- 8 : N -

410 23 24
                                    






• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ ??? }

• ────── ✾ ────── •



Nasa tamang lugar na ang lahat.

Papasikat na ang araw, hudyat ng bagong araw.

Tahimik ang dalawang kwarto. Ang isa'y kulay rosas ang dingding, isang piano sa sulok, ang kabinet ay nililinyahan ng mga medalya at tropeyo sa kompetisyon pati na ng mga korona sa pagandahan; ang isang kwarto nama'y asul ang dingding kung saan nakasabit ang mga frame ng medalya, makalat ang sahig sa komiks at sa tokador nakatayo ang mga tropeyong nakuha sa mga laro at pagtugtog.

Tumunog ang alarm sa pareho. Sabay na gumising ang dalawang babae habang sa kabila naman, hinagisan ng lalaki ang kanyang kakambal ng unan. Sa bahay ng dalawang babae, amoy ang pritong itlog at karne habang sa kabila ay tumunog ang toaster.

Sa unang bahay: "Sabay na tayong maligo, Eris?" / "Lia, yung twalya ko."

Sa kabila: "Oy, Yuan! Dalian mo naman! 'Yung pantog ko!" / "Naliligo pa 'ko, Eugh!"

Tumawag ang kanilang mga ama mula sa paanan ng hagdan.

Earl: "Mga prinsesa ko! Kakain na ng almusal!"

Yohan: "Oy, nag-aaway nanaman ba kayo dyan ha? Kumain na kayo dito!"

Unang lumabas mula sa banyo si Lia, suot lang ang twalya at sa kabilang bahay, lumabas na rin si Yuan na suot na ang pantalon pang-akademya ngunit walang pantaas. Tinampal ni Eugh ang braso ng kakambal at nayayamot na pumasok sa banyo. Dumako ang tingin ni Yuan sa bintana na katapat ng bintana ng kabilang bahay at nagkrus ang tingin nila ni Lia.

Lia: ..................

Yuan: ..............

Lia: "Ahh!!"

Marahas niyang hinawi ang kurtina pasara habang tumatawa naman si Yuan. "Ayan kasi," bulong niya.

Nang makapagbihis na silang lahat ay bumaba na sila sa hagdan. Ang kambal na babae ay maayos at nagkekwentuhan tungkol sa panaginip habang ang kambal na lalaki ay nagsasagutan at nag-aasaran.

"Ina!" bati ni Lia at Eris kay Lianne, na nakaupo na sa mesa. Humalik sila sa magkabilaang pisngi ng babae.

"Mga anak ko," Kinapa ni Lianne ang mukha ng dalawang anak at nangiti habang pinagmamasdan sila ni Earl. Napakalayo na ng narating namin, isip niya. Nang akala ko'y nawala na siya sa'kin ay nagkaroon ng himala.

Tumibok muli ang puso ni Lianne nung sandaling lumabas si Earl sa silid. Pinagpatuloy ni Adam ang operasyon. Ngunit dahil sa mataas na lagnat na nakamit niya doon ay nawala ang paningin ni Lianne. At tulad ng hiniling nila, nagkaroon sila ng kambal na babae.

Paraisla iii: KalayaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon