman kitang bigyan ng uniform. May mga luma pa naman akong hindi ginagamit sa bahay. Kung mapagtitiisan mo."
"Bes, nakakahiya kay Tita. Andami niyo ng nabigay sa akin."
"Buti ka pa nahihiya, ako naubos sa dami ng unanswered letter na pinadala ko kay Fafa Arthur. Bakit ba kasi unreachable and mga THE PRINCE."
"Bes, seryoso ako." Tinitigan ako ni Mayleen at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Bianca Mendoza Ferrer, gusto mo bang batukan kita at nang mahimas-masan ka. Anong hiya hiyang sinasabi mo. Ano pa't bestfriend kita kung sa mga ganyang bagay hindi kita matulungan. At iyang init ng ulo mo bawas bawasan mo. Pasalamat ka konti palang ang tao sa cafeteria kahapon at ang mga kampon ng THE PRINCE ay wala pa. Kung hindi baka hindi matapos ang buwan na ito at ma-bully ka."
Doon lang nagsink in sakin ang ginawa ko. Ilan na nga ba ang nabiktima at nakick out dahil sa pambabastos sa THE PRINCE.
"Pero siya naman may kasalanan. Tinapunan niya ng juice ang damit ko."
"Pero tinapunan mo rin ang damit niya."
"Tubig lang iyon." Sabi ko sabay pasok sa cubicle. Kailangan ko nang labhan ang uniform ko bago pa ito magmantsa.
"Oo, tubig lang iyon pero kapit na kapit sa katawan niya. Mabuti pa ang tubig, nakakapit sa bisig nito. Samantalang kami na humahanga, hanggang titig lang."
"Bes, ang tubig natutuyo - nawawala. Iyon ba ang gusto mong maging kapalaran ng pag-ibig mo."sabi ko sa kanya.
"Tse! Panira ka talaga ng hugot lines."
Natatawa nalang ako habang palabas. Mabuti nalang at may available na hand wash sa may lababo. Iyon ang ginawa kong sabon at nilabhan ang blouse. Samantalang ang skirt ay pinapatuyo ni Mayleen matapos banlawan. Buti nalang at dark color ito kaya hindi masyadong halata ang mantsa.
May kaunting stain pang naiwan sa blouse pero hindi na halata kumpara kanina. Medyo basa pa ang laylayan ng damit ngunit kailangan ko ng isuot dahil magsisimula na ang next class namin.
Ilang minuto palang akong nakaupo sa classroom ng bigla ako magkaramdam ng chills.
"Bes, ang lamig."
"Alam ko Bes dahil ang puso ko nagyelo na sa kaka-deadma niya sa akin."
"Pahiram ako ng jacket." Sagot ko sa hugot lines niya.
"Pahiram? Pahiram? Hindi ako BAGAY para hiramin." Drama nito.
"Bes, jacket. Magiging bato na ako dito" Dagdag ko.
"Bato? Oo, bato ang puso niya. Walang puwang ang isang hamak na tulad ko sa buhay niya. Sino ba ako para mapansin niya."patuloy nito.
"Magkakasakit nako nagddrama kapa jan. Akala ko ba bestfriend kita."
"Ayan, sayo na. Hayaan mo nalang ang puso kong manigas at mamatay. Mabuti kapa at nakakaramdam ng sakit dahil ang puso ko manhid na. Manhid na Bes." Iling nalang ang nagawa ko. Ang nagagawa nga naman ng sawing pag ibig.Pinapanalangin ko talagang matapos na ang class na ito para lunch break na at mapatuyo ko pa lalo ang damit ko. Isang malakas na sneeze ang pinakawalan ko na nagpatigil sa professor namin at siyang paglingon lahat ng classmates ko.
"Sorry." Naiusal ko sa gitna ng pagkapahiya. Kapag minamalas ka nga naman.Travis POV
"Woooaaahhh! Sweet!" Sabi ni Arthur. "I never thought may malakas ang loob na barahin ka. Better yet, ang tapunan ka ng water."
" Who is she anyway?" Tanong ko. If that girl think she can get away with this, she is wrong.
"Pre, hayaan mo nalang. You are at fault anyway." Sabat ni Jared.
"I don't care. She got me interested and I know the perfect game for her."
"Oh, don't think about it. Bianca is a good girl. Messing up with her is a big No-no." Dugtong ni Jared.
"You know her.?" Takang tanong ko kay Jared na may konting inis.
"By name and by face, yes. Personally, No. I hear a lot about her kaya sinasabi ko na ngayon palang na don't mess with her."
"Like what?"
"She's a promising student. Smart. Kind. Like that." Walang kiming sabi nito.
"And with her behavior today, you believe them?"
"Remember last years' final term paper, the one we had a 95% grade? She created it."dugtong pa nito
Dumbfounded. I just looked at Jared.
"Oh Shiiiittt! Siya gumawa noon? I should probably befriend her para makapasa ulit ako this year. Iyon ang pinakamataas na grade na nakuha ko sa tanang buhay ko. Isang milyong papuri nga ang inani ko sa magulang ko dahil lang sa project na iyon." Sabad ni Arthur.
"I still don't care. She mess with me, I will mess with her." Final na sabi ko.

BINABASA MO ANG
My LOVELY Game
Teen FictionPara kay Bianca, ang kahirapan ay hindi dahilan para makapagtapos ng pag aaral. Sa loob ng apat na taon na-maintain niya ang pagiging iskolar sa St. Therese Academy. Isa itong pribadong school na tanging mayayaman at makapangyarihan pamilya lang ang...