• ────── ✾ ────── •
K A L A Y A A N
{ Christmas special Pt. 1 }
• ────── ✾ ────── •
• ────── ✾ ────── •
l i a
• ────── ✾ ────── •
"Magpalit ka."
Sinamaan ko ng tingin ang aking ama. "'Tay naman eh. Ayos na 'to."
"Ay, hindi! Hindi kita papayagang ipaglantaran ang mga hita mo ng ganyan." Nakapameywang pa siya habang nakatingin sa shorts ko. Si Eris naman ay nasa tabi ko, pilit tinatago ang ngiti. Palibhasa, naka-leggings siya kaya hindi napansin ni ama. Pero ako... "Tsaka malamok ngayong gabi sa labas. Pa'no pag nangati ka? Pa'no na 'yung sasalihan mong pagandahan sa susunod na linggo?"
Kinuha ni Eris ang hawak na plato ng karne mula kay ama. "Mabuti pang dalhin ko na 'to kay Eugh."
Pinandilatan ko siya. Iiwan mo talaga ako dito?! Kumindat lang siya. Aba't—Traydor ka talaga, Eris! Tumango si ama. "Tama, para maihaw na ang mga 'yan."
"Opo, 'Tay." mabait na sagot ni Eris saka ako binelatan nang nasa pinto na siya.
Sumimangot ako. "Ngayon, magpapalit ka na ba?"
Hindi ako sumagot.
"Oh baka ayaw mong magpalit kasi may pinopormahan ka?" Agad naman akong napatingin. "Sino 'yan, ha?"
"Wala po ah! Gusto ko lang—"
At tila dininig ng mga diyos ang panalangin ko nang dumating si Ina sa pintuan. Tumakbo agad si ama sa kanya upang alalayan siya dahil hindi na siya nakakakita. "Ingat lang, Lianne."
Minsan, naiinggit na lang ako sa pagmamahalan nila eh. Kahit na ganyan na ang kalagayan ni Ina, hindi pa rin nagsasawa si ama sa kanya. Bagkus, lalo lang silang tumatag. At kung magharutan ang dalawang iyan, daig pa si Eris at Eugh.
BINABASA MO ANG
Paraisla iii: Kalayaan
Aktuelle Literatur𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 | Book #3.5 of Paraisla Trilogy. "Tanggal na ang mga gapos, bukas na ang mga mata. Handa na ang aking mga labi. Palayain mo na." Ito na ang dulo at simula ng panibagong kabanata. Special Content and Last Novelette ng Paraisla. - G...