• ────── ✾ ────── •
K A L A Y A A N
{ Yohan x Eufy }
• ────── ✾ ────── •
Ako.
Ang asawa ko.
At ang batang nasa gitna naming dalawa.
Tatlo kaming naglalakad ni Eufy sa mataong pamilihan ng Dana.
Hawak namin ang maliliit niyang kamay; ang kanyang maikling buhok ay nakapaligid sa kanyang magandang mukha. Ang mga pisngi niya'y namumula sa pag-iyak. Kay lambot ng tingin sa kanya ni Eufy at lalo siyang gumaganda sa aking paningin kapag nagiging ganito ang aura niya. Lalo ko lang siyang minamahal.
"Ina!" sigaw ng bata at kumawala sa aming hawak ni Eufy upang tumakbo sa yakap ng isang nag-aalalang babae.
Tiningnan ko ang asawa ko. At nabiyak ang aking puso nang makita ang nanginginig niyang mga labi. May simangot sa kanyang mukha habang yakap ang kamay niyang humawak sa bata kanina. Agad ko siyang inakbayan.
"Ayan, nahanap na niya ang kanyang ina," sabi ko.
Kumaway ang bata sa amin at ngumiti ang ina nito, saka umalis. Humakbang si Eufy ngunit natigil din sa tangkang sundan sila. Hindi ako makatingin sa kanya dahil ako rin ay nalulungkot. "Sana," bulong ni Eufy. "Sana anak na lang natin siya."
Para akong sinaksak sa puso.
Niyakap ko siya at nagsimula siyang humagulgol sa aking dibdib. Sana'y mapagaan ko ang loob niya ngunit alam kong hindi na iyon gagana sa dalawang taon na inulit ko. Dahil hanggang ngayon, ang mga salitang bibitawan ko ay tila wala nang pag-asa.
"Wag kang mag-alala," bulong ko. "Magkakaroon din tayo ng anak."
• ────── ✾ ────── •
e u f y
• ────── ✾ ────── •
"—YOHAN, WAG!!!!—"
Bumagal ang mga segundo nung sandaling 'yun. Naiputok ko ang baril sa binti ni Yohan dahil hindi, hindi ko siya hahayaang mamatay. Hindi ko hahayaang baliin niya ang pangako niya sa'kin kaya naman, ako ang tutupad sa pangakong hindi niya mapanghawakan.
Bumagsak si Yohan.
Tumakbo ako.
Ngumiti nang malapad si Faron.
Nasalo ko ang bomba.
Ngunit gumalaw na ang kamay ni Faron upang patayin ako. Tagaktak ang pawis, makinang sa dugo na espada, ang daliri ko sa pindutan ng aking kamatayan. Dito ka na magtatapos at ang kasamaan mo.
BINABASA MO ANG
Paraisla iii: Kalayaan
General Fiction𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 | Book #3.5 of Paraisla Trilogy. "Tanggal na ang mga gapos, bukas na ang mga mata. Handa na ang aking mga labi. Palayain mo na." Ito na ang dulo at simula ng panibagong kabanata. Special Content and Last Novelette ng Paraisla. - G...