Bianca's POV
It is really weird to be at the same car with Jared twice today. I didn't expect him to be so.... gentleman. Personal pa niya akong pinagpaalam sa mama ko. I see new light in him hindi katulad ng best friend nitong si TJ. Lahat na yata ng kayabangan at kawalang modo nasa taong iyon. Nakikita ko palang siya naiinis na ako. Kung hindi lang talaga for a cause ang play na ito, hinding hindi ko kakausapin ang mongoloid na iyon. Siya ang pinaka iiwas iwasan ko sa school.
Nasa malalim akong pag-mumuni-muni nang biglang magvibrate ang aking cell phone. Hinalungkat ko ito sa back pack hanggang makapa sa may bandang ilalim. Hindi ako kikay kagaya ng ibang babae. Simpleng back pack lang ay masaya na ako. At hindi kagaya ng iba na may kanya kanyang pouch ang mga gamit, ang akin ay parang gubat na nilagay sa bag. Baka nga pinamamahayan na ito ng unggoy ng hindi ko namamalayan. Hindi rin ito puno ng cosmetics. Powder at lip-gloss lang yata ang masasabi kong kikay kit. Ito ang mga dala ko sa araw na ito - usb drive,memory card reader, power bank, external drive, isang t-shirt, wallet, at mga first aid kit. Madami ang nagsasabing weird ako.
Nakita kong si Mayleen ang nagtext sa akin.
------------Mayleen Text Message-------------
"Conversation habang nasa Mcdo.
Cashier: Welcome to Mcdonald's may I take your order?"
Me: Isang bff fries nga kuya.
Cashier: Bff lang po?
Me: Oo, wala kasi akong boyfriend kaya best friend forever nalang. Wala rin naman forever ang boyfriend."
Kuya Cashier (poker face - dinedma ako): Isa lang po?
Me: Oo, single but brokenhearted. Hindi kasi niya ako pinapansin kahit anong gawin ko. Iba ang mahal niya. Walang puwang ang isang katulad ko sa puso niya.
Kuya Cashier (medyo gumi-give up na ang pagkakapoker face): For here or To go?
Me: Dito nalang. Kasi dito may nagmamahal sa akin. Sa labas kasi walang magsasabi ng 'Love ko to'.
Kuya Cashier (tinalikuran ako)
May mali ba akong sinabi Bes? Bakit niya ako tinalikuran?
--------------end of Mayleen's mesage-----------
Hindi ko na napigilan ang pagtawa after mabasa ang message ni Mayleen. Sira ulo talaga ang babaeng ito. Kahit ano or sino hindi lumalagpas sa hugot lines niya. Malamang tumatawa si kuya cashier pagkatalikod. Kahit ako naman na walang mood matatawa sa mga banat niya. Kaya napagpasyahan kong magreply.
------------- Bianca's Reply-------------
Kulang kasi Bes ang ni-order mo. Dapat bumili ka rin ng happy meal nila sabay sabing "Buti pa ang meal -- happy -- ako kaya kailang magiging happy.
or
Bumili ka nang twister fries nila. Kasi iyon parang true love, madaming twist and turn.
---------------- end of Bianca's Reply-----------
"What's funny?" sabi ni Jared na siyang ikinabigla ko. Anlamig kasi at the same time ang soft ng boses niya.
"Nakakatawa kasi ang message ng bestfriend ko. Binanatan kasi niya ng hugot lines ung cashier sa Mcdonalds."
"Is she the one who always sit with you at lunch?"
"Oo, iyong magandang kasama ko."
"What did she say?"sabi naman nito.
"Papabasa ko sayo mamaya kapag hindi kana nagddrive." sabi ko sa kanya.
"Napapansin mo pala kami?" dugtong ko.
"Yeah, bakit naman hindi? Lagi niyo kasi inaagaw ang favorite spot namin sa cafeteria." sabi nito na may halong pagbibiro.
Hindi ko mapigilan ang medyo magblush.
"You're cute when you blush."saad nito.
Hala! Ano ba yan. Tuluyan na akong nagkulay kamatis. Kinikilig ang lola mo.Ayiihhhh. Napatingin tuloy ako sa may paanan para hindi niya mapansin ang kulay pula kong pisngi.
Gusto kong sampalin ang sarili ko at kastiguhin na ang mga katulad ni Jared ay suntok sa buwan para sa isang mahirap na kagaya niya. Hindi ako bagay sa kanya.
"We are almost there. "dugtong nito kaya napilitan akong tumingala.
Bumulaga sa akin ang isang mala-mansyong bahay. Woooooowwww!!! I didn't know na ganito kayaman sina TJ.
"I know. It's really big. Wow talaga." sambit nito. Napalakas pala ang pagsabi ko ng wow. Akala ko sa isip ko lang.
"Hindi ko alam na ganito sila kayaman."
"TJ's family own a chain of hotels around the globe kaya hindi nakakapagtaka iyan. Sa aming tatlo, siya ang pinakamayaman."explain naman nito.
"Okay lang kaya na kasama ako?"
"You heard him right? pwede akong magsama ng girls."sagot naman nito. Doon ko naisip na ilan na kaya ang babaeng sinama ni Jared everytime pupunta siya kina TJ. Parang may kirot sa puso ko. Mga 100 na karayom lang.
Travis POV
Those stupid guys are late. I'll definitely kick their ass pagdating nila. It is already 7PM. Mabuti nalang at well lighted ang mga recreational activity location dito sa bahay at kahit gabi na ay hindi masyadong madilim.
"TJ, help your dad in the court." Tawag ng mommy ko.
"Badong can help him. I'm still doing some stuff ."
"What was that anyway." tanong nito habang dumudungaw sa window sa may kusina.
Nasa garden kasi ako at hinahanda ang mga balloons na gagamitin namin mamaya. Mabuti nalang at friday na, not that it matter if its another day.
"Stuff???." Matipid na sagot ko.
"For what?"
"You'll find out later Mom."sabi ko na may pilyong ngiti sa labi.
"TJ, your troops are here."sigaw ng sister kong si Cherry.
"Coming!"
The first one who arrived was Arthur. He is wearing a white shirt together with brown shorts na tinernuhan ng white converse. He is also wearing a brown Oakley cap. I saw his black Audi A6 na nakapark sa tabi ng aking red Lamborghini Aventador.
"TJ!!! Wazzup dude!" We did the fist bump thing.
"You're late. I thought we agreed na pupunta kayo dito ng 6pm. It is almost dinner."
"Nagpaganda pa muna kasi ako."sabi nito sabay touch sa face niya na parang bading.
"Sira! Dahil sa kagagawan ninyo kanina pa ako kinukulit ni Cherry. Alam niyo naman kung gaano ka handful ang ate kong iyong."reklamo ko sa kanya.
"Relax. Andito na ako. At nasaan ang maganda mong ate para makapag good evening naman ako."sabi niya.
"Nasa library siguro iyon. Nasaan na ba si Jared? Never pa siyang na-late sa mga friday games natin."
"Ohhhh he'll be here in a minute." eksaktong pagkasabi noon ay may biglang bumisina sa harap ng bahay.
Jared emerge from the driver's seat of a white Lexus and went to the passenger seat and open it. Curiousity got me.
Hindi maipinta ang reaction ko ng makita ang babaeng kasama niya. A creepy smile crept on my face. This is going to be a really interesting evening.
BINABASA MO ANG
My LOVELY Game
Novela JuvenilPara kay Bianca, ang kahirapan ay hindi dahilan para makapagtapos ng pag aaral. Sa loob ng apat na taon na-maintain niya ang pagiging iskolar sa St. Therese Academy. Isa itong pribadong school na tanging mayayaman at makapangyarihan pamilya lang ang...
