BAAAAAAGGGGGGG!!!!
Pagdadabog ko papasok ng kwarto. Ako si Justin Mendoza ang pinakasikat na hearthrob ngayon sa Pilipinas, lahat ng pelikula at palabas ko sa telebisyon ay talagang patok na patok sa masa. Ngunit ngayon, pakiramdam ko, ako ang pinakawalang kwentang tao dahil sa pakikipaghiwalay ko sa 5 years kong girlfriend na si Cassandra Santos na kaloveteam ko din.
Hindi ko pa rin binubuksan ang ilaw ng kwarto ko dahil ayaw ko makita ang sarili kong umiiyak dahil sa nangyari samen, at para na rin namang wala ng liwanang ang buhay ko pagkatapos makipaghiwalay sa saken ni Cassandra.
"Anu bang ginawa ko??? Lahat naman binigay ko sa kaniya. Oras ko, panahon ko at pagmamahal ko.. anu pa bang kulang????"
Flashback....
Katatapos lang ng photoshoot ko sa isang sikat na magazine, nagmamadali akong magpalit ng damit para puntahan si Cassandra dahil ilang araw na kameng magkaaway at balak ko na rin siyang suyuin.
"Justin, san ka pupunta?" tanong saken ni Jepoy, siya ang P.A. (personal assistant) ko, at matagal ko ng kababata.
"Pupuntahan ko si Cassie ngayon, hindi ko na kaya Jepoy na ganito kame. 3 araw na kame hindi naguusap pero parang taon ang dating sa akin. Makikipagbati na ko sa kaniya."
"Teka lang Justin, di ba siya ang may kasalanan kung baket kayo nagaway? Oh e baket ikaw pa ang makikipagbati sa kaniya???"
"Anu ka ba Jepoy, when it comes to love and relationship it doesn't matter kung sino ang may kasalanan o wala, ang importante dito maayos niyo ung problema niyo."
"Pero Justin, lage na lang ikaw ang nageeffort.. pwede ba minsan siya naman??"
"Sige Jepoy, alis na ko. Bibilin ko pa ung favorite na bulaklak ni Cassie e. Bye." Sabay bitbit ng gamit ko at nagmamadali akong sumakay ng kotse niya at umalis.
CASSANDRA'S PART
(SA PARKING LOT NG CONDO...)"Kelangan ko na sabihin to kay Justin, ayoko na rin siya masaktan." bungad ko kay Glenn.
"Are you sure you're gonna be okay??"
"Yup, mas okay na rin to para hindi ko na rin siya masaktan. Nahihirapan na rin ako magtago ng kung anu satin dalawa Glenn."
Siya si Glenn Dela Cruz ang sikat na car racer sa bansa. Nagkakilala kame sa isang party nung December dahil meron pala kameng common friends. Dun na nagsimula ang pagkakaron namen ng communication pero hindi kame makapagdate dahil baka may makakita sa samen at maheadline pa at bukod dun baka malaman pa ni Justin.
"If you want, samahan kita kausapin si Justin." pilit pa saken ni Glenn.
"No need na Glenn, this is between me and Justin. Dont worry, okay?" Sabay ngiti ko sa kaniya.
JUSTIN'S PART
Habang papunta ako sa condo ni Cassandra, dinaanan ko pa ung bulaklak na pinagawa ko pa sa isang sikat ng flower shop malapit sa condo niya. Mahilig kasi sa bulaklak si Cassie. Habang nagmamaneho ako e, nagpapraktis pa ko ng sasabihin ko kay Cassie.
"Hon, im so sorry.. i know this is all my fault.... ay mali! Hon, i love you so much, wag ka na magalit please??, ay mali! Ahmmmm.. Hon, wag na ikaw galit a... wwaaaah!! Bahala na nga mamaya.."
Nakarating na rin ako sa parking lot ng condo ni Cassie. Inhale exhale ang ginagawa ko, sobra kaba ko ngayon lang kasi kame nagkaaway ng ganitong katagal, bago ako bumaba e kinuha ko agad ung bulaklak na pinagawa ko para sa kaniya.
CASSANDRA'S PART
Hinintay ko muna na makapagpark si Justin at maya-maya bumaba na ito. Dali-dali akong bumaba ng kotse at huminga ng malalim...
"Justin!!!!" Tawag ko sa kaniya, kinakabahan ako pero iniisip ko na lang na eto na ung tamang panahon para kausapin ko si Justin.
JUSTIN'S PART
Nagulat ako, hindi ko siya inexpect na andun din siya sa parking kaya dali-dali kong tinago ung bulaklak pinagawa ko para sa kaniya.
"Hon! Bakit andito ka?" Natotorete pa ko, hindi ko alam kung panu ko titimingan ang pagbibigay ng bulaklak sa kaniya.
"Justin, i think we need to talk.." mahinahon na salita niya saken.
Biglang akong kinabahan, siryosong-siryoso ang muka niya at para bang may kung anu importante siya sasabihin saken..
"Justin, im sorry.. but.... it's..... OVER..." biglang sabi sken ni Cassie.
Parang nabibingi ata ako sa narinig ko. Anu daw???
"Over??? Anung over?? Okay naman tayo di ba??" Pilit ko pa na may kasama pang ngiti.
"Ayoko na saktan ka Justin, ayoko na rin lokohin ang sarili ko. Hindi ko alam pero im not happy with you anymore. Sa twing nakikita kita nasasaktan ako, kasi hindi ko na kayang mahalin ka gaya ng pagmamahal ko sayo dati. I'M SORRY.." biglang tumulo na lang ang luha ni Cassie.
"Hon, anu bang pinagsasasabi mo???" Hinawakan ko agad ang kamay niya pero bumitaw din siya agad.
"Justin, please... ayoko na.." huling sabi niya sa akin at lumakad palayo at papasok sa condo. Naiwan ako na nakatulala at nanlalamig. Nanghihina ako, biglang bumagsak ang bulaklak na hawak ko na pinagawa ko pa bago ako pumunta dito. Pakiramdam ko naddrain ako, namamanhid ang buo kong katawan.
"JUSTIN, ITS OVER.. AYOKO NA.. HINDI NA KO MASAYA.."
ung lang ang tangi kong naririnig at paulit-ulit sa tenga ko.Habang naaalala ko ang nangyari kanina, wala akong ibang magawa kundi umiyak ng umiyak. Maya-maya pa narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Justin, andyan ka na ba sa kwarto mo?" Tanong ni Jepoy. Tuloy-tuloy ang pagkatok nia sa pintuan ko, alam ko na alam niyang nasa loob ako dahil nakita niya siguro na nakapark na ang sasakyan ko sa basement. Maya-maya pa, biglang binuksan ko na rin ang pinto.. "Samahan mo ko, gusto ko makalimot.."
SA BAR..
Walang iba magawa si Jepoy kundi tignan lang ako, halatang-halata niya siguro na gusto ko magpalango sa alak. Kaya hindi na niya mapigilan ang sarili niya magtanong.
"Justin, anu bang problema?? Anung nangyari??"
"Cassie broke up with me..." mahinang sagot ko, ang hirap bigkasin bawat salita, sabay inom ko na naman na kakasaling alak sa baso ko.
Ngayon lang ulit ako nakita ni Jepoy na naginom ng husto dahil simula nung nakilala ko at naging kame ni Cassie ay tumigil na ko sa ganitong trip. Pero ngayon, parang hayok na hayok akong uminom ng alak na parang wala ng balak umuwi pa.
Habang umiinom ako ng alak, pakiramdam ko hindi nawawala ang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko. Wala na ang babaeng nagbibigay kulay sa buhay ko, ang babaeng inisip ko nal makakasama ko habang buhay. Paulit-ulit ko naririnig ang salitang "JUSTIN, ITS OVER.. AYOKO NA.. HINDI NA KO MASAYA.." napahigpit ang hawak ko sa baso, maya-maya pa naibato ko ito sa may kabilang lamesa. Nagulat ang 3 lalaki sa kabilang lamesa kaya nilapitan ako ng mga ito at mukang naghahamon ng away.
"Hoy!!! Anu bang problema mo a????" Sabi ng mukang lider nila, malaki ang katawan nito at mukang hindi palalagpasin ang ginawa ko sa kanila.
"Oh eh anu naman sayo????" Maangas na sagot ko. Kaya hindi ko napansin na palanding na ung kamao ng lalaking un sa muka ko.
Nagulat si Jepoy, gaganti sana siya para saken pero nasuntok na rin siya ng isa. Nagkagulo na sa bar. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakahandusay na pala ako sa sahig ng bar, itinayo ako ni Jepoy kahit nanghihina pa rin siya, maya-maya pa ay may nakakilala sa akin na isang reporter at kinuhanan ako ng litrato.
BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomanceSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...