[POV ni Prince]
Itong kwento na ito, alam kong narinig ko na ito. Patakbo akong lumabas ng library ni Don Juancho. Pumunta ako sa kwarto ni Lady Snow ngunit bukas ito at walang tao sa loob. Nasa baba sila Sir Dante at Daniel kaya alam ko hindi siya bababa. Isang lugar lang ang pupuntahan niya...
Ang rooftop.
~
Pagka-akyat ko nakita ko siya na nakaupo sa railings. Katabi niya ang isang mug ng kape.
"Wala ka naman sigurong plano tumalon diba?" Biro ko ng maupo ako sa tabi niya.
"No, but I plan on pushing you" sagot niya habang nakatingin sa kawalan.
"Nung na trap tayo sa lab... yung kinwento mo sa akin dati... it was your story right?"
I know why it sounds familliar. Kasi ikinuwento na niya ito sa akin ng hindi ko nalalaman.
"Siguro sinabi na sa inyo ni Lolo" humigop siya sa kape niya
"Yeah... lahat yun totoo maliban sa suicide thing diba?" Tanong ko and finally nilingon na niya ako. Napakalungkot ng mukha niya. Pulang-pula ang mga mata niya marahil sa kakaiyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka wasak. Siguro sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.
"Lahat totoo. Ilang beses ko ng tinangkang mag-pakamatay. Halos araw-araw nasa hospital ako nagigising. But nung last attempt ko umiyak si Nana sa harapan ko. And then I fucking promise that I will never do it again. Sana hindi na lang ako nag-promise, kasi ngayon gusto kong tumalon dito. Prince... after so many years the wound is still fresh"
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I heard her sniff hanggang sa humagulgol na siya. Ramdam ko ang sakit na dinadamdam niya.
"Bakit nila ako nagawang iwan? Hindi ba nila alam kung gaano kasakit lahat? Bakit hindi man lang nila naisip na nasasaktan din ako? Ang sakit sakit... ang sakit sakit"
Hinaplos ko ang buhok niya habang patuloy siya sa pag-iyak. Mali yata ako ng impression sa kanya. She build walls to protect her fragile heart and leave it there to face the cruel world. Kahit gaano siya kagaling na ipakitang hindi siya apektado pero yung kawawang puso niya tinatawag pa rin siya.... hinahanap pa rin siya.
"I'm sorry kung hinusgahan kita. I didn't know what you've been through...."
Inilayo ko siya sa pag-kakayakap para titigan ang mukha niya.
"Hindi kita iiwan Lady Snow. Pangako yan kaya wag ka nang umiyak"
I wiped her tears and hugged her again.
"Galit na galit ako sa kanila Prince" sabi niya habang nakakuyom ang mga palad niya sa sobrang gigil.
"Pitong taon na ang lumipas Lady Snow. Panahon na para pag-hilumin ang mga sugat. Kausapin mo sila, pakinggan mo mga sasabihin nila. Kasi sa tingin ko ito ang magiging solusyon ng mga problema mo"
Hinawakan ko ang nakakuyom na kamay niya. I open her palm and intertwined my hand on hers. I saw her lonely face soften. Ang makita ang taong mahal na mahal ko ng sobra na umiiyak dahil sa pag-ibig at pamilya ay napakasakit din sa akin. Naramdaman ko ang init ng kamay niya. Yung puso ko parang mababaliw na sa sobrang bilis ng pagtibok.
Snow White Ferrer...
~
[Snow's POV]Iniwasan kong bumaba at ikinulong ang sarili ko dito sa kwarto ko. Nawawalan na din ako ng gana kumain pero lagi akong hinahatidan ng pagkain ng mga butlers ko minsan si Troy minsan si Jun madalas si Prince. Gustong makipag-usap ni AJ ngunit iniiwasan ko pa rin siya. Masyado ng maraming stress na dumarating. Minsan gusto kong laslasin na naman pulso ko pero hindi ko naitutuloy dahil naaalala ko si Nana.
BINABASA MO ANG
Snow White And Her Seven Butlers
Teen Fiction[C O M P L E T E] People say follow heart. But which way will you go when your heart breaks into two?