CASSANDRA'S PART
Alam ko abot langit na sama ng loob sa akin ni Justin dahil sa pagpapainterview ko agad about sa break up namen. I have no choice, malalaman din naman ng mga fans na wala na kame, e di mas maganda kung umamin na ko ng maaga?
Ms. Paula calling...
"Anu ang naisipan mo at bigla ka nagpainterview? Hindi mo ba naisip na baka ikalaos mo yang ginawa mo?" Bungad saken sa fone ni Ms. Paula, siya ang manager ko. Hindi ko talaga siya ininform na magpapainterview ako, basta tinawagan ko lang ung reporter na kilala ko at agad agad ako nagpainterview.
"Malalaman din naman ng tao yun kaya..."
"Are you out of your mind Cassie???!!! Tell me, what makes you decide to do this huh? Hindi mo man lang inisip kung anu mangyayari sa career mo? Panu din si Justin?" Diredretso niyang tanong sa akin. Ramdam ko ang galit saken ni Ms. Paula, pero anu magagawa ko e yun ang gusto ko mangyari??
"Im sorry Ms. Paula.." wala ako masabi sa kaniya at hindi na rin ako makapagexplain sa kaniya.
"You create a big mess, pinagppyestahan tuloy kayo. Ang dami tuloy lumalabas na reason kung baket kayo naghiwalay. Im trying to contact Justin pero naka-off ata ang phone niya, tinawagan ko si Verna sabi niya nagrequest muna ng bakasyon pero hindi niya alam kung asan."
Hala, baket ba niya tinatawagan pa si Justin? Teka, umalis si Justin?? San kaya naman siya nagpunta? Out of town or out of the country???
"Sige Ms. Paula, ill try to call him or try ko po tawagan si Ms. Verna." End of call.
Do i have to take responsibility for this?? Hay, mas lumala pa ata. Nag-ring ang fone ko ulit, tumatawag si Glenn.
"Hey, you're okay?"
"Oo okay na ko, tumawag ka na e. Kanina hindi ako okay."
"Huh? Why? Do you want me to come over para atleast macomfort kita?"
"Tumawag si Ms. Paula saken and she scolded me about the interview. Expected ko na naman na sasabihin niya yun e, kaso mabigat pa rin sa pakiramdam ko."
"Sabi ko naman kasi sayo di ba, wag mo muna gawin yun kasi ikaw din ang sasama sa public. Besides, hindi rin naman ako nagmamadali sa relationship naten e, naiintindihan ko kung hindi pa tayo pwede lumabas sa public na tayong dalawa lang. Im willing to wait Cassie."
Bigla na lang ako naiyak sa sinabi ni Glenn, akala ko lahat ng tao magagalit na sa akin pero hindi pa rin pala, meron pa pala nagiisang tao na kaya akong intindihin at handa akong antayin. Salamat at andito si Glenn para sa akin. Kaso kelangan ko muna tawagan si Justin, gusto ko malaman kung asan siya, kung okay ba siya. Hindi pa rin mawala ang pagaalala ko sa kniya.
"Ahmmmm.. Glenn, ill call you later a. Tawagan ko lang si Ms. Verna para malaman kung asan ngayon si Justin."
"Huh? Baket? Asan ba siya?"
"Sabi saken ni Ms. Paula nagrequest daw ng vacation si Justin, pero hindi man lang niya sinasabi kung nasan siya. Hindi ko alam kung andito siya sa Phils. or nag-out of the country." Alanganin kong sagot kay Glenn. I need to be honest with him.
"Sige tawagan mo muna, nasaktan din kasi siya ng sobra kaya siguro naghanap muna siya ng space. Tawagan mo na lang ako after mo, okay?"
"Okay. Sige. Thank you. Bye." End of call.
Grabe talaga si Glenn, napakaunderstanding talaga niya at ang bait pa niya sa akin. Kaya hindi malabo na nahulog ang loob ko sa kaniya, pero ganun din naman si Justin a, baket nafall out of love ako sa kaniya? Hay. Tawagan ko na nga si Ms. Verna para mawala na yung pagaalala ko kay Justin.
"Yes?" Tipid na sagot saken ni Ms. Verna.
"Ahmmm, pwede ko po ba malaman kung asan si Justin?"
"For what pa? Di ba break na kayo? Nagpainterview ka pa nga di ba, you announced it in public, remember?" Pagtataray saken ni Ms. Verna. Naiintindihan ko na ganito siya saken ngayon dahil nasaktan ko si Justin.
"Nagwoworry lang po ako sa kaniya, alam ko po nasaktan siya at hindi po ganun kadali sa kaniya tanggapin yun kaya gusto ko po siya makausap."
"Nagrequest siya saken ng vacation, and pinayagan ko siya. Hindi ko lang alam kung asan siya, at hindi rin ako nagtatanong kung asan siya kasi alam ko kelangan niya ng space dahil sa nangyari sa inyong dalawa."
"Ganun po ba? Pwede ko po kaya siya tawagan?"
"Try mo. Sige I have a lot of things to do pa. Bye." End of call.
Do i really have to call him?? Sagutin naman niya kaya tawag ko? Hay, sana naman sagutin niya. Ayoko nagaalala sa kaniya ng ganito e. Dinial ko ang number niya, kaso naka-off. Tnry ko ulit ng dalawang beses pero still naka-off pa rin. Anu ba to sinadya ba niya tong patayin para hindi siya tawagan ng mga reporters? Baka naman wala lang siya signal sa pinuntahan niya? Or baka nagpalit na siya ng number para tuluyan na kame walang communication sa isa't-isa? Kung totoo man nga yun, ibig sabihin ganun na lang katindi ang galit niya saken.
Minahal ko naman siya sa totoo lang, kahit na marami umaaligid saken nun. Siya pa rin pinili ko. Pero hindi ko alam baket bigla na lang nawala lahat ng nararamdaman ko sa kaniya. Kaso naman ngayon na hindi ko alam kung asan siya, para naman sasabog ang puso ko sa pagaalala, pag may nangyari masama sa kaniya hindi ko mpapatawad ang sarili ko. Mahal ko pa ba siya? Or naaawa lang ako? Hay. Napabuntong hininga na lang ako habang hawak hawak ko ang fone ko.
BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomanceSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...