- 6 : A -

549 18 50
                                    






• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Earl x Lianne }

• ────── ✾ ────── •


Alam ko.

Alam ko na ang kamatayan na sinasabi niya noon.

"Ano, susuko na ba kayo?" tanong ni Timothy at Stella. Puno ng dugo at kamatayan at sigaw ang paligid. Impyerno. Isang malagim na impyerno.

Hinarap ako ni Lianne at niyakap nang mahigpit. "Lianne—"

"Magtiwala ka," bulong niya habang umiiyak. "Kamatayan ang magpapalaya sa'tin."

"Ano bang sinasabi mo?"

Pero hinigpitan niya lang ang yakap sa'kin. "Hindi kami susuko sa inyo," iyak ni Lianne. "Kahit kailan!"

Naaalala ko. Naaalala kong itinaas ni Timothy at Stella ang kanilang mga sandata. Si Stella sa likod ni Lianne. Si Timothy sa likod ko. At inihanda ang pagsugod sa aming dalawa. Magkasama nilang sinigaw ang kanilang pag-lusob kasabay ng paghaplos ko sa buhok ni Lianne.

"Kamatayan," bulong nito.

Mula sa pagkakayakap namin sa sandaling iyon nang sila'y malapit na—Inagaw namin ang ang mga espada sa kanilang kamay, umikot at parang kambal na isda sa tubigan, hiniwa ko ang ulo ni Stella at siya kay Timothy.

Bumagsak ang mga ulo sa sahig, kasabay ng pagbagsak ni Lianne sa kanyang mga tuhod, sakal ang leeg at hinahabol ang hininga. Agad akong umantabay sa kanyang tabi. "Lianne! Anong nangyaya—"

At nakita ko.

Ang mga mata niyang halos umilaw na mga lila. Lila—hindi dilaw-berde. Lumabas ang mga ugat niya sa leeg at pisngi, katakot-takot na laki kesa noon. Bumalot din ang mga ugat sa kanyang mga braso at kamay, binti at tiyak kong buong katawan. Sumigaw siya—isang palahaw ng iyak at tunog na halimaw ang nakakagawa.

"Um...alis...ka na," nahihirapan niyang sabi sa'kin.

"Hindi," hinawakan ko siya sa balikat.

"UMALIS KA NA!" Tinulak niya ako at tumilapon ako sa pader. Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig at nahirapan akong makakita.

Sa isang segundo, naging bangungot ang lahat.

Kaliwa't-kanan, pumatay si Lianne—kakampi man o kaaway—at pinanood ko lahat, namamanhid, habang binabaon niya ang mga daliri sa dibdib at tyan nila, nakangiting kumakagat sa mga leeg at pinupunit palayo ang laman sa kanilang katawan. Nagmamakaawa ang lahat sa kanya, hinihingi ang kanilang mga buhay. Ngunit hindi na si Lianne 'to.

Kamatayan, sabi niya. Naiintindihan ko na. Pinatay niya ang pagiging tao niya para iligtas ako. Pero ang Lianne na narito ngayon ay...

Paraisla iii: KalayaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon