[Snow's POV]
Blurry images welcome me as I open my eyes. Did we survive? Am I still alive?
"Omaygad Cess!!!!"
"Gising na si Lady Snow!"
"Apo ko!"
Pinalibutan nila akong lahat sa hospital bed ko. I'm so glad to see them. Bumangon ako at umupo. I wiped Nana's face. She's crying.
"Tahan na po. I'm now safe" nginitian ko siya at nakakatuwa ng makita kong nanlaki ang mga mata niya sa gulat at agad akong niyapos.
"Ngumiti ka! Ngumiti si Lady Snow" masaya niyang sabi at saka dahan dahang lumayo. Lahat ay sobrang shock sa nakikita nila. Malamang iniisip nila epekto ito ng kidnapping serye but no. The credits all goes to Prince. And speaking of him.
"S-Si Prince?"
Hinawakan ni Lolo ang kamay ko "Nasa kabilang kwarto siya. Okey na siya"
Napahinga ako ng maluwag. Nakita kong naiiyak na nakatingin sa akin sila Dad at Kuya. Cynthia is also here with Irene, her mom.
I guess its the perfect moment to forgive and forget. I smiled at them na ikina gulat nila.
"Mukhang gusto mo silang makausap, sige maiwan muna namin kayo" sabi ni lolo at isa-isang nag-silabasan ang iba.
"Ayos ka lang ba.... princess?" Panimula ni Kuya
Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. He use to call me Princess before and he is my first prince charming and... and... I miss him so much.
"I'm so sorry Princess" bulong ni kuya
Hinawakan ni Cynthia ang kamay ko na umiiyak na din "I'm so sorry. I hope we can be good friends"
I smiled at her " Or sisters?"
Napangiti si Daddy. "R-Really?"
"Pinapatawad ko na kayong lahat. Let's all start again. As a family?" I said and they all nod.
Nag-group hug kami kasama si Tita Irene. Puno ng luha ang mga mga mata namin pero lahat kami ay masaya.
This is probably the best feeling. Watching things finally fall into place after watching them fall apart for so long.
Lumabas na sila sa hospital room ko. Pahiga na sana ako ulit ng pumasok si AJ. Hindi pa pala kami nakakapag-usap ulit.
"Hey..." para siyang nag-aalangan
Umupo siya sa tabi ko. The dark circles on his eyes are the signs that he was so worried about my abduction.
"AJ..." hindi ko alam kung saan mag-sisimula
"He made you smile, isn't it?" Kahit nakangiti siya kita sa mata niya ang lungkot
Napayuko ako dahil ayokong makita siyang nasasaktan "I'm sorry"
Inangat niya ang ulo ko at pinunasan ang hindi ko napansing luha "Don't be. Masaya ako na napasaya ka niya. I know he loves you so much and you love him so much too. Ako lang talaga itong may chance na pinakawalan pa"
I hugged him tight "Thankyou for everything AJ. Thankyou"
Tinitigan niya aking muli habang nakangiti sa kanya. He pat my head then walked out of my room.
~
[POV ni Prince]
"Matapos tumawag ni Gomez nag-labas ng pera at siyempre tumawag na din kami ng pulis" kwento ni Do Juancho na nakaupo sa harapan ko.
"Si Lady Snow pala?" Tanong ko
"Hahaha! Alam mo pareho kayo ng tanong ni Snow White ng nagising siya. Mahal niyo nga talaga ang isa't-isa"
Namula ako sa sinabi ni Don Juancho. Masyado ba akong obvious na mahal ko siya? Gadh.
"She's fine"
"Paano niyo po kami nahanap" pag-iiba ko
"The forces of police conduct a search party and they found you hugging Snow. Para mo daw siyang pinoprotektahan sabi ng isang pulis and he's right. Walang masyadong galos ang apo ko maliban sa napilay niyang paa but you broke your arm" medyo naging malungkot ang boses niya nung bandang dulo na.
Napatingin ako sa nakasemento kong braso. Pati ang tiyan ko na may abs na nasaksak naka bandage na.
"Its nothing as long as I've kept my princess safe" nakangiti kong sagot
"Thankyou Prince. Alam ko ikaw ang dahilan ng pag-babago niya. Nag-kaayos na sila ng pamilya niya and I owe it to you" Don Juancho said
I shooked my head "Hindi lang ako, kundi kaming pitong butlers niya"
"Prince!"
Napatingin ako sa napakagandang babae na nakasakay ng wheel chaur at nasa labas ng hospital room ko.
"Ahem. Sige mag-date muna kayo" natatawang sabi ni Don Juancho at iniwan na kami.
Lumabas ako at tiningnan ang paa niyang nakabandage.
"Oh my god. Nabali braso mo?!" She gasped
"Tumama kasi dito matigas mong ulo" biro ko tapos sinipa niya ako which she later regrets kasi yung pinansipa niya yung may pilay niyang paa.
"Tara punta tayo sa rooftop ng hospital nila!" Nakangisi niyang sabi
I nod then kiss her forehead.
~
[Snow's POV]
Napakasariwa ng hangin dito sa taas. Itinulak ni Prince ang wheel chair ko papunta sa dulo para makita yung buong view ng city mula dito sa taas. Umupo kaming dalawa sa isang bench na nakaharap sa napakagandang City view.
"I think this is our first relationship goal" sabi niya
"Ang alin?" Tanong ko
Tinuro niya naka cast niyang braso at nakabenda kong paa na hindi ko namalayan na may pilay pala ako.
"One of a kind relationship goals" natatawa kong sabi
Natigil ako sa pag-tawa at napatitig sa napaka gwapo niyang mukha.
"What?" Tanong niya ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya
Umiling ako habang nakangiti "I just want to say thank you for reminding me what butterflies feels like"
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang dulo ng ilong ko. "I didn't really mean to fall inlove to an Annoying White Lady, but you made it so easy"
Magka dikit ang mga noo namin at amoy na amoy ko ang mint flavored na hininga niya.
"I love you Snow White, ayoko nang mahiwalay sa iyo" he said while his eyes close
Napakasincere ng pagkakabitaw niya ng mga salita niya. At juske yung lips niya na sobrang lapit na sa akin nakakatempt halikan.
"I love you too, Prince. Thankyou for leading happiness back to me"
He open his eyes then grinned like an idiot "ito na ba yung part na hahalikan kita?"
We both chuckled and before I knew he claimed my lips and kiss it sweetly. We kiss as the wind blows. We kiss as the sun shines happily above us.
Something tells me I'm gonna love this man forever. I will remember this day. The day where the once bitchy Snow White gain her golden her heart again all because she finally found her Prince.
BINABASA MO ANG
Snow White And Her Seven Butlers
Teen Fiction[C O M P L E T E] People say follow heart. But which way will you go when your heart breaks into two?