Chapter 47: Sign

459 9 0
                                    

[POV ni Prince]

Gabi na at natutulog na ang lahat nang makaramdam ako ng gutom. Lumabas ako ng quarter at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng dalawang piatos at umakyat sa rooftop. I ripped the piatos and ate it.

Hindi maalis sa isipan ko ang pagyakap ni Lady Snow kay AJ. Hindi naman talaga kami magkasundo ni Lady Snow kaya bakit nahulog ako sa kanya? Oo maganda siya but there is something that keeps me on falling to her.

Nabasag ang katahimikan ng marinig kong bumukas ang pintuan.

"Waah-- Stupid frog? Anong ginagawa mo dito?" Lumapit sa akin si Lady Snow at inagaw ang isa kong piatos.

-_______-"

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko nakapajama pa siya na hello kitty ang design.

"Hindi ako makatulog. Dito ako napunta pag hindi ako makatulog" she said while munching chips

"Look" she pointed the clusters of stars shining right above us.

"That's my favorite constellation, Orion"

I looked at her "I didn't know you adore constellations"

"Nasa lesson namin sa science kasi yan. Nagustuhan ko kaya gabi-gabi natambay ako dito dala ang isang libro tungkol sa mga constellation." Sagot niya

"Okey na pala kayo ni AJ?" Tanong ko

"Well pinatunayan niyang mahal niya ako and I find no reason not to forgive him"

I scoffed after hearing her answer "So kailan mo siya balak sagutin?"

"Soon. May kailangan pa akong sagutin na kaguluhan sa isip ko" after looking at the stars she divert her drowning stare to me.

She's really a goddess. Her face is perfect... nose that is well chiseled, eyes that shimmer like stars and soft lips.

"May tanong ako Prince"

I blinked "Ano yun?"

"Nung naglaro tayo ng spin the bottle, ang dare sa iyo ni Romeo ay magconfess na as if kaharap mo yun babaeng mahal mo. Nagawa mo na ba?"

Anong isasagot ko? Paano ka sasabihin na hindi ko magawa ang dare kasi may nauna na? May nauna ng mag-tapat sa taong mahal ko?

"Hindi pa" tipid kong tugon

"Ako ba iyon?"

I froze on my spot. No single muscles on me moved. I looked at her. Her face is so serious.

"Paano mo naman na sabi na ikaw yun?"

"Prince can you do me a favor?"

"Ano namang favor?"

"Kung hindi ako ang babaeng iyon sabihin mo na ngayon sa pagmumukha ko. Kasi... nalilito na ako. Ayoko nang umasa" sagot niya

The light in her eyes turned into teary. She is supressing her tears.

"Lady Snow..."

"Naguguluhan na ako mung sino ba talaga ang mahal ko. Kung si AJ ba o ikaw. Kung sasabihin mong assuming lang ako malaking tulong yun"

"Ako ba ang gumugulo sa pag-sagot mo kay AJ?"

"Oo"

Kung ganon may nararamdaman din pala siya sa akin. Kung sabihin ko din kaya na mahal ko din siya? Hindi pwede. AJ will be hurt. He is like a brother to me and I know he love Lady Snow so much.

I took a deep breath "Tama ka. Hindi ikaw ang babaeng tinutukoy ko sa confession. Hindi kita kailan man magagawang mahalin. Napakalayo mo sa ideal girl ko. I don't love you and I'll never" I smirked "Sagutin mo na si AJ, you are perfect for each other"

Snow White And Her Seven ButlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon