Chapter 12

159 1 0
                                    

Alvince’POV

        Pumasok si Gavin ng nakangiti. Anyare? Parang si Zoey lang ah. Hmm . haha. Baka dumamoves na ang loko. Haha!

          “Oh napano ka?” tanong ko kay Gavin.

          “Ah Wala. Umamin na kasi ako kay Zoey eh.”bulong niya sakin

          “Tsaka pinayagan niya akong manligawa sakanya pre” Ts.. kinilig pa.

          “Ikaw! Kailan ka aamin kay Danica mo?”tanong niya sakin. Nanlaki naman ang mata ko . (O___________O)

          “A-alam mo?”

          “Halata ka kaya Pre”

          “Oo nga halata ka eh” singit naman ni Kyle sa usapan namin. Kaya sila nakakapag salita ng ganyan kase yung mga girls nasa kwarto na. Kame nasa sala pa nanonood.

          “Tssh!”

          “Kung ako sayo sabihin muna ngayon. Para sabay-sabay tayong umamin. Diba?”Kyle

          “Tsk. “

          “Puro ka Tsk. At ikaw naman Drew. Magpaalam ka na sa Kuya niya. Haha”Kyle

          Bigla namang napalingon saamin si Drew. Nanlaki rin mga mata niya.

          “Haha. Gusto mo kapatid ko Drew? Sige okey lang basta wag mong sasaktan. Pero kapag yan umiyak at ikaw ang dahilan.. Tsk.  Nakahanda na tong kamao ko pare para suntukin ka.” Bilin ni Gavin kay Drew.

          “Oo pre”tipid na sagot ni Drew.

          “Oh ano kayong dalawa kalian kayo aamin? Galaw-galaw na.”Kyle

          Bigla naman kaming napatingin sa lumabas ng kwarto si Shawn, pumunta siya sa Confe . Room. Bigla namang tumayo si Drew. At pumunta sa secret door  papuntang Confe. Room.

          Si Danica naman, lumabas din sa kwarto. Pumunta siya ng kusina. Tumayo ako at sinundan siya.

          “Uhm . Danica!”tawag ko sakanya

          “Ayy, Bading na palaka. Ano ba Alvince. Nakakagulat ka. “

          “Uhm. Hehe. Ang cute mo magulat. Anong ginagawa mo?”

          “Ah. Kumukuha ng pagkain. Bakit may kailangan ka?”

          “Ahh Wala. Kwentuhan lang tayo. Kaboring kausap yung mga yun eh. Hehe” sabi ko sakanya.

          “Ahh. OSige. Uhm tungkol naman saan pagkkwentuhan natin?”

          “ahh. Kahit ano. Uhm buti pa si Kyle noh nakapagtapat na noh?”  

          “Oo nga eh. Haha ang sweet nga niya kay Iya eh. Eto namang si Iya. Pasimple pa .tapos si Gavin daw sabi ni Shawn narinig daw niyang nagtapat na siya kay Zoey eh. hahah.”

          “Ako kaya kalian ako makakapagtapat sa babaeng mahal na mahal ko?”

          “Ehh.? Sino ba yang babaeng mahal na mahal mo?”

          “Ikaw.”

          Bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko.

          “A-anong sabi mo? Ako? “

Gangster  Rivals Turns Into  LOVERS !? (Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon