Chapter 18: Under The Rain Girl

706 21 0
                                    

[Troy's POV]

Ang lakas ng ulan..

"May bagyo ba?" tanong ko habang sumisilip sa bintana

"I don't know" sagot ni AJ

"Stupid butlers!" tawag ni Lady Snow

Why does she keeps on addressing us in that name? =_____="

"Bakit po?" tanong ni Jun

"Wala ng stock na Coffee at noodles. Bili kayo" utos niya

I raise my hand.

"Ako na lang" sabi ko

"Sige, use my car" sagot ni Lady Snow sabay hagis ng susi sa akin.

Pumunta ako sa isang convenience store para bilhin lahat ng pinapabili ni Lady Snow. Binuksan ko na yung payong saka lumabas ng convenience store.

Busy ako sa pag-lalagay ng mga pinamili ko sa kotse ng mapansin ko ang isang babae na nag-lalakad sa gitna ng ulan. Basang-basa na siya at walang dalang payong kaya nilapitan ko siya at pinayungan.

"Miss okey ka lang? Wag ka mag-paulan baka mag-kasakit ka" sabi ko

Tinitigan ko siya. Humihikbi siya? So.. Umiiyak siya?

"Bakit? Bakit niya ako iniwan?" sabi niya habang nakayuko.

Unti-unti niyang inangat mukha niya kaya nag-titigan kami sa isa't-isa.

"Miss, tara silong muna tayo" sabi ko

"Can I kiss you?" tanong niya

"Ha? An-"

Bago pa ako matapos sa pag-sasalita, bigla niya akong niyakap sa leeg saka biglang hinalikan.

Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang dala kong payong. Kaya pareho na kaming basa at nasa ilalim ng ulan.

Her kiss is so sweet..

Niyakap ko siya palapit sa akin and I kiss her back. Nang naramdaman kong tumigil na siya sa pag-halik sa akin binitawan ko na siya. Pag-kabitaw ko sa kanya agad siyang tumakbo palayo sa akin.

Habang ako... naiwang mag-isa sa gitna ng ulan.

Who's that girl?

*RINNNGGGGGGG*

Nag-balik ako sa realidad.

*incoming call.. Anthony*

"Yes?"

"Asan ka na? Beast mode na si Lady Snow kasi ang tagal ng kape niya" sabi ni Anthony

"Pauwi na ako" sagot ko sabay pasok sa kotse.

~

"Lady Snow, ito na pinabibili mo. Sorry kung natagalan ako" sabi ko sabay abot ng mga pinamili ko

"It's okey. Bakit basang-basa ka? Diba may payong kang dala?" tanong ni Lady Snow

Can I kiss you?
Can I kiss you?
Can I kiss you?

Her voice keeps on echoing in my head.

"Ah.. I met a girl then.. she suddenly kissed me sa sobrang gulat ko nabitawan ko yung payong" sagot ko.

I can't lie to her. She need to build up her trust to other people again.

Tumaas isang kilay niya.

"You met a girl?!" Nagtatakang tanong Lady Snow

"And she kissed you?" dugtong ni AJ na binigyan ng kape si Lady Snow.

"Yeah, then she left" sagot ko

"Aggressive" biglang sabi ni Lady Snow habang umiiling

"I don't think so, she looks so problematic" sagot ko

"And let me guess, you kissed her back didn't you?" pang-aasar ni Romeo

O////////O

"You blushes! HAHAHA!" tawa ni Jun at Zaffa

Umiwas ako ng tingin.

"Y-Yeah"

"How did you know?" tanong ni Lady Snow kay Romeo.

"Instinct of a Casanova" sabay na sagot ni Romeo at Anthony sabay kindat kay Lady Snow.

Bigla akong inakbayan ni Prince.

"So how's the kiss?" tanong ni Prince na may malisyosong ngiti

"Ah.."

Inakbayan ako ni Anthony.

"Don't you dare tell lies to us" banta ni Anthony

"I love it. And I want to kiss her again" nakangiti kong sagot

"I'm sure mag-seselos si Kristine nito" biro ni Romeo

"HEY! SHE'S MINE!" sigaw ni Zaffa

Nilingon siya ni Romeo. "Bakit? sinagot ka na ba?"

Napayuko si Zaffa. "Hindi pa"

Tumawa kaming lahat.

"Stop it guyz" saway ko sa kanila

"HOY TROY! TANDAAN MO SA AKIN LANG SI KRISTINE!" sigaw ni Zaffa sabay turo sa akin

"Sige, ang tanong gusto ka ba niya?" pang-aasar ko

"WAHAHAHA!" tawa naming anim

"Bakit ba ang sama niyo sa akin?
(━┳━ _ ━┳━)" iyak ni Zaffa

I pat his head.

"Kidding. Of course she's yours" sagot ko.

Napatingin ako sa ulan na patuloy pa din sa pag-patak.

Sino kaya yung babae kanina? Makikita ko pa kaya siya?

Snow White And Her Seven ButlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon