- 2 : A -

539 28 36
                                    






• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Rowan x Ninette }

• ────── ✾ ────── •



Alam naming kami na ang para sa isa't-isa.

Tawagin niyo na kahit ano—Tadhana, kalkulasyon, o tali ng mga desisyon ngunit alam ko na. Alam kong anuman ang kahihinatnan ng buhay ko, sa kanya ito magtatapos.

Noong una ko siyang makita, ang batang babaeng biglang dumating sa nyebe habang kami'y naglalaro—nakilala ko agad ang kalungkutan at misteryosong takot sa likod ng mga mata niya. Tulad na tulad ng akin. At alam kong pareho kaming naghahangad na mahanap ang mga sagot sa sariling mga tanong at kasiyahan pagkatapos ng padurusa. Ayokong aminin noon, ngunit si Ninette ang alam kong bubura sa lahat ng sakit na nadarama ko.

"Mahal ko," bulong ko sa kanya noong gabi pagkatapos ng aming kasal, haplos ang gilid ng kanyang mukha. "Ayos lang ba 'to sa'yo? Ang... makasama ang tulad ko habambuhay?"

Umikot siya sa pagkakahiga sa kama at nanghihinang tumingin sa'kin gamit ng mga malamlam na mga mata. Ngumiti na tila kahibangan ang aking tinanong at gamit ng mga daliri ay hinawakan ang aking mga labi. "May magagawa pa ba ako," bulong din niya. "kung ngayo'y akin ka na?"

"At akin ka na," humalik ako sa kanyang noo. "Para mahalin, protektahan at bigyan ng saya hanggang kamatayan." Pinunasan ko ang mga luha niya. Ninette, hindi ka na magagalaw ng iba. Hindi ni Val o kahit sino. Pinatay ko na ang halimaw na iyon. At hindi ko iyon pinagsisisihan ni isang segundo. "Hindi ka na masasaktan, pangako."

Noong gabing iyon, pareho kaming tumigil na hinahabol ang hininga. Ang aking mukha ay nakabaon sa kanyang balikat habang yakap niya ang pawisan kong katawan. Pinuno ko siya ng halik at inangkin siya ng buo. Pinakalma niya ako gamit ng matamis na boses, mga kamay ay nasa aking buhok. Nakakamangha—ang mapuno ka ng ganitong kapangyarihan dahil sa pagmamahal. Ibinigay niya sa'kin ang lahat at ibinigay ko rin ang akin. At nakatulog kami habang siya'y balot sa aking yakap sa ilalim ng mga kumot. Ligtas, mainit at buhay.

"Mahal na mahal kita, Rowan." bulong niya sa kanyang tulog.

Pinigilan kong maiyak. Hindi na ako mag-iisa. Mula ngayon, hindi na uli.



• ────── ✾ ────── •



Noong naging Pinuno ako ng Konseho sa pamamahala ni Haring Lax, naging masyado akong abala para umuwi nang madalas sa Rena. Alam kong maraming trabaho at sa telepono ko na lang nakakausap si Ninette noong mga panahong iyon. "Sigurado kang ayos ka lang? Baka nagpapagod ka na masyado," alalang sabi niya.

Ngumiti ako kahit hindi niya makikita. "Ayos lang ako." Ngunit umiling ako at naging totoo sa sarili. "Pero sa totoo lang, nalulungkot ako. Hinahanap ko ang luto ng asawa ko."

Paraisla iii: KalayaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon