Bianca's POV
"Siya iyon Pia, Siya iyon." Bulong ng babaeng nasa tagiliran ko.
"Nakita namin na tinapunan niya ng tubig si Prince kahapon sa cafereria."
"Oo nga, kawawa tuloy si Prince Travis. Para itong basang sisiw."
"Mega effort pa nga kami para mapatuyo ang damit niya."
"Nagleave ng mark iyong liquid kaya napilitan pang magchange ng uniform."
"Sayang at hindi namin na picturan pero sigurado kaming siya iyon."
"Siya lang naman ang mahirap na malakas ang loob na hindi sumunod sa batas."
"Pasalamat nga siya at tinapunan siya ng juice ni Prince Travis."
"Hindi siya deserving sa attention na iyon. Ampangit-pangit lang naman niya. Amoy lupa pa. Tignan mo nga ang uniform niya, parang galing sa basura.
Sabi ng mga nito na nakakainit ng ulo. Siya ang naagrabyado pero si TJ ang kawawa. Unfair naman yata iyon. At paanong naging basang sisiw ito kung kaunting tubig lang ang tinapon nya. Pasalamat nga ito at hindi niya nilunod sa pool.
Sabay kaming napalingon ni Mayleen sa babaeng huminto sa harap namin. Siya si Pia Montecarlos, ang self proclaim queen bee. Anong espesyal sa kanya? Bukod sa mayaman, makapal din ang make up nito. Hindi yata uso ang natural beauty sa kanya. Madalas siya nakikitang nakikipaglandian sa mga football player at siya ang leader ng fans club ni TJ. Nakapamaywang ito at akala mo ay reynang nakatayo. Anong hinihintay niya, luluhod kami.
"Yes?" Sabi ko.
"Ikaw ba ang bumastos kay PRINCE Travis?"bigkas nito sa malditang tono.
"Sa pagkakaalam ko wala akong binabastos." Patay malisya kong sagot.
"Bibigyan kita ng babala at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sakaling may marinig pa akong balita na binastos mo ang Prince Travis ko. Wag mong hintaying kaladkarin kita palabas ng gate para palayasin. Ang isang dukhang katulad mo ay hindi karapat-dapat sa prestisyosong school na ito. Dinudungisan mo ang magandang image ng school." Mahabang litanya nya.
"Sa pagkakaalam ko, binibigyan ko ang school ng karangalan sa pamamagitan ng mga award na nareceive ko during inter-school competition. At wala akong pakialam sa prince mo. Iyong-iyo na siya."
"Siguraduhin mong hindi kita makikitang lumalapit sa kanya dahil mag-go-goodbye ka sa buhok na ito." Pagbabanta niya sabay hablot sa buhok ko.
"Aray! Ano ba!"
"Sample lang ito ng aabutin mo. Kaya wag kang feelingera at lumayas ka sa harapan ko." Dugtong nito habang hinihigpitan pa ang hawak sa buhok ko.
"Bitawan mo nga ang kaibigan ko." Sabi ni Mayleen.
Hinablot ko ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko at bahagyang ni-twist. Hindi ako nag aral ng self defense at judo kung simpleng cat claws ay hindi ko maaalis.
"Hindi mo ba narinig ang aray ko. Kapag sinabi kong aray, ibig sabihin alisin mo kamay mo bago ako ang mag alis nito." Sabi ko.
Hindi maipinta ang pagkalukot ng mukha niya. Akala ba niya ma-bu-bully niya ako. Hindi na yata uso ngayon ang bidang na-bu-bully. At wala siyang maipagmamalaki sa akin maliban ang yaman nila.
"Nagkakamali ka kung sa tingin mo ay palalagpasin ko ang pangyayaring ito. Mali ang pader na iyong binangga. Humanda ka dahil gagawin kong miserable ang buhay mo." Saad nito sabay alis kasama mga alipores niya.
Lumingon ako kay Mayleen at nagkibit balikat.
"Bes, humanda daw tayo."
"Ikaw lang Bes, accessory to the crime lang ako. "
"Ang bad mo, nang iiwan ka sa ere."
"Hindi ako eroplano at hindi mo na ako makikita pa sa ere dahil matagal nang bumagsak ang puso ko sa kanya. Ayiiihhh!" Sagot naman nito.
Heto na naman po kami sa hugot lines niya.
"Pasalamat ka bestfriend kita kung hindi matagal na kitang pinakain sa pating."
"Napaka-harsh mo naman Bes. Pating agad, hindi pwedeng palapa sa aso muna? Antagal kong inalagaan sa lotion ang balat ko tapos ipapakain mo lang ako sa pating."
"Hindi! mas maganda sa pating para hindi ko na madinig ang mga hugot lines mo.
"Okay lang na hindi mo marinig. Mabingi man ang tenga mo pero ang tibok ng puso ko ay hindi magbabago. Tanging pangalan lang niya ang tinitibok nito."
"Isa pang hugot line at iiwanan na kita"
"Hindi na Bes. Last na iyon. Promise 😁" saad nito.
Kaloka talaga magkaroon ng best friend na katulad niya.
"So anong gagawin mo niyan? Binangga mo na mga THE PRINCE pati si Pia-piyaya napagdiskitahan kapa.
"Wala. Hindi ko naman sila aawayin."
"Paano kung mapatalsik ka nga sa school?"
"Wala naman akong ginawang violation. I don't think standing up for yourself is wrong. Maiintindihan naman ng guidance councelor kapag na explain ko na sa kanya."
"At paano kung kinampihan pa rin sila which is most likely na mangyayari."
"Hmmmnnn, saka ko na iisipin iyon kapag nangyari na. Basta magfocus ba muna tayo dito sa play na ginagawa natin for the Music & Arts club.
"Ano bang problema diyan?" Sabi nito habang tinitignan ang hawak ko na notebook.
"Nagpapatulong si Mr. Class President para sa plot. Kaso wala akong maisip na magandang scene."
"Bakit hindi mo nalang kopyahin ung Romeo & Juliet na set up."
"Masyado ng gasgas iyon. Kailangan natin ng magandang plot at magaling na actor & actresses. Nasabi kasi sa akin na Play for a Cause ito kaya kailangan madaming interesadong manood para makalikom ng maraming pera."
"Kung viewers ang kailangan mo, hindi mo kailangang gumawa ng magandang plot."
"Huh, anong sinasabi mo. Siyempre kailangan ng magandang plot."
"Hindi nga."giit ni Mayleen
"Paano?"
"Kunin mo lang na actors ang THE PRINCE at siguradong papatok yan. "
"Oh no. Oh no! Kahit sino pwede wag lang sila. Baka matapos ng mas mabilis ang buhay ko kung sila ang makakatrabaho ko."
"Balita ko magaling sila sa music and video production. Mas mapapadali ang problem mo. Plus madami silang fans kaya makakalikom ka ng pera."dugtong pa nito.
"Naririnig mo ba ang sarili mo. Nakalimutan mo na ba ang ginawa ko kahapon."
"Edi pa sorry ka."walang alin-langan sagot niya.
"Ayoko nga."
"Bes, for a CAUSE." Pang-gui-guilty niya sa akin
"Aaarrrggghhhhh... i hate you."
BINABASA MO ANG
My LOVELY Game
Teen FictionPara kay Bianca, ang kahirapan ay hindi dahilan para makapagtapos ng pag aaral. Sa loob ng apat na taon na-maintain niya ang pagiging iskolar sa St. Therese Academy. Isa itong pribadong school na tanging mayayaman at makapangyarihan pamilya lang ang...
