ARA'S PART
Pagdating na pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina, at uminom ng maraming tubig para maalis lahat ng init na nararamdaman ko, hindi dahil sa pagjojogging ko kundi dahil sa aroganteng lalaki na nakasagutan ko sa park. Napapahigpit pa rin ang hawak ko sa baso habang umiinom ako ng tubig dahil naaalala ko pa rin lahat ng pinagsasabi at pagmumuka nung lalaking, hindi ko alam kung san lupalop nanggaling.
"Oh sis, san ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap a.." tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Dianne at nagtataka. "Teka, nagjogging ka ba?" natatawa niyang tanong saken. Pero hindi man lang ako natawa sa sinabi niya dahil wala ako gana makipagbiruan. Tinignan ko lang siya.
"Pwede sis, maya mo na lang ako inisin dahil kotang-kota na ko." Inis kong sagot sa kaniya.
"Huh? Baket naman? May nangyari ba?" pagtatakang tanong saken ni Dianne.
"Hay naku sis, ayoko na pagusapan ang nangyari kanina baka maging super saiyan ako, mapatapon ko pa sa universe ung gagong yun!"
Bigla namang singit nito ni Belle.
"Anung hitsura ate? Panget ba? O gwapo??" Sbay ngiti nito saken. Grabe talaga tong batang to, kahit nasa loob ng kwarto niya, pag chismis lilitaw at lilitaw talaga. Eh anu nga ba hitsura nung...... anu bang pangalan nung hinayupak na un???
"Hindi ko napansin, dahil hindi naman siya kapansin-pansin."
"Sana tinignan mo muna te para malaman mo kung may K siyang ganunin ka, kung panget ay naku!!! Dapat dun binabaon sa lupa agad agad, pero kung gwapo naman palagpasin na lang." Sabay kilig nito at ngiti saken.
"Hoy Belle, hindi porket gwapo e papalagpasin yung mga ganung ugali noh! Wag lang talaga siya ulit magpapakita saken kundi naku!!! Lintik lang ang walang ganti!"
"Naku te, kung kasing gwapo naman ba ni Justin Mendoza e jusko, papicture na lang ako siguro." Loka-loka talaga tong batang to, basta gwapo ganun ganun na lang? No way!!!
"Si Justin??? Ay oo nga ang gwapo nun noh? Jusko po! Parang hulmang-hulma ang hitsura e, pagsa gwapo." Sagot naman nitong bestfriend ko. Sino ba yung Justin Mendoza na yun??? Never been heard.
"Justin Mendoza??? Sino yun?" Pagtataka kong tanong sa dalawa. Gulat na gulat ang hitsura nilang dalawa sa akin parang hindi makapaniwala na hindi ko kilala yung sinasabi nila.
"Hindi mo kilala si Justin ate???" Nanlalaking mata ni Belle. Umiling lang ako. Sino ba kasi yun???
"Sis!!! Si Justin Mendoza!!!! Hindi mo siya kilala????"
Sabat naman ni Dianne."Ay jusko po, hindi nga! Sino ba yun??? Kaklase ko ba yun nung highschool??? Kababata mo ba yun Dianne??? Ahhhh.. alam ko na, kapitbahay niyo un Belle noh?" Panghuhula ko sa kanila.
Sabay na nagsalita ang dalawa..
"Si Justin Mendoza, ang pinakasikat na hearthrob ngayon!!! Kaloveteam ni Cassandra Santos!!!"
May 5 segundo ako nanahimik, inalala ko kung kilala ko ba yung sinabi nila, sabay iling ko.. "hindi talaga. Sorry" sabay pasok ko sa kwarto.
"Anu ba yan Ate Dianne, hindi ba talaga kilala ni Ate Ara si Justin? Baka nagjojoke lang siya???" Tanong ni Belle.
"Naku Belle, mukang hindi talaga dahil alam mo namang hindi mahilig manuod ng tv yang si Ara." Rinig kong sagot ni Dianne.
Dahil sa hindi na ko masyado mahilig manuod ng tv, kaya hindi ko na kilala yung mga bagong artista. Tska e anu ngayon kung hindi ko siya kilala, kawalan ko ba siya?? Tska oo nga tama! Kapangalan pa niya ung aroganteng lalake kanina! Makapagshower na nga lang.
JUSTIN'S PART
Ipinikit ko na lang ang mata ko, INHALE EXHALE.. narinig ko na lang si Jepoy na nagsalita.
"Buti na lang talaga at mukang hindi ka kilala nung babaeng yun."
"Wala kong pake kung kilala niya ko o hindi. Basta ayoko na makita ang muka nung babaeng yun!!!' Sabay paling ng muka ko sa may bintana. Umiinit pa rin talaga ulo ko sa babaeng yun, grabe wala pang gumaganun saken kahit na sino, siya lang!!!! Pag nalaman niya na ako si Justin Mendoza, hinding-hindi ko siya papayagan magpapicture or magpaautograph saken, tandaan niya yan!
Nagpark kame sa isang sikat na hotel sa Baguio. Dito kame magchecheck in muna pansamantala. Si Jepoy na lang pinag-inquire ko sa loob dahil parang nanghihina pa ko. Wala pang 10 minutes, bumalik na si Jepoy.
"Pre, fully booked daw." Sabay sakay ng sasakyan ni Jepoy.
"What???!!!! Panu nangyaring....." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko sa kaniya dahil ayoko na madagdagan ang kabadtripan ko ngayong araw.
Naghanap pa kame ng ibang hotel, pero lahat fully booked. Anu ba to????!!! May halong malas ata yung babaeng yun a!!!
"Peak season kasi kaya halos lahat fully booked. Gusto mo magrent na lang tayo ng bahay? Marami nun dito. Atleast yun may privacy ka talaga." Sabi ni Jepoy habang nagddrive. Tumango na lang ako, walang choice e.
Isang oras na kami naglilibot dito sa isang subdivision pero halos lahat may nagrerent na. Naubos na pasensya ko, "anu ba yan! Bumalik na kaya tayo sa Manila??? Putek! Puro wala na a!"
"Chillax pre, last na to kung wala na talaga mag-Sagada na lang tayo." Huling hirit ni Jepoy saken. Pinaandar ulit ni Jepoy ang sasakyan, at naghanap pa. Maya-maya lang ay napatigil kame sa isang parang haunted house.
"Hoy Jepoy, dont tell me pati ito pagtatanungan naten a. No way! Mukang abandoned na oh!"
"Pre anu ka ba, ayan oh may nakalagay na karatula "For Rent. Inquire inside." Oh, ibig sabihin hindi siya abandoned di ba??"
"Anak ng! Sigurado ka ba sa sinasabi mo?? Tignan mo nga yan, sa tingin mo ba may magkakainterest na magrent dyan? Tutol ko.
"Yun na nga ung point dun pre, siguradong available tong bahay na to." Sabay ngiti saken at baba ng kotse.
Tinititigan ko ang bahay na to, jusko po! Mukang eto yung mga pinagshoshootingan ng mga horror movies e, ung mga haunted house. O kaya feeling ko nafeature na to sa MGB o kaya Kapuso Mo Jessica Sohopag halloween special. Nagccross finger ako na sana walang tao sa loob. Maya-maya pa nakita ko na agad si Jepoy na pabalik ng sasakyan. Bilis a, mukang hindi available ang bahay. Yes!!!!
"Pre, baba ko na mga gamit a. Available ang bahay, tara na." Bungad saken ni Jepoy.
"What???!!! Teka... tao ba nakatira sa bahay na yan??? Baka naman multo yung nakausap mo, or baka naman aswang! Wag na kaya pre. Hanap pa tayo." Pigil ko sa kaniya.
"Pre, wala na tayo choice. Pagod na rin ako magdrive, pagod ka na rin at we need to take some sleep. Kaya bumaba ka na dyan at magcheck in na tayo dito, okay?"
Hindi ako nakasagot kay Jepoy, tama siya pagod na kame pareho at gutom na rin dhil halos 2 hours na kame naghahanap ng pagstayan dito, pero baket dito pa??? Hay, tumatayo balahibo ko sa lugar na to a.
Nakapasok na rin kame sa wakas ng bahay na to, sa labas lang naman pala siya mukang haunted house pero sa loob, hindi naman pala. Medyo luma nga lang pero pwede na. May bumati agad samen na 2 babae na nakangiti.
"Good afternoon po! Welcome to our house.." sabay nilang sabi.
"Good afternoon." Tipid kong sagot, hindi ko pa matanggal ang shades ko dahil antok na antok na ko.
"Kanino kame pwede makipagusap regarding sa rent namen?"
"Ahh, tawagin lang namen siya sir. Siya po kasi mismo ung may-ari nitong bahay." Sagot kay Jepoy nung isang babaeng, medyo maputi at hindi katangkaran, na nakabraces.
Dali-dali namang umalis saglit ung isang babaeng medyo bata, tatawagin ata ung may-ari na sinasabi nila.
Maya-maya pa, lumabas na ung may ari. Parang familiar siya saken.
"Ahmmmm.. sir, eto po si Ms. Ara Fernandez siya po yung may-ari nitong bahay."
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, sabi na nga ba e familiar ang muka nitong babaeng to. Siya yung babaeng nakaaway ko sa park kanina. Tinanggal ko ang shades ko para maconfirm kung siya nga......
"IKAW????????"
BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomanceSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...