- 2 : #Christmas Special -

125 9 5
                                    










• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Christmas special Pt. 2 }

• ────── ✾ ────── •



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


• ────── ✾ ────── •

l i a

• ────── ✾ ────── •


Simula nang Araw ng Pasasalamat, ang daming nagbago.

Una: Nabuwag na ang samahan ni Eugh at Eris.

Pangalawa: Bawal nang lumapit ang kambal sa'min, ni tumapak sa hardin.

Pangatlo: Hindi na kami nag-uusap ni Yuan. (Hindi naman importante 'to)

Pang-apat: Hindi na rin nag-uusap si Ama at si Tito Yohan. (Mag-uusap din ang mga 'to. Wala na sina Ina sa usapan dahil hindi talaga sila mabubuwag kahit anong mangyari.)

Panglima: Nabaliw na nang tuluyan ang kambal ko.

"Hindi mo ba talaga siya kakausapin?" sabi ni Ina kay Eris.

Gulo-gulo ang buhok, at wala sa huwisyong kumakain ng chichirya, tumango lang si Eris. Napabuntong hininga ako saka inagaw ang kinakain niya. "Lia naman!"

"Ano ba, Eris! Araw-araw na lang may eroplanong papel sa bakuran!" irita kong sabi. "Tsaka lagi na lang akong tinatawagan ni Eugh. Hindi na ako makapagpahinga! Kada minuto, may mensahe siya."

"Edi wag mong sagutin!" sigaw din niya.

"Hindi ka ba nahihiya kay Ina? Siya kaya nagwawalis ng mga papel! Dapat ikaw 'yun eh dahil kalat mo naman 'to." Inirapan ko siya. Ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin at nagyamot na nanuod ng telebisyon.

Paraisla iii: KalayaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon