JUSTIN'S PART
"IKAW?????" sabi na e, hindi ko pwede makalimutan ang pagmumuka ng babaeng to. Siya nga. Ang babaeng amazona na nakilala ko.
"Hoy Jepoy, sabi ko sayo e. Aswang ang may ari nitong bahay na to!" Sigaw ko kay Jepoy.
"Huh??? Anung pinagsasabi mo jan pre?" Pagtataka ni Jepoy. Hindi ba niya namumukaan tong babaeng kaharap namen?
"Aswang yang babaeng yan!" Turo ko sa babaeng
kaharap ko."Ay kuya, hindi po siya aswang.. siya po ung may-ari nitong bahay, baka may kahawig lang po siya nagportray na aswang sa tv or pelikula pero hindi po siya yun." Sagot nung babaeng mukang pinakabata sa kanila.
"Ui Belle, anu bang pinagsasasabi mo dyan?" Saway naman nung babaeng medyo maputi na nkabraces..
"Hoy lalakeng amoy alikabok, hindi ako aswang noh? At sorry hindi available tong bahay namen ngayon. Pwede na kayo umalis." Taboy samen nitong babaeng yun. Kapal ng muka niya a, kala mo naman ang ganda ng bahay nila.
"Aalis talaga kame dahil hindi kame para magstay dito noh?" Sabay hila ko kay Jepoy, kaso hindi ko maintindihan dito kay Jepoy baket mukang ayaw niya umalis. Hindi ba niya nakikilala ung babaeng yun?
"Pre, anu ba? San ka pupunta?" Pigil saken ni Jepoy.
"Jepoy, hindi mo ba nakikilala yung babaeng yun?? Siya ung babaeng nakabangga saken sa park kanina. Siya ung kung anu anu sinabi saken."
"Wow! Ako talaga ang kung anu-anu sinasabi??? Wow!" Sabat ng babaeng to.
"Ahhh.. mga miss saglit lang a, kausapin ko lang tong kaibigan ko." Sabay hila saken ni Jepoy sa labas.
"Justin, anu ka ba? Magpapakachoosy pa ba tayo? Pagod na pagod na ko at gutom na gutom na rin ako. Ayoko na magikot ulit ng 2 oras para maghanap ng available na townhouse or hotel or whatsoever. Kaya pakiusap, let's stay here." Pakiusap saken ni Jepoy.
Baket naman kasi sa lahat lahat ng pwede mabakante na bahay, eto pang bahay ng babaeng amazona na to. Pag nga naman minamalas ka oh. Naputol ang paguusap namen ni Jepoy ng magring ang fone ko.
ARA'S PART
Hinding-hindi ko siya papatuluyin dito kahit anung mangyari. Manigas sila sa labas wala akong pake! Tawagin ba naman akong aswang???? Sa ganda kong to, aswang daw???!!! Kala mo naman ikinagwapo niya ung pagtanggal niya ng shades a.
"Sis, sino ba yung lalakeng yun?" Lapit saken ni Dianne.
"Siya lang naman ung lalakeng sumira ng araw ko kanina, sis. Kaya please lang hindi ko siya kaya tanggapin dito. Baka hindi makauwi yan ng buhay." Banta ko.
"Eh ate, di ba naghihintay tayo ng magrrent dito sa bahay? Oh eto na yun oh, papakawalan pa ba naten to?" Sabat na naman ni Belle.
"Meron pang ibang magiinquire dyan, wag kayo mawalan ng pag asa."
"Jusko naman sis, last year pa yung huli nagrent saten dito after nun wala ng sumunod. Tska isipin mo, atleast kahit papanu magkakaron ka ng pera, pwede mo ipunin."
"Saksak niya sa baga niya ung pera niya noh? Basta ayoko patuluyin ung lalakeng yun dito, over my dead body." Pagmamatigas ko.
JUSTIN'S PART
Nag-ring ang fone ko.. pagcheck ko, si Ms. Verna tumatawag.
"Hello, Ms. Verna?"
"Justin, kamusta? San ka ngayon?"
"Nandito na po kame sa Baguio. Dito po muna ako magsstay." Sinabi ko sa kaniya kung asan ako dahil yun ang habilin niya at para if ever na magkatrouble alam niya kung asan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/73679867-288-k6eaa67.jpg)
BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomanceSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...