CASSANDRA'S PART...
Tahimik akong pumasok sa unit ko, ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin un kay Justin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, ang sakit sakit, parang may kung anu sumaksak sa dibidib ko..
Dumating si Glenn nang hindi ko namamalayan, hindi na siya nagtanong pa kung okay lang ba ko dahil alam niyang hindi ako okay. Alam kong nasasaktan siya sa nakikita niya, kaya niyakap na lang niya ako ng mahigpit na mahigpit. Ramdam ko ang pagmamahal ni Glenn at masaya ako sa nararamdamang yun, pero panu si Justin???
JUSTIN'S PART
Nagising na lang ako sa kwarto ko, pero hindi pa rin ako makatayo agad dahil sa sakit ng katawan ko. Naalala ko pa rin lahat nang nangyari kagabi sa bar, at gulo na napasukan namen ni Jepoy. Akala ko ay matatabunan ng sakit ng katawan ko ung sakit na nararamdaman ng puso ko pero hindi pa rin pala. Kaya dali-dali akong pumunta sa kusina at naghanap ng bote ng alak, kukunin ko na sana ito, ngunit biglang nagring ang cellphone ko.
Ms. Verna calling...
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag ng manager ko pero wala akong choice kundi ang sagutin ito.
"Hello?" Matamlay na sagot ko.
"I need you right here in my office. NOW." madiing sabi ni Ms. Verna at binaba na niya ito.
Nakita ko si Jepoy palabas ng kwarto niya at papunta sa may kusina. Napansin niya ang bote ng alak na nkapatong sa lamesa.
"Justin, tigilan mo na yan! Kakabugbog nga lang saten kagabi e, tapos ayan magiinom ka na naman." Saway niya.
"Wag kang OA Jepoy, hindi ko pa nabubuksan at hindi ko muna mabubuksan dahil pinapapunta ako ni Ms. Verna sa office niya ngayon." Bara ko sa kaniya.
Alam kong kinabahan si Jepoy sa sinabi ni ko, dahil malamang na nakarating na sa kniya ang nangyari kagabi sa bar.
"Naku! Lagot na, mukang nakarating na kay Ms. Verna..." hindi ko na pinatuloy pang magsalita si Jepoy dahil winalk outan ko na siya at wala na siyang choice kaya napakamot na lang tuloy siya sa ulo niya.
SA OFFICE NI MS. VERNA..
"Justin, anung naisipan mo kagabi at nagawa mo yun??? Alam mo bang isang napakalaking issue nitong ginawa mong gulo sa bar?? Laman ka na agad ng newspaper!!!Lasing na lasing ka pa at yan tignan mo muka mo, my black eye ka pa!" Sermon saken ni Ms. Verna.
Si Ms. Verna ang manager ko, simula ng magsimula ako sa showbiz. Marami siyang hawak na malalaking artista at lahat ng yun ay sumikat at hinangaan ng tao. Kaya siguro nagawa din niya kong pasikatin gaya ng mga idol ko.
Hindi ako makaimik sa mga pinagsasabi ni Ms. Verna, hindi dahil sa aminado akong kasalanan ko pero dahil wala akong gana makipagusap kahit kanino. Tulala pa pa rin ako.
"Justin!!!! Im talking to you, baket ndi mo ko sinasagot???!!!" Sumigaw na siya at alam kong pikon na siya sa akin dahil sa pandededma ko sa kaniya. Tumayo na ito sa harapan ko. Wala na talaga ako masabi.
"She broke up with me." tipid na sagot ko.
"What did you say???" Pagtatakang tanong niya saken. Hindi ko alam kung hindi niya ko narinig o hindi lang siya makapaniwala.
"She broke up with me. Hindi na niya ko mahal. Hindi na siya masaya sa akin." Pinipigil kong umiyak sa harapan ni Ms. Verna, pero hindi ko na kaya mapigilan.
"Anong nangyari??? Kaya ba...." hindi ko na pinatuloy magsalita si Ms. Verna dahil ayoko muna pagusapan ang nangyari kaya tumayo na lang ako.
"I need a break. I need some space" sabay labas ng office ni Ms. Verna.

BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomansaSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...