Encoded Part 1

26 3 0
                                    


Encoded

Jonathan POV

Tumakbo ako punta sa isang room laking gulat ko na nakita ko si phoebe at si venus na nakaupo at may blade na nakalapat sa leeg nila;

"jonathan tulungan mo kami" sabi ni venus

Nilipat ko ang tingin ko kay phoebe nakatitig lang sya sakin at umiiyak.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon na to naiiyak na ako sa sitwasyon ng GF ko (venus) at ang Bestfriend ko (phoebe)

Lalapitan ko na sana sila ng bigla may umilaw, nakita ko ang isang blackboard na may nakasukat siguro clue to para matulungan ko yung dalawa.

Binasa ko to at ang nakasulat

"yatamamam asi yahububam asi awalad as ak ilimam"

Nung binasa ko to hindi ko talaga maitindihan ang nakalagay sa board, nakita ko nag uumpisa na mag start ang oras sa isang TV na nakalagay sa likod nila phoebe. Tingin ko pag naubos ang oras mamamatay silang dalawa.

Pinilit ko unawain ang nakalagay sa board at napansin ko na tagalog word to na pabaliktad ang pagkasulat

Sinulat ko sa papel ang nakalagay sa board at nanlumo ako sa nabasa ko

"mamili ka sa dalawa isa mabubuhay isa mamamatay"

Umiiyak na ako habang tinitingnan ko yung dalawa tumungo nalang si phoebe at patuloy naman sa pag iyak si venus tinago ko na ang papel sa bulsa ko at napansin ko may 20 seconds nalang ang natitira sa timer sa TV

Nawala na ako sa sarili ko dahil sa halong halo emosyon galit awa lungkot sakit lahat na ata mababaliw na ako na bigla sumigaw si venus

"Araaaaaaaaaay!" napansin ko dumidiin na ang blade na nakalapat sa leeg nya at nakita ko may dugo na sa leeg nya

Naglakad na ako papalapit sa dalawa ng may napansin akong linya hindi ko na pinansin ang linya at pagkalagpas ko sa line bigla nalang may tumusok na pako sa tagiliran ni venus at phoebe patuloy itong tumutusok habang papalapit ako sa dalawa ng lumayo ako lumalayo din ang pako sa tagiliran ng dalawa

Hindi ko na alam ang gagawin ko 10 seconds nalang at patuloy na dumidiin ang blade sa leeg nila phoebe at venus

Kailangan ko na talaga mamili sabi ko sa loob ko kaso ang hirap parehas silang importante sakin.

5 seconds nalang at madami nang dugo ang lumalabas sa dalawa patuloy padin sa pag iyak si venus at si phoebe nanatiling nanahimik at nakatungo

Napansin ko si phoebe na nakatingin sakin at biglang ngumiti

"sya nalang piliin mo jo please" may halong garagal sa boses ni phoebe

3 seconds nalang wala na akong choice tumingin ako kay phoebe at nagpasalamat

"salamat phoebe" at ningitian nya ako
"Good boy" dagdag pa nya habang nakangiti
2 seconds nalang
"pinindot ko na ang button na nakatapat kay venus"

Na bigla nalang ..

EncodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon