Just Deal with It

8 0 0
                                    

ARA'S PART

"Oo sige na, payag na ko sa kundisyon mo." nakayuko akong sabihin yun dahil ayoko makita ang reaction ng Justin na to.

"Good! So panu? Pipirmahan ko na tong agreement a. Good decision Ms. Ara." Ngisi pa niya saken sabay kindat. Grabe, ang sarap talaga sapakin muka ng lalakeng to!

Papasok na sana ako ng kwarto ko ng tinawag na naman ako ng Justin na to.

"Ahmmm.. excuse me Ara?"

Anu na naman ba kelangan niya???? Lumingon ako.

"Yes??" Gigil at pilit kong ngiti sa kaniya.

"Medyo pagod na kasi kame ni Jepoy and we want to take a rest, sobrang layo kasi ng Manila dito sa Baguio e."

"So? What do you mean???" Taas ko sa kilay ko. "Aahhh, okay ahmm.. Belle, pakihatid na sila Justin sa kwarto nila." Sabay talikod ko.

"That's not what I mean, ang ibig kong sabihin pagod na kame magdala ng gamit namen, so can you please carry our bags?" Utos niya saken.

Wow a! F na F niya na talaga agad a.

"Excuse me? Hindi pa magsisimula ung deal kasi hindi pa pirmado yung agreement."

Inangat niya ung agreement and nakita ko dun na napirmahan na niya. Oh my god!!! Simula na pala ang kahayupan ng lalakeng to!

"Ahmm.. Justin, ang bibigat ng gamit naten. And i think tayo dapat magbuhat nito." Sagot ng kaibigan niya. Buti pa tong kabigan niya e, may natatagong kabaitan, siya talaga wala e! Kumbaga sa sakit terminal na siya!

"Jepoy, she agreed with the agreement. So meaning, siya na yung exclusive helper ko." Sabay tingin saken na nakangiti. Mapangasar talaga.

"Oo na. Sige na ako na magdadala. Kahiya pa sayo e." Sabay lapit sa kaniya at binuhat ko ung isang bagahe, wow! Grabe a, anu ba laman nitong bag na to at ang bigat???!!!! Jusko naman! Iaakyat ko pa naman to sa hagdan.

"Ara, sigurado ka na kaya mo dalhin yan?" Tanong saken ni Jepoy. Tumango na lang ako.

"Ahhh, Sis pakihatid na lang sila sa kwarto nila." Pasuyo ko kay Dianne. At umakyat na silang 3 sa taas. Habang paakyat ay sumulyap na naman tong si Justin at kinindatan na nman ako. Nyeta ka, sana mahipan ka ng hangin sa kakakindat mo.

"Belle, pakitulungan naman ako dito sa iba." At sabay kame ni Belle nagdala ng mga gamit nila Justin.

JUSTIN'S PART

Infaireness naman pala sa kwarto na binigay nila, maganda naman at maluwag. Mukang luma nga sa labas pero maganda naman sa loob, pinabayaan lang nung amazonang yun ang bahay na to. Tsk tsk. 4 ang kwarto sa taas, may malaki pang garden sa labas tapos ang laki ng kitchen tapos may bar area pa at ang pinakagusto ko dun ay ang sala nila, malaki infaireness..

"Ahm, Justin if you want something tawag ka lang dun sa may sala..okay?"

"Ahm, hey im sorry.. pero anung name mo?"

"Ahm, Dianne. Sige tawag ka na lang."

"Ahh, wait! San ang kwarto ni Jepoy?"

"Dito lang sa tabi mo."

"Ah okay? Ahmm.. pag ba ko tumawag sa sala diretso na un kay Ara?"

"Iba ung no. ni Ara sa kwarto nia. Anjan ung directory ng phone." Tinuro niya ung telepono sa tabi ng kama ko at ngumiti, saka lumabas si Dianne.

Humiga ako sa kwarto ko at dinama ko ang kama.. hays, salamat naman at nakahiga na rin sa malambot na kama. Kahit luma ang bahay na to, malinis at maayos naman kaya okay na rin to para saken tska habilin saken ni Ms. Verna na hindi ako dapat magstay sa mga hotel, tamang-tama na to. Habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ay biglang nag-ring ang phone ko. Tinatamad ako sagutin pero dapat ko sagutin dahil baka si Ms. Verna ulit to.

"Hello?" Tamad kong sagot. Wala sumasagot sa kabilang line. "Hello???"

"Ahmmmmm.. Justin???" Familiar ang boses ng nasa kabilang line. Teka??? Boses to ni Cassie a. Chineck ko ang phone ko at si Cassie nga.

"Ca...Cas...Cassie??" Gulat ko sagot sa kaniya.

"Oo ako nga. Asan ka ba ngaun? Kanina pa ko nagttry tumawag sayo kaso off yung phone mo."

Huh??? Totoo ba sinasabi niya?? Hinahanap niya ko at kanina pa daw siya tumatawag saken???

"Ahmmm, Im on my vacation. Wala lang siguro akong signal kanina." Tipid kong sagot. Hindi ako makapaniwala na kausap ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko.

"Alam kong you're on vacation, pero tinatanong kita kung asan ka. Please tell me."

"Wait lang, why you suddenly acting like that? Remember you broke up with me." Sarcastic kong sagot sa kaniya. Baket ganun sabi niya hindi na siya masaya saken at hindi na niya ko mahal pero baket umaasta siya saken kala mo kame pa rin.

"Hindi mo pa rin maaalis saken na magalala sayo. Alam ko nasaktan kita Justin, and nasasaktan din ako. Kaya please naman Justin go back here in Manila, I need to see you. I want to know if you're okay."

"Cassie, dont worry Im not in suicidal state. Oo nasasaktan ako ng sobra, pero after we broke up pakiramdam ko kelangan ko ng space, kelangan ko muna magisip-isip."

"Im sorry Justin. But please... take good care of yourself wala ako sa tabi mo kaya wala magaalaga sayo."

"Ok sige. Thanks!" And I ended the call. Hindi ko alam baket kelangan maging ganun saken ni Cassie. Mahal pa ba niya ako??? Gusto ko sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya and I want to win her back pero parang may pumigil saken. Kaya nga ako lumayo ng Manila para malayo sa kaniya pero baket naman siya ang lumalapit sken??? Bumangon ako sa kama at pinuntahan ko saglit si Jepoy sa kwarto niya.

"Pre, I will just take a nap pero hopefully pag gising ko sana my lunch na, ok? Pahinga ka na rin."

"Sige. Baba na lang ako to inform them" sagot ni Jepoy.

Tumango na lang ako at lumabas na ng kwarto ni Jepoy, makapagshower muna tapos magpapahinga muna ko.

CASSANDRA'S PART

Hindi ko masisisi si Justin kung ganun siya ka-cold saken pero hindi rin niya ko masisisi kung nagaalala ako ng husto sa kaniya. Hindi pa naman yun nagoout of town ng hindi ako kasama, hay nasan na ba yun? Habang nagiisip ako ay dumating si Glenn.

"Cassie?" May dala siyang pagkain. "I bought your lunch. Mukang hindi ka pa naglulunch e." Nilapag na niya ang dala niyang pagkain sa lamesa sa kusina.

"Nakausap mo na ba siya?" Tanong saken ni Glenn habang pnprepare ang lunch namen.

"Oo nakausap ko na siya."

"Oh eh asan daw siya?"

"Hindi niya saken sinabi kung asan siya pero sabi niya saken nagbabakasyon daw siya dahil gusto niya makapagisip." Lumapit saken si Glenn.

"Nasaktan siya ng husto Cassie and yun ung way niya para makalimutan ka. Let him. Yun ung kelangan niya ngayon. Tsaka andito naman ako di ba?" Sabay hawak sa kamay ko. Oo nga naman, andito naman si Glenn at mahal ko na rin siya at siya rin ang dahilan kung baket ako nagdesisyon na makipaghiwalay kay Justin. Pero baket kasi hindi pa rin mawala ang pagaalala ko kay Justin?

"Sorry Glenn, kung nagaalala pa rin ako kay Justin a. Ako yung dahilan kung baket nagkaganun siya. Naaawa kasi ako sa kaniya, walang nagaalaga sa kaniya."

"Naiintindihan kita Cassie pero sana kumain ka muna ng lunch okay? Ayoko nagugutom ang prinsesa ko." Sabay ngiti saken ni Glenn at niyaya na niya ko kumain ng lunch.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Actor And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon