Chapter 40: Mikky

552 9 0
                                    

[Snow's POV]

I keep on staring at the rotating washing machine. I crack my neck. Nakakapagod maglaba but I am surprisingly enjoying it. Napaangat ako ng tingin ng pumasok si Nana Sepin.

"Tumawag ang lolo mo" bungad nito

"Anong sabi?"

"Kinakamusta ka" some of her wrinkles showed up as she smiled at me.

"Nasaan na ba siya?" Binuksan ko na ang washing machine para kunin yung nilalabhan ko.

"Nasa Singapore pa siya ee"

Sabay kaming napalingon ng malakas na bumukas ang pinto.

"S-Sorry. Aling sepin, may tawag po kayo sa telepono" wika ni Prince kaya umalis na si Nana.

"May balak ka bang sirain yung pinto?!" Tinaasan ko siya ng kilay

"Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya. It caught me off guard. I cleared my throat.

"Ikaw?" tanong ko

"Hindi pa din"

"Kasi hindi pa din ako kumakain?" I teased

"Assumera ka"

"Defensive"

Nang natapos banlawan ang nilalabhan ko inilagay ko ito sa dryer.

"Wanna come with me tomorrow?" Tanong niya

I glance at him once then at the dryer.

"Are you asking me out?" I bit my lip. I am actually supressing a giggle and I don't fucking know why.

"HINDI NOH! PAPASAMA LANG AKO SA PUPUNTAHAN KO" sigaw niya

Tiningnan ko siya at napangiwi. He's red as a bloody tomato. Napansin niyang nakangiwi ako kaya napatingin siya sa isang salamin. His eyes widened then storm out the laundry room.

Stupid frog.

~

Pagkatapos kong mag-laba nag text ako kay Prince na umakyat sa rooftop.
Galing ako ng kusina ng makasalubong ko si Nana Sepin.

"Bakit ang dami mong dala?" Tanong niya. Napatingin ako sa hawak kong tray na may laman na cup noodles, can ng red horse at Kopiko 78.

"Kakain kami ni Prince sa rooftop" sagot ko at nilagpasan na siya. Pag-akyat ko sa rooftop agad kong isinara ang pinto.

Inilapag ko sa maliit na coffee table ang tray. Nakaupo naman si Prince sa carpet at nakatingin sa dala ko.

"Bakit ka may dalang pagkain?" Kunot noong tanong niya

"Kasi sabi mo hindi ka pa kumakain kasi hindi pa din ako kumakain" sagot ko habang kinakain na ang noodles ko

"HINDI KO SINABI Y-"

Binato ko siya ng lata ng redhorse sa mukha -_______-"

"Tss" yan na lang ang naisagot niya

"Saka baka magka ulcer ka pa ako pa sisihin m-"

"SABING DI AKO KUMAIN KASI BUSOG PA AKO AT HINDI DAHIL HINDI KA PA K-"

Lumanding sa mukha niya muli ang lata.

"WAG MO AKONG SIGAWAN!"

"ANNOYING WHITE LADY!"

"STUPID FROG!"

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Natigilan kaming dalawa sa pagsisigawan. May kumakatok sa pintuan. Medyo sumuksok ako sa tabi niya. Ang alam ko wala ng gising ngayon.

Snow White And Her Seven ButlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon