Chapter 52: Warmth on this Stormy Night

578 9 0
                                    

[POV ni Prince]

"I've hurt her again" malungkot na sabi ni AJ habang nasa loob kaming pito ng quarter.

Ang totoo gusto ko siyang sapakin dahil sa ginawa niya kay Lady Snow pero alam kong hindi ito makakatulong sa sitwasyon.

"Dude, we know Cynthia is damn hot pero gago ka ba? May nililigawan ka na!" Sabi ni Romeo, waw yung nag-babagong buhay na Casanova nagbibigay ng love lesson -___-

"Sinabi ko na sa inyo si Cynthia ang humalik--"

"But you responded to her kisses" I glared at him

"Wow. How did you know Prince?" Manghang tanong ni Anthony

I shrugged. "Hula ko lang. But base on AJ's reaction I'm right."

He smiled apolegitically at me. He's not that kind of man of course but Cynthia messed him big time.

Sabay kaming lahat napatayo ng malakas na bumukas ang pinto at iniluwa ang Kuya ni Lady Snow.

"S-Sir Daniel" bati ni AJ kay Daniel na hinihingal at tagaktak ang pawis.

"S-Si Snow White nawawala, 8 p.m. na at wala pa din siya. Help us find her" sagot ni Daniel kaya dali-dali kaming lumabas patungo sa sala.

Nag-aalala na ang lahat at si Nana Sepin ay umiiyak na. Tinawagan na ni Romeo si Cindy kung kasama niya si Lady Snow ngunit wala. Tinawagan na ni Don Juancho lahat ng classmates namin ngunit bigo ito.

"Let's go out. Mas madali natin siyang mahahanap kung nag-hihiwalay tayo" suggestion ko kaya nag-silabasan na kaming lahat. Pati sila Colline, Kristine at Cindy ay tumulong na. Pinuntahan ko na lahat ng malapit na coffee shop pero ni anino ni Lady Snow ay wala.

Napahampas ako sa noo ko. Nasaan ka na ba Lady Snow?! Nag-aalala na ako. Alam kong wala sa ugali ni Lady Snow na takasan ang problema but she's in her vulnerable state. Kinuha ko ang itim na maskara sa bulsa ko. Darating ang tamang moment kung kailan maaamin ko sa iyo na Mahal na mahal kita. Ibinalik ko sa bulsa ang itim na maskara ko.

At sa kamalas-malasan nga naman ay biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Sumilong muna ako sa isang waiting shed.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko ng nakitang si Lady Snow ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"P-Prince"

"Lady Snow?! Ayos ka lang ba?! Bakit ganyan boses mo?"

Para siyang nanginginig at rinig ko sa kabilang linya ang malakas na pag-buhos ng ulan.

"L-Listen. Gomez inc. Kinidnap ako... please help me---"

"HOY SINO YANG KAUSAP MO?!"

"AAAAAAAAAAHHHHHHH"

"LADY SNOW!" ngunit naputol na ang linya

Kinidnap si Lady Snow?! Gomez inc?! Ang alam ko nabaliw na may-ari nun ah!

"Prince!" Napatingin ako kay Aldren na nakasakay ng motor

"Aldren, nakidnap si Lady Snow. Pwede ko ba hiramin ang motor mo? I need to save her!"

Hindi ko na hinintay siyang sumagot. Itinulak ko na siya pababa at humarurot palayo. Gomez inc is located on the far end of this town. Kaya bumagsak din ito dahil itinayo sa malayong bahagi ng siyudad. Ewan ko kung bobo or tanga lang talaga si Mr. Gomez.

Paano nila nakidnap si Lady Snow? Siguro sinamantala nila na nagkakagulo sa mansion para maisagawa ito. Damn! Malamang sinasaktan na nila si Lady Snow at hindi ko sila hahayaan.

Snow White And Her Seven ButlersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon