JUSTIN'S PART
Nagimpake na ko agad ng gamit ko para sa pagalis namen mamaya, hindi ko na kelangan pang ipagpabukas tong pagalis ko. Mas maaga mas maganda sabi nga nila. Sa pagiimpake ko, nakita ko ung jacket na niregalo sa akin ni Cassie nung birthday ko, naaalala ko pa nung binigay niya to sa aken "Hon, gusto ko isuot mo to everytime na nilalamig ka or nakakaramdam ka ng lungkot, kasi pag wala ako sa tabi mo at isinuot mo to para na rin ako nakayakap sayo." Hindi ko mapigilan ang kilig ko ng sinabi niya un saken, pakiramdam ko ito ang pinakamagandang jacket sa lahat. Pero ngayon, habang minamasdan ko na to ngayon, sakit at kirot ang nararamdaman ko. Lahat ng bagay na nakikita ko dito sa loob ng kwarto ko ay halos bigay niya, ang picture frame nameng dalawa, ung relo kong suot ngayon, ung shades na ginagamit ko twing magbebeach kame, at lastly ung jacket na hindi ko alam kung dadalhin ko ba sa Baguio. Habang nagiimpake ako ay biglang pumasok si Jepoy.
"Justin, ready ka na ba? Nakapagimpake ka na? Nakaready na ung kotse sa parking."
"Sige Jepoy, patapos na rin ako. Pakiantay na lang ako dun"
"Ok sige."
Bago ako lumabas ng kwarto ko, sinuot ko na ung jacket na binigay sa akin ni Cassie para kahit papanu maramdaman ko na mahal pa rin niya ko. Kahit dun man lang magassume naman ako.
ARA'S PART
Hmmmmm.. san kaya ako pwede makahanap ng pambabayad kila Mr. Chua? Hindi pwede mailit to basta basta, hindi ako papayag! Ahhhhh!!! Alam ko na, gagawin kong coffee shop tong bahay, tapos ung kikitain ko dito, un ang panghulog ko sa bayad kila Mr. Chua. Tama!!!!! Ang galing ko talaga!!
"Hoy Ate Ara, anu ba yang iniisip mo at mukang nangingiti ka magisa? Wag mo sabihin saken nasisiraan ka na ng bait a." Sabat saken ni Bella habang naglalakad kame sa park.
"Sira! Nakaisip na kasi ako ng solusyon sa problema ko." Nakatanga lang saken si Bella, mukang hindi pa niya maintindihan ang ibig kong sabihin. "Di ba ang pinoproblema ko, ung tungkol sa pambabayad ko kila Mr. Chua?" Tumango lang siya. "Nakaisip na ko ng paraan dun." Excited kong sagot sa kaniya.
"Eh anu naman un ate?" namamanghang tanong niya.
"Gagawin kong coffee shop ang bahay ko, at pag kumita na un ng malaki, ung kinita ko dun ang ipambabayad ko kila Mr. Chua." Explain ko sa kaniya.
"Magandang idea yan Ate Ara!"
"Oh di ba sabi ko sayo e, tayo ang magiging pinakasikat na coffee shop dito sa Baguio!" Naiimagine ko na ang lahat, naku!!!!
"Eh kaso Ate, san ka naman kukuha ng pangrenovate ng bahay mo para maging coffee shop at san ka kukuha ng pang puhunan mo?" Basag na tanong ni Bella.
BOOM!!! oo nga noh? May point siya.. waaaaaaaaahhhhh! Erase erase, mali.. lalo lang ako maguguluhan nun.
"Anu gagawin mo, ung 3 in 1 ang gagamitin mong flavor sa coffee shop mo? Haha.. Ate naman, isip isip pag may time a. Haha." Sarap na sarap ang tawa ni Bella, ngunit nahinto yun ng tumingin na ko ng masama sa kaniya. "Joke lang te, to naman. Pinakamatalinong idea kaya ung naisip mo" bawi niya. "Che! Manahimik ka na nga dyan" pikon kong sagot. "Bumalik na nga tayo sa bahay at baka matulak pa kita drecho ka pa sa bangin."
JUSTIN'S PART
On the way kame ni Jepoy sa Baguio, 5pm kame umalis ng Condo. Hmmmm.. siguro mga 12mn nasa Baguio na kame. Habang bumabyahe kame, may nakita akong isang billboard ni Cassie sa may EDSA. Tinitigan ko yun, kahit ba san ako magpunta ikaw pa rin nakikita ko? Panu kita malelet go kung lahat na lang IKAW. Panu kita makakalimutan? Hay, napabuntong hininga na lang ako.
"Ahmmmm.. Justin, pwede ba ko magtanong sayo?" Tanong ni Jepoy habang nagddrive.
"Anu yun?"
"Anu ba yung dahilan bakit kayo naghiwalay ni Cassandra?" Alinlangan na tanong ni Jepoy.
Kaya ko bang ikwento kay Jepoy, kung anu ang nangyari samen ni Cassie sa parking lot ng condo niya nung araw na yun? Hay, karapatan din naman niya malaman dahil kaibigan ko siya at para din mailabas ko rin sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko.
"Natatandaan mo ba nung nagmamadali ako umalis papunta sa condo niya?"
"Hmmmm.. oo, ayun ung pagkatapos ng photoshoot mo di ba?"
"Oh un na yun. Yun na pala ung magiging huling usap namen as a couple."
Ang sakit balikan, pero mas maganda na rin ikwento ko kay Jepoy para kahit papanu gumaan ang loob ko at mabigyan niya ko ng advice....
Nagstop over kame sa isang fast food chain para kumain ng dinner. Nakwento ko na rin ang buong pangyayari kay Jepoy.
"Ganun ganun lang yun Justin???? Basta na lang hindi na siya masaya sayo??" Inis na tanong ni Jepoy. Tumango lang ako, hindi ko kayang magsalita baka dito pa ko umiyak sa public place.
"Alam mo Justin, pakiramdam ko may involve dyang 3rd party." Nabigla ako sa sinabi ni Jepoy kaya napadiin ang tingin ko sa kaniya. Hindi magagawa saken un ni Cassie, alam ko mahal niya ko at hindi niya ko kaya ipagpalit.
"Hoy Jepoy, alam mong hindi kayang gawin saken yan ni Cassie. Siguro nasakal na siya saken."
'Tsss.. nasasakal??? Panung nasasakal aber??? Eh lahat nga ng lakad niya pinapayagan mo siya, lahat ng gusto niya gawin hindi ka kumokontra. Sa inyong dalawa, ikaw ang give ng give, samantalang siya take ng take." Ramdam ko ang inis ni Jepoy.
Ganun ba ung relationship namen ni Cassie? Mukang hindi naman, mas pinagbibigyan ko lang siguro siya dahil ayoko un ang maging dahilan ng pagaaway namen. Nakakatuwa nga e, dahil sa 5 taon namen relationship never kame nagaway ng sobra na gaya ng iba. Alam ko kasi ang mga ayaw at gusto niya at sinusunod ko yun para wala ng away.
Pagbalik namen sa kotse, umidlip muna ako para makapagpahinga pagod na rin kasi ako sa byahe at pagod na rin ako magisip at malungkot sa nangyari samen dalawa kaya itutulog ko na lang baka sakali sa panaginip ko, mahal na niya ulit ako at hindi na niya ko iiwan pa. Aasa na lang ulit ako, gaya ng ginawa ko kanina sa jacket na suot ko.
BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomanceSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...