Bianca's POV
My heart is pumping so loud as if it is going to burst any moment. Heto ako ngayon sa may parking lot at hinihintay na dumating ang mga miyembro ng THE PRINCE. I have rehearse the words that I am going to say pero kabado pa rin ako. Pinapanalangin ko nalang na sana walang fans na nakabuntot sa kanila para madali ko silang makausap.
Nakatago ako sa may likod ng puno ng may marinig akong sasakyan na magbeep signifying it unlocked the door. Narinig ko ang yapak ng mga paa na wari mo'y mga kabayong nag uunahan makarating sa finish line. Oh no! Ang mga kurimaw nakabuntot!
Pasimple akong gumilid para makarating sa sasakyan at sumakay sa backseat. Eksakto akong nakapasok ng narinig ko pa ang pag beep ng ibang sasakyan. Dudungaw sana ako ng maramdamang bumukas ang driver's seat door. Dumadagundong ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ano bang pumasok sa isip ko at pumasok-pasok pa ako sa sasakyan niya. Paano nalang kung isipin niyang nagnanakaw ako. Paano kung ipakulong niya ako. Libo libong pangyayari ang isa isang namamayani sa utak ko ng biglang nagstart ang sasakyan.
"Dude,ingat!" Dinig kong sabi ni TJ.
"Ingat sila sayo!" Sigaw naman ni Jared. Parang nakahinga ako ng maluwang ng malamang hindi sasakyan ni TJ ang nasakyan ko. Atleast hindi kasing monster ni TJ si Jared. Among all of them, ito ang pinakamabait. Or so they say.
"Meet me at the court later. Nag-aaya sina Papa maglaro ng game sa bahay. You can bring girls if you want."dugtong pa nito.
"Sure, i'll drop by around 6pm. Do I need to buy some drinks?"
"Nah, it'll be taken care of. Just bring your ass and a change of clothes."
"Cool. See you then."saad nito at naramdaman ko nang gumalaw paalis ang sasakyan.
Nakakailang minuto na kaming umaandar ng marinig ko ang boses ni Jared.
"Aren't you uncomfortable in that position? You can seat properly."sabi nito.
"Dahan dahan akong dumungaw at napansing hindi man siya lumingon sa gawi ko. Parang kamatis na namula ang mukha ko sa pagkapahiya.
"Si--Since when di--did you know na nandito ako sa loob ng car mo?" Kanda utal utal na tanong ko.
"Since you enter." Sabi nito sabay lingon sa akin at ngiti.
Nagdouble somersault ang puso ko dahil sa ngiting iyon. My gosh! Ang gwapo niya.
"Why didn't you scold me?" Sabi ko habang nakababa ang tingin.
"It's the first time someone sneak into my car. And to top it all ang scholar pa ng bayan. Care to explain why?"
"I--- I dunno. I mean, i didn't intend to enter without permission. I swear. I am not here to play tricks on you or to steal anything. I hope you don't get mad and --- a.....nnnnddd .... and report me to the principal. Pppppplllleeeeaaaassssee don't report me. " sunod sunod na sabi ko.
"Relax. I just want to know why you sneak into my car."
" It was reflexes."
"Reflex? Are you that in love with me para i stalk mo ako at pumasok sa sasakyan ko? " sabi nito. Napaluhod ako ng oras sa sinabi niya at tinitigan ko siya ng mabuti.
BINABASA MO ANG
My LOVELY Game
Teen FictionPara kay Bianca, ang kahirapan ay hindi dahilan para makapagtapos ng pag aaral. Sa loob ng apat na taon na-maintain niya ang pagiging iskolar sa St. Therese Academy. Isa itong pribadong school na tanging mayayaman at makapangyarihan pamilya lang ang...
